Chapter 31: Tutuparin

540 19 0
                                    

Chapter 31: Tutuparin

Austin Brayden's POV

"Good morning po tita."

Bigla napatingin ang mama ni Ian sa akin. Binigyan niya lang ako ng isang tipid na ngiti.

"Morning too, Bray. Dadalawin mo ba si Chris?"

Ngumiti ako at saka ako tumango.

"Sige tuloy ka. Pasensiya na kung tulog si Chris. Napagod kasi sa therapy, kaya gan'yan."

"Okay lang po."

"Ako na ang humihingi ng tawad sa lahat ng ginawa ni Chris." Bigla nito hinawakan ang kamay ko at pinisil.

I tapped her shoulder and hugged her. "Okay lang po tita."

Bigla na lang ito napahagulgol sa balikat ko. Hinimas-himas ko na lang ang likod nito at hinayaan na umiyak.

Alam kong mahirap kay tita ang nangyari kay Ian, pero pinapakita lang nito na matatag ito.

Nang matapos ito umiyak. Bigla ito napahiwalay sa akin. Napapunas ito ng mata at nginitian ako ng tipid.

"Pasensiya na hijo at salamat... dahil nailabas ko ang sakit dito sa puso ko. Ayo'ko kasing ipakita kay Hernan na umiiyak ako. Dahil alam kong masasaktan din si Hernan dahil paborito nitong anak si Chris. Alam kong masasaktan iyon pagnakita niya na umiyak ako."

Bigla ito tumawa. "Sige na pumunta ka na kay Chris. Alam kong na-miss mo na ang bestfriend mo." Ngiti lang ang binigay ko.

Pagkapunta ko ro'n nakita ko na nakahiga si Ian sa stretcher. Nang mapadapo ang paningin nito sa akin bigla ito ngumiti.

"Bro..."

Lumapit ako at tinapik ang balikat nito saka ako umupo sa upuan na nasa gilid ng higaan ni Ian.

"B-buti n-napadalaw ka..."

"Gusto lang kitang kausapin tungkol sa gusto mo. Alam kong gusto mo makasama si Madisson bago ka mawala, at hindi ako payag do'n..."

Napangiti lang ito ng mapait. "A-alam ko... k-kahit n-naman p-pumayag ka a-alam k-kong h-hindi r-rin p-payag s-si M-Ma-d-disson." Bigla na lang ito napahikbi. "G-gusto ko lang naman makasama siya, kahit saglit lang... pero kung h-hindi ka p-payag, it's o-okay..."

Napatikhim ako bago magsalita. "You deserve Madisson, hindi ako, because you love her so much that you will do everything to her, and loving her endlessly. Not me that I hurt her and I impregnated her cousin and do some nasty things to her."

"No, I don't deserve Madisson, Brayden. Because of me she's broken. Kaya I don't deserve her. At kung sakaling hindi ko ginawa 'yun alam kong si Madisson pa rin ang mag-de-desisyon kung sino ang pipiliin niya. And I know that she will always choose and love you."

Kailangan ko bang ipahiram sa kan'ya si Madisson? Selfish ba ako kung hindi ako papayag.

Pero gusto ko siya maging masaya. He's my bestfriend, and I want him to be happy.

"Kung tutuparin ko ba ang gusto mo, gagaling ka pa ba?"

Umiling ito. "H-hindi... okay na 'yun."

"How about tita and tito. Malulungkot sila kung mawawala ka."

"A-alam kong m-malulungkot sila... p-pero bayad ko na i-ito sa mga s-sala ko..."

"Napatawad ka na namin! Ano pa ba?!"

"H-hindi na m-magbabago ang isip ko."

Napabuntong hininga na lang ako. "Sige tutuparin ko ang hiling mo. Makakasama mo si Madisson para mapabago ang isip mo. Para maisip mo na magpapagaling ka pa para sa magulang mo."

"S-salamat sa pagtupad, pero hindi na magbabago ang isip ko kung sakali man makasama ko si Madisson."

Madisson's POV

Pagpunta namin sa hospital nakita at pumasok sa kwarto ni Ian. Nakita ko na nagtatawanan sila Ian at Austin.

Masaya ako na makita na gan'to sila. Nagkakatawanan. Parang walang away sa pagitan nila.

"Christian may maganda akong surpresa sa'yo."

Napatingin sila sa amin. Nakita ko ang pag-awang ng labi nito. Nakita ko ang pagpatak ng luha nito.

"M-Madisson..."

"K-kamusta ka na Ian? Nagpapagaling ka ba? Kailangan mong gumaling para sa magulang mo at kay Charlotte."

Ngiti lang ang sagot nito lumapit ako sa kanila.

"B-buti napadalaw ka..."

"Diba gusto mong makasama ako... tutuparin ko 'yon. At sa k-kasal payag na ako..."

Austin Brayden's POV

Aaminin ko na nakaramdam ako ng sakit sa puso ko ng pumayag siya na magpakasal kay Ian, pero hindi sa ngayon ko ito maramdaman. Alam kong ginawa lang niya ito para mapasaya si Ian para magpagaling ito.

"Austin can we talk?" Bigla ako napatingin dito at tumango.

"Alam kong nasasaktan ka, pero wala na akong ibang alam gawin para mapabago ang isip ni Ian. Kaya gagawin ko ito para magpagaling siya. Gusto ko siya mabuhay, gusto ko na may mamahalin pa siyang babae higit sa pagmamahal niya sa akin. Gusto ko na susuklian din ng babaeng mamahalin niya balang araw."

Niyakap ko ito.

Alam kong ginagawa lang namin ang makapagpapasaya kay Ian. Kahit na may hindi siyang ginawa sa akin, sa amin.

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon