Chapter 32: Wedding

562 17 0
                                    

Chapter 32: Weddin

Madisson's POV

"Napagod ka ba?" Saka ako nag-squat para magpantay kami ni Ian.

Ngumiti ito at umiling. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at pinisil-pisil. Nakikita mo ang saya sa mga mata nito.

"A-alam mo a-ang s-saya-s-saya k-ko. K-kasi n-nakasama k-kita." Dinala niya ang kamay ko sa labi niya at saka nito hinalikan.

Tumayo ako at nagsimula na ang seremonya. Simpleng kasal lang ang ginanap. Alam ko na pagkatapos nito ay kasal na ako kay Ian.

Gusto ko lang siya pasiyahin kahit na hindi ko siya mahalin.

"You may now kiss the bride."

Nag-squat ako at naramdaman ko ang kamay nito sa mukha ko at hinalikan ako sa noo. Narinig ko ang palakpakan.

"You know how much I love you, Madisson. I love you so so much." He gives me a genuine smile.

Ginantihan ko rin ito ng ngiti.

Mahigit mag-i-isang buwan. Inalagaan ko si Ian. Nand'yan na uubo siya ng uubo. Minsan may kasama pang dugo.

Nakakaawa. Habang tumatagal, palala ng palala ang sakit niya. Hindi ko rin siya masuyo na magpagaling na kayanin.

At saka namin tinanggap na any moment mawawala si Ian.

"M-Ma-di-s-sson..."

Bigla ako napapunta kung nasaan si Ian at hinawakan siya. At sa isang buwan mahahalata na nagiging malamig na ang katawan niya.

"Bakit? May kailangan ka ba? May gusto ka ba? May masakit ba sa'yo?"

Umiling lang ito at nginitian ako. Binigay niya sa akin ang isang brown envelope na ngayon ko lang napansin na hawak-hawak niya. Kaya nagtatakang kinuha ko ito.

"A-ano 'to?"

"G-gu-sto k-ko s-a-na mag-pa-sal-amat..."

"Wala 'yon. Gusto ko lang tulungan ka."

"Ka-ya I-I f-ile a-n an-nul-ment..."

Bigla ako nagulat sa sinabi niya. Hindi pa tapos ang isang buwan na sinasabi niya. Bigla niya pinisil ng marahan ang aking kamay.

"Y-you're f-free... t-to l-love B-Bray-den, l-love h-him. H-he l-loves y-you, M-Madisson."

Binuksan ko ito at tinignan ang papel. Nakita ko na may pirma na niya ito.

"S-si-gn"

Nanginginig na pinirmahan ko ito. Pagkatapos ko pirmahan saka ko ito niyakap.

Austin Brayden's POV

Natapos na ang kasal pero nandoon pa rin ang lungkot ko kasi napag-usapan namin ni Ian na hindi na siya magpapagaling. Na hindi niya na gusto mabuhay.

Syempre masakit sa dibdib dahil ang taong alam mo na hindi marunong sumuko at patuloy na lumalaban ay ngayon buong tapang na sumusuko sa laban ng sakit.

Kahit sabihin na hindi siya lumaban. Tuluyan siyang sumuko sa laban.

Kaya ginagawa namin kay Ian ay pasiyahin. Dahil anytime that he will soon to be gone.

"B-Brayden..."

"Why are you here? You're to stubborn, asshole! Diba sinabi na bawal ka lumabas? Tarantado ka talaga!"

Napatawa ito. "Pagka-annull namin ni Madisson, just please propose to her, I want to see you and Madisson getting married."

Napatango na lang ako. Ayun talaga ang gusto ko mangyari. Pakakasalan ko si Madisson. Gusto ko bumuo ng pamilya kasama siya. Siya at si Maddox.

"Just please love her. The way I love her."

Tumango ulit ako. Gagawin ko talaga 'yun.

At ngayon na napag-usapan namin na ngayon na ako mag-po-propose kat Madisson. Napagusapan namin ngayon ito ni Ian. Hindi ko alam kung bakit na napaaga. Nakakapagtaka. Alam kong isang buwan bago namin gagawin ito.

Napatingin ito sa akin at ngumiti at tumango. Kaya ngumiti rin ako at saka ko pinuntahan si Madisson.

"Madisson..."

Bigla ito napatingin sa akin.

"A-Austin..."

"I want to tell you something."

"Ano 'yun..."

"Alam mong marami akong ginawang mali sa'yo. Sa'yo at sa anak natin at habang-buhay ko 'yon pagsisihan hanggang huling hininga ko, hahabulin pa rin ako ng bangungot na nangyari sa atin. Alam kong marami tayong pinagdaanan. Naanakan ko ang pinsan ko. Sinisi kita sa pagpatay sa anak natin at kela Nica. But I really really want to say sorry again. And please, accept my love to you and accept me again to be your husband, Madisson will you marry me?"

Nakita ko ang pag-awang nito ng lumuhod ako at nilabas ko ang singsing. Napatakip ito sa bibig at napahagulgol.

"A-Austin... yes... I will marry you."

Nagulat ako sa sinagot nito ngunit napalitan ng saya ang naramdaman ko. Sinuot ko ang singsing sa daliri niy at saka ito hinalikan sa mga labi niya.

"I really really love you Madisson..."

"Me too, I love you too."

Christian's POV

"I-I w-ant t-to g-go outside."

Nilabas ako ng nurse kaya naramdaman ko ang malamig na hangin.

Masaya ako. Maluwag kong tatanggpin ang binigay Niya sa akin. Kasi nakita ko na masaya ang mahal ko sa mahal niya.

Masaya na ako na ayos na sila. Na hanggang huli sila pa rin ang end game.

Love is not selfish or jealous, it just accepting the truth and set her free and be happy kung saan siya masaya.

Masaya na ako na makitang masaya ang kaibigan ko at ang taong mahal ko.

At alam kong malapit na niya ako kunin.

At maghihintay lang ako kung kailan Niya ako kukunin.

---

One chapter then Epilogue wiiiieee

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon