Chapter 2: Pagkikita
Madisson's POV
"A-Austin..." Hindi ko maiwasan na mautal. Nandoon pa rin ang takot ko sa lalaking kaharap.
Gusto ko siyang saktan, magalit sa kan'ya. Ngunit mas nangingibaw ang takot sa akin.
"What are you doing here, Madisson. Anong ginagawa mo rito. Wala kang karapatan na pumunta sa puntod ng anak ko." Madiin nitong sabi na nagpabigay sa akin ng kirot.
"I'm just visiting my children." Napatingin naman ako sa babaeng katabi nito na nakatingin sa akin ng matalim. "Hello, cous..." Hindi ko alam kung lalapit ako sa kan'ya but I choose not.
"Hello too, cous." Peke na ngumiti ito.
"Umalis ka na rito, Madisson." Pagbabanta nito. Napalipat ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Tumindi ang pagnginig ng aking binti na parang anytime na tutumba ako.
Kahit na ayaw ko ito tignan sa matatalim niyang mga mata ngunit tinatagan ko ang aking sarili. Tinignan ko ang magaganda ngunit nakakatakot nitong mga tingin.
"B-bakit ako aalis?" Shit! Sana hindi niya mapansin ang pag-utal ko.
Ngunit hindi narinig ang aking hiling ko ng ngumisi ito at tinignan ako ng mula ulo hanggang paa at binilik nito ang aking mata kay napaiwas ako.
"Are you scared? Dapat lang na matakot ka, dahil hindi mo kilala ang taong nasa harapan mo." Binalingan niya ang aking pinsan at ang batang lalaki. "Doon muna kayo sa sasakyan, kakausapin ko lang ang babaeng 'to." Kumirot ang aking puso at humarap sa puntod ng mga anak ko.
"P-pero, Brayden-"
"Don't worry, Nica."
Nakita ko ang pag-alis nila Nica.
Niyakap ko ang sarili ko. Bakit wrong timing naman? Gusto ko lang naman madalaw ang mga anak ko pero bakit lagi na lang akong minamalas?
Bakit ang lapit ko sa mga kamalasan?
Siguro noong nagpasabog ng kamalasan, gising ako noong panahon na 'yon.
"Ang katulad mong malanding babae ay hindi umiiyak lalo na kung pinatay nito ang sariling anak. Kaya wala kang karapatan na umiyak pero ang ma-konsensiya at sisihin ang sarili mo, ayon lang ang dapat mong gawin mo. Hindi ang pag-iyak dahil wala kang karapatan."
Niyukom ko ang aking palad. At malalim na huminga. "Galit na galit ako sa'yo sa pambababoy mo sa akin at pagpatay sa anak ko. Gusto ko maghiganti, gustong gusto kong maghiganti sa'yo at sa kaibigan mo." Ngunit hindi ko hinarap ito.
Napatawa naman ito ng malakas. "Sa tingin mo pambababoy ang ginawa ko, alam ko naman na ginusto mo 'yon. At alam ko naman na papatayin mo rin ang anak mo kaya ako na ang gumawa. Alam ko naman na ayaw mong mabahiran ng kasamaan ang pagiging inosente mo, dahil alam ko ang lahat, lahat ng baho mo. Hindi katulad nila na nakikita lang nila ang pagiging inosente mo."
Napadiin ko ang pagkakayukom ko. Gusto ko siyang saktan pero alam ko na magiging katulad niya lang ako. Ayo'kong maging katulad niya, ayo'kong maging demonyo.
"Kumpara sa inyong lahat. Ikaw ang pinakabulag sa katotohanan. Kung minahal mo nga ako, sana hindi mo ako hinusgahan agad. Sa halip na pinagpaliwanag mo ako, but I was wrong, you judged me na parang napakatagal na tayo nagkasama, at matagal mo na akong kilala."
"Dahil nakita ko na ang tunay mong pagkatao. Kaya nababagay lang ang ginawa ko sa'yo. At nagsisi akong nagmahal ako ng isang katulad mo."
"Ako rin. Nagsisi ako na minahal kita kahit sakit lang ang binigay mo sa akin. Dahil sa mgapangakong sakit lang pala ang dinulot sa akin. Napaniwala ako na mahal mo nga ako at hindi mo na kayang gawin ang ginawa mong pambababoy sa akin." Napatawa ako ng pagak at pumikit naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha. "Pero nagkamali ako, because you planned to suffered me, and I was wrong to loving you, dahil dinulot lang ng pagmamahal ko sa'yo ay sakit."
BINABASA MO ANG
Broken
RomansMadisson Rivera is a simple girl. Boys admired her beauty even the bad boy of their school- Austin Brayden Castello. Austin do everything to own her, even he forced her- and carry their child and that she will marry him. Ngunit sa isang maliit na p...