Chapter 20: Pananagutan

557 16 0
                                    


Chapter 20: Pananagutan

Madisson's POV

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko nakita ko na nakatayo si Ian sa tapat ng kwarto. Nang magtama ang paningin namin hinawakan niya ang braso ko ngunit tinabig ko lang ito at saka ito tinulak.

Naglakad na ako para makababa ngunit sinundan pa rin ako nito.

"Mag-usap tayo, Adi."

Hinarap ko ito. "Wala tayong dapat pag-usapan." Malamig kong sabi at saka ako naglakad ulit.

"'Yung nangyari sa at-"

I cut him off. "PLEASE JUST LEAVE! LEAVE ME ALONE!"

Narinig kong napabuntong hininga ito bago ito nanahimik at napatigil siya ya binilisan ko ang pagbaba. Napahinga ako ng malalim. Umiinit ang dugo ko pagnakikita ko siya. Ayo'kong maalala ang nangyari. Kung pwede lang na balikan ang oras na 'yon. Gagawin ko ang lahat para mabago 'yon.

Napabuntong hininga ako. "What have I done?"

Nakita ko sila mommy na kumakain at kasama nila ang mga magulang ni Ian.

Uupo na sana ako sa upuan ko ng biglang umupo si Ian sa tabi na dapat na uupuan ko. Kaya pinili kong umalis na lang at pinili ang pinakamalayo sa kanila.

Napatingin naman sila sa akin ngunit binalewala ko na lang ang mga tingin nila sa akin.

Narinig ko ang pagtikhim ni dad. "Why don't you seat to your chair, honey? I know that is your favorite seat, Madi."

"Dito po gusto ko. Ayo'ko po ng katabi."

Natahimik naman sila. Natigil ang pag-ingay ng mga utensils.

My father laughed awkwardly. But I shrugged it off. I want peace. I want silent and I want to be alone. Malayo sa kanila.

"So kailan ang kasal nila Ian at Madisson, Milo?"

"I don't know. Gusto ko sa kanila manggagaling kung kailan. Pero mas maganda kung maaga para magawa na rin nila tayo ng apo."

Natuod ako sa aking kinauupuan. Narinig ko ang mga excitement sa kanilang apat.

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor bago ko ito marahan na binagsak sa lamesa at napatayo. Nararamdaman ko ang pagtingin nila sa akin.

Ngunit malalim lang akong humihinga. Nagpipigil na magalit at sumigaw dahil mas nakakatanda sila.

"Hindi namin kayo mabibigyan ng apo. Dahil walang kasal na mangyayari. Hindi kami ikakasal ni Ian. Walang kasalan na magaganap."

Bigla naman napatawa si Ian. Na parang may nakakatawa akong sinabi.

"Don't mind what she was saying, tito. May kasalang magaganap tito. At yes tito baka mabigyan na namin kayo ng apo ni Adi." Napayukom ako at tinignan ito ngunit parang hindi niya nararamdaman ang mga matatalim kong tingin dahil nakatingin pa rin ito kay dad.

"Really?! So may nangyari sa inyo ni Mads?!" Mom said.

Napatingin naman sa akin si Ian at ngumiti. Tumango ito at tinignan si mom. "Yes tita, may nangyari sa amin, at pananagutan ko po 'yun."

Parang bulkan na sumabog nilapitan ko ito at hinila malayo sa kanila saka ko binitawan ito

I slapped him hard. Narinig ko ang pagsinghap nila sa ginawa ko. Ngunit hindi ko 'yun inintindi. Matalim kong tinitigan ang walang emosyon na si Ian.

"Wala kang pananagutan. Dahil hindi ako buntis! Kaya walang kasalang magaganap!"

"Hindi malabong mangyari yun. I spurt my sperm on your womb kaya possibleng mabuntis kita!" Malakas ko itong sinapal. Nararamdaman ko ang pananakit ng aking palad ngunit mas nananaig ang galit na nararamdaman ko.

"Hindi mangyayari 'yon!" Saka ko iniwan ito ngunit napatigil din ako ng sumigaw si dad.

"Don't be stubborn, young lady! Sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo si Chris!"

Humarap ako sa kanila. Tinignan ko si daddy. "Hindi ako buntis! Hindi ako mabubuntis! Kaya please pabayaan niyo ako."

Nakatitig pa rin ng mariin sa akin si dad. Huminga ng malalim ito at napatigil sa akin at may umusbong na pag-asa na hindi matuloy ang balak nilang pagpapakasal sa amin ni Ian.

"If you're not getting pregnant, hindi matutuloy ang kasal. At kung sakaling mabuntis ka ni Ian. Matutuloy ang kasal niyo ni Ian."

---

Ta-try kong matapos ito ng maaga. Para magawa ko na ang iba ko pang mga story na nakatengga.

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon