Chapter 21: Pregnant

597 20 0
                                    


Chapter 21: Pregnant

Madisson's POV

Dalawang linggo nung nangyari ang dining scene na 'yun.

At sana hindi ako mabuntis. Okay sana kung kay Austin ang dinadala ko pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan at isipin na pwede rin akong mabuntis ni Ian.

Walang kahit na symptoms na buntis ako. Kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.

Sa dalawang linggo lagi nandito si Ian. At na-triple ang inis na nararamdaman ko sa kan'ya.

Tanghali na pero hindi pa rin ako umaalis sa kwarto ko. Hindi ko sila gustong makita. I want to be peace. Dahil kung magkikita kami ako ang magiging talo. Dahil alam kong mas kakampihan nila si Ian.

Pero manhid yata sila, hindi nila maramdaman na ayo'ko silang kausapin o makita man lang.

Kahit na tawagin nila ako para kumain ay hindi ako bumababa nagpapadala na lang ako ng pagkain.

Nung una hindi sila pumayag but I just threatened them. Na ipalalaglag ko ang bata kung sakaling buntis nga ako and they're scared.

Hindi ko naman gagawin 'yun. Kung sakaling anak nga ito ni Austin.

"Ma'am, eto na po ang breykfas niyo po." Napatingin ako at nakita ko ang pancake with chocolate syrup.

Napatakip naman ako ng ilong sa nalanghap kong mabahong amoy."

"Itapon mo 'yang pagkain! Ang baho!" Ngunit huli na, tumakbo ako papuntang c.r at sumuka. Kahit na wala na akong ma-isuka.

"Ma'am! Oki lang po kayo?!" Binigyan niya ako ng pamunas at tinanggap ko ito.

"Please just leave me alone. Get away that food, please. " Nakita ko naman na umalis ito at bitbit ang pagkain na 'yun.

Nanghihinang pumunta ako sa kama. Parang nanlalabo ang mga mata ko.

Pinikit ko ang aking mga mata saka ako hinila ng antok.

Nagising na lang ako nang makirinig ako ng ingay. Dinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko sila daddy at Ian na may kausap na lalaki.

Habang si mommy at ang mga magulang ni Ian ay nag-uusap.

Umupo ako at napakunot-noo. "What are you doing at my room?"

Napatingin naman sila sa akin. Biglang pumunta si Ian sa akin at nilapitan ako.

"Are you okay? May gusto ka ba?" Tinabig ko ang kamay na hahawak na sana sa aking kamay. Tumayo ako pero inalalayan niya ako kaya tinulak ko ito.

"Ano ba ginagawa niyo sa kwarto ko?! Diba sabi ko naman sa inyo na ayo'ko kayong makita!" Nag-iinit ang ulo ko.

"Sorry, young lady kung pumunta kami rito sa kwarto mo, nalaman namin na nagsusuka ka, kaya pinuntahan ka namin at pinatawag ko ang personal doctor natin and we find out that your pregnant. You're carrying Chris' child."

Napatanga ako sa sinabi ni daddy. Ngunit napailing ako. Ngumiti ako ng malaki at napatawa. Hindi porket na nagalaw ako ni Ian ay sa kan'ya ang batang dinadala ko.

"N-no... hindi ito anak ni Ian. Sinasabi ko sa inyo. This child that I was carrying, ay hindi kay Ian. Pwedeng kay Austin rin ang batang dinadala ko."

Nakita ko ang pamumula ni daddy, nilapitan ako nito saka ako sinampal.

"You're such a disgrace to our family!"

"Tito baka may mangyari sa kanilang ng bata." Saka ako hinarangan ni Ian. "At hindi pa naman natin malalaman kung anak ni Brayden ang dinadala ni Adi o sa akin. Maghihintay na lang po tayo, hanggang sa lumabas na ang bata, tito."

Nagpipigil pa rin si daddy. Nakikita ko ang mabibigat nitong paghinga ngunit hindi pa rin nawawala ang matalim nitong tingin.

"Hindi niyo mapipigilan ang party na ginawa ko sa inyo. At i-a-announced ang nalalapit niyong kasal."

"Dad!"

"Sa ayaw at sa gusto mo, Madisson, matutuloy ang kasal niyo!"

Hinawi ko si Ian at umalis sa kwartong 'yun.

Bwisit na katulong 'yun! Sinabi ba naman sa tatay ko na nagsusuka ako. Masyadong mapangmasok! Kung hindi niya sinabi pwede pa ako makatago. Pwede pa ako umalis dito sa pamamahay na ito at lumayo.

But she ruined my plan. Thanks to that maid!

Bigla na lang ako napahawak sa tiyan ko ng kumirot ito. Napatigil ako sa paglalakad at napasigaw.

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon