Chapter 14: Marriage
Austin Brayden's POV
"Hatid na kita, love." Napatingin ito sa akin at saka ngumiti, natulala ako, para akong nakakita ng anghel.
"Sigurado ka ba? Baka kasi alam mo na... may iba ka pang gagawin." Napangiti ako at saka ko hinigit ito. Saka ko hinapit ang kan'yang bewang.
"Ikaw ang mas importante sa akin. Kaya please. Gusto ko kausapin ang mga magulang mo." Bigla niya akong niyakap.
"Sige. Gusto ko rin na ipakilala ka kela mom at daddy." Saka niya ako hinalikan, ngumiti lang ako.
"Manang nasaan po sila daddy?"
"Nandoon po sila sa opis po ng daddy niyo po." Saka ako nito hinila.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang may hindi ako inaasahan. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Madi. Napatingin ito sa akin.
"What's wrong, love?" Nakita ko ang pag-aalala sa maamo nitong mukha.
"Nothing, love. Kinakabahan lang ako."
"Huwag kang kabahan. Mabait sila mommy at daddy. At alam kong magugustuhan ka nila."
"You're right." Sana. Sana magustuhan ako ng mga magulang mo, dahil noong huling kita namin hindi maganda ang pagkikita namin.
Pagkapasok namin nakita ko ang mga magulang ni Madisson. At may kausap itong dalawang mag-asawang at may kasamang lalaki.
Anong meron?
"Dad, mom. May gusto po akong ipakilala sa inyo." Napatingin sila sa amin. Nakita ko sila Tita Matilda at Tito Leo. Kasama nila ang hayop nilang anak.
"Brayden, you're here." Lumapit si Tita Matilda at saka ako hinalikan sa pisngi at niyakap.
"Tita..." Hindi ko alam ang sasabihin.
"Ang tagal ka na namin hindi nakikita. Hindi na kasi kayo nag-ba-bonding ng anak ko." Ngumiti lang ako. Hindi yata alam ni tita na may away kami ng anak niya.
"Dad, mom, this is Austin." Hindi ko alam kung babati ako dahil na rin sa kaba. Ngumiti ako at hinalikan sa pisngi ang mommy ni Madi saka ako bumaling sa tatay ni Madi. Nakangiti ito pero nakikita ko ang matatalim nitong tingin sa akin.
Nakipagkamay ako sa kan'ya, ang akala ko ay babaliwalain niya ito ngunit nakipagkamay ito sa akin, ngunit naramdaman ko ang paghigpit nito sa aking kamay.
"Nice to meet you hijo." May diin nitong sabi. Naramdaman naman ni Mrs. Seo na may ginagawa ang asawa nito kaya hinawakan niya ang balikat nito. Kaya napabitaw ito.
"Hello hijo. How's your business."
"Okay lang naman po."
"Umupo muna kayo. May importante akong sasabihin sa inyo." Bigla napatingin si Mr. Seo sa akin at sabay tingin sa akin.
What was that?
Pagkaupo namin hinawakan ni Madi ang kamay ko. Kahit papano ay nawala ang kaba ko. Napatingin ito sa akin saka ngumiti. Kaya napangiti rin ako.
"Christian and Madisson are getting married." Parang bomba na sumabog ang aking pandinig. Para akong nahulog.
Bigla ako napatingin kay Mr. Seo. Nakita ko na seryoso ito. At nang mapatingin ito sa akin binigyan niya ako ng nakakalokong nitong ngiti.
"D-dad... a-anong ibig sabihin nito? Bakit kami magpapakasal ni I-Ian?"
"For the business. At magkakilala naman kayo kaya pinag-usapan na namin ito, at alam na ito ni Ian."
"Pero dad, ayoko! Hindi ako magpapakasal sa kan'ya! At may asawa po ako."
"Asawa? Asawa ba ang tawag mo diyan sa lalaking 'yan? Asawa pala ang tawag sa nanakit sa'yo. He doesn't deserve you, princess. Ian's deserve you better than that jerk."
Para sinagasaan ang puso ko sa sinabi nito.
Madisson's POV
Nagulat ako sa sinabi ni dad. Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni Austin. Nakita ko ang pagyuko nito.
Napatingin naman ako kay daddy. Hindi pwede 'yun. Mahal ko si Austin at hindi ako magpapakasal kay Ian dahil hindi ko siya mahal at ayo'kong magpakasal sa lalaking 'yan.
"Dad mahal ko si Austin, at hindi ko naman mahal si Ian! Kaya walang kasalan ang magaganap dahil kahit kailan hindi ko pakakasalan ang lalaking 'yan! Halika na, Austin."
Pagkaalis namin doon hindi ko mapigilan na hindi magalit at magtampo kay dad. Ayo'kong ikasal kay Ian. Isa lalaki lang ang pakakasalan ko at walang iba kundi si Austin.
"Your father wants Ian for you. He doesn't like me for you, he's right, I'm a jerk, compare to him he deserves like you. Hindi katulad ko." Napaharap ako rito. Nakayuko pa rin ito
"No. Hindi naman sila ang makikisama sa'yo, dahil ako. Ako 'yung magmamahal sa'yo hindi sila. At ako ang magpapakasal sa'yo, hindi sila, ako. Tayo ang magmamahalan."
"He deserve you." Bigla itong napatingin sa akin at nakita ko na nakangiti ito. Kumirot ang puso ko. Bigla ito napaluha. "Tanggap siya ng magulang mo, hindi katulad ko, ayaw nila sa akin."
Hinaplos ko ang pisngi nito. "Ikaw lang ang mahal ko, hindi si Ian. Ikaw lang ang nilalaman ng puso ko, Si Austin Brayden lang ang nilalaman ng puso ni Madisson. Siya lang at wala ng iba." Maliit itong ngumiti. Saka ako niyakap.
"Don't touch my, fiancée, Brayden."
----
Sorry kung sabaw. Ehem. This is it pancit.
BINABASA MO ANG
Broken
RomanceMadisson Rivera is a simple girl. Boys admired her beauty even the bad boy of their school- Austin Brayden Castello. Austin do everything to own her, even he forced her- and carry their child and that she will marry him. Ngunit sa isang maliit na p...