Chapter 23: Change

504 17 0
                                    

Chapter 23: Change

Madisson's POV

Pagkapasok ko sa sasakyan, napahawak ako sa manibela at napangiti ngunit nararamdaman ko ang paglabo ng aking mga mata, ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo sa aking pisngi.

Saka ko i-ni-start ang makina pauwi.

Magsisi ka na sinaktan mo ako Austin Brayden. Pagbabayaran mo ang lahat. Kayong dalawa ni Ian. Mararamdaman niyo ang sakit, matinding sakit katulad ng binigay niyo sa akin.

Pagkababa ko sa sasakyan. Nakita ko ang pag-abang ni Ian na parang may hinihintay. Tumayo siya nang makitang lumabas ako sa sasakyan.

Hahalikan na sana niya ako pero umiwas ako. Diretso lang akong naglakad.

Ayo'kong madikit sa isang katulad niya. Nakakadiri sila.

Gagamitin ko sila para magkasakitan silang dalawa. Paglalaruan ko sila katulad ng ginawa nila sa akin.

Lumipas ang tatlong linggo nararamdaman ko ang pagbabago ng katawan ko, tuwing umaga ay parang may humahalukay sa aking t'yan na nauuwi sa pagsusuka at ang pag-ka-crave ko sa mga pagkain.

Busy ang mga tao rito sa bahay dahil sa party na ginawa ni daddy para sa engagement namin ni Ian. Kung pwede nga lang na hindi pumunta at magkulong sa kwarto, gagawin ko. I don't wanna see them especially that Ian but kailangan kong pumunta ro'n para sa plano ko.

Naka-ready na ako. Na-suot ko na ang red plain dress ko. May gown nga na pinasusuot sa akin ni mom but I choose this simple dress because I want it. I want to tease them. Gusto ko maramdaman nila ang frustration na nararamdaman ko.

Call me a brat. I don't care.

Pagkababa ko nakita ko sila mom at dad. Marami ang mga tao, pero wala akong kilala sa kung sinong man ang nandito.

Nakita ko na nakatingin sa akin sila mom naghihintay na lumapit sa kanila ngunit ngumisi lang ako at hindi ko sila pinuntahan.

Mainis kayo, para matuwa ako.

Kumuha ako ng wine at ininom ito.

May nagsasalita sa harap at nakita ko na umakyat sa stage si Ian. Narinig ko ang pagtawag ng emcee sa pangalan ko pero tumayo ako at umalis do'n sa pwesto ko, imbes na pumunta sa harap.

Para mapahiya sila.

Napapunta ako sa may fountain. Madilim na rito. Kaya umupo ako sa may damuhan at tumingala.

Nakita ko ang mga butuin na kumikinang sa dilim na kalangitan. Masarap silang pagmasdan.

Sana gano'n rin mapawi ang sakit na naririto sa puso ko, isang tingin ko lang sa kalangitan mapapawi na ang sakit na nararamdaman ko. Pero hindi nandito pa rin. Hindi sila nabawasan man lang. Nandito pa rin ang sakit sa puso ko.

Nakita ko na may dumaang shooting star. Kaya napapikit ako at humiling.

'I wish.... I wish that I find my happiness.'

"What are you doing here?" Napadilat ako saka ako napalingon sa nagsalita.

Ngunit umiwas lang ako ng tingin saka ko tiningala ang mga butuin sa langit.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. Saka ito umupo sa tabi ko. Kaya umiwas ako rito at saka tumayo. Napangisi ako.

Buti at nakapunta siya.

Aalis na sana ako ngunit napatigil ako nang magsalita ito. "H-hindi sana ako p-pupunta rito, dahil ayo'kong makita ka na masaya sa lalaking dati kong kaibigan, ayo'kong makita ka na nasa bisig na ng iba, na iba na ang nagmamay-ari sa'yo." He paused. "Kasi tang ina! Ako 'yun! Ako dapat 'yun! Hindi ang putang inang Ian na 'yun! Ako lang ang pakakasalan mo, ako ang magiging asawa mo, ako lang. Hindi si Ian o kung sino man, ako lang."

Hindi ako nagsalita. Napangisi ako.

"Hindi ko alam kung bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon. Kasi okay pa naman tayo no'ng umalis ako, pero nagbago na lang ang lahat ng dumating ako."

Bigla ako napahalakhak sa sinabi niya. Nagmamaang-maangan pa siya na parang wala siyang ginawa sa akin. Na parang wala siyang masasakit na sinabi.

"Don't acting like an innocent, like you don't know nothing!" Sabay harap ko. Nakita ko ang pagluha nito na nagpakirot ng dibdib ko.

No. Dapat hindi ko maramdaman ito.

"A-acti-"

"Adi...."

Napatingin kami ng may nagsalita. Bigla akong pinuntahan ni Ian at hinapit ako sa aking bewang. Kahit gustong kong tanggalin at lumayo kay Ian pero hindi ko gagawin ito. Kailangan ko itong gawin.

I cupped Ian face and kiss him on his lips. Nakita ko na nagulat si Ian ngunit napangisi ako sa isipan nang makitang nakakuyom ang kamao ni Austin at pagtingin nito sa amin. Sakit ang makikita sa mukha nito lalo na sa mga mata nito. Bigla naman umalis ito.

Kaya tinulak ko si Ian at mariin na pinunasan ang labi ko gamit ang handkerchief na dala ko. Saka ako napatingin rito at saka ngumisi.

"Huwag kang magpakasaya sa paghalik ko sa'yo dahil wala lang 'yun. It's just a simple kiss. Nothing special."

Saka ako umalis.


Austin Brayden's POV


Napapikit ako ng mariin ngunit nakikita ko pa rin ang lahat. Kung paano hinalikan ni Madisson si Ian. At kung paano nito hapitin ni Ian ang mga bewang ni Madisson.

Napayukom ako. Ako dapat ang gumawa no'n. Hindi si Ian o kahit sinumang lalaki. Ako lang.

Pero ano magagawa ko. Hindi na siya sa akin. Hiwalay na kami. Magpapakasal na silang dalawa at magkakaroon ng anak.

Umasa ako pagbalik ko na may nabuo na sa pagmamahalan namin ni Madi, pero iba ang nangyari. Sakit ang dulot no'n sa aking puso.

This is my karma? For hurting Madisson back then? If it is, then fuck! It's fucking hurts!

Sa pagpili ko kay Monica kaysa kay Madi. Masakit ang nararamdaman ko. Masakit sa dibdib na parang kinukuha nito ang puso ko at sinasakal sa sobrang sakit.


Christian's POV




"Huwag kang magpakasaya sa paghalik ko sa'yo dahil wala lang 'yun. It's just a simple kiss. Nothing special."

"Huwag kang magpakasaya sa paghalik ko sa'yo dahil wala lang 'yun. It's just a simple kiss. Nothing special."

"Huwag kang magpakasaya sa paghalik ko sa'yo dahil wala lang 'yun. It's just a simple kiss. Nothing special."

Para akong tuod na nakatayo habang tinitignan ang papalayong Madisson.

Akala ko magiging tuluyan na magiging akin siya sa ginawa kong plano.

She's changed. She's not the Madisson that I know.

Kahit sakit ang ibigay niya sa akin, okay lang. Dahil alam kong magiging akin siya. At mamahalin niya rin ako.


---

Pahabol lang. Hahahaha

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon