Chapter 8: I Love You and Goodbye

965 32 4
                                    

Chapter 8: I Love You and Goodbye

Austin Brayden's POV

Limang buwan na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagigising si Madisson.

And tomorrow is my wedding day.

Mag-iisang dibdib kami ni Nica.

Eto naman ang gusto ko, pangarap na bumuo ng pamilya pero hindi kay Nica.

Sa kan'ya.

Kay Madisson.

Ngunit hindi pala mangyayari 'yon. Sa halip na si Madisson ang kasama ko sa pagbuo ng pamilya pinapangarap ko ngunit hindi pala, sa iba pala.

Kay Nica.

I impregnated her, but it was an accident. I didn't want what was happen to us, Lahat hindi ginusto hindi alam na mangyayari.

It was a one night stand.

Pero gumuho ang lahat na malaman ko na buntis siya at ako ang ama.

Buntis siya at buntis din nang panahon na 'yon si Madisson.

Hindi ko alam ang gagawin nang panahon na 'yon.

Paano kung malaman niya na nagkaanak ako sa iba at mas malala sa pinsan niya pa, at baka iwanan niya ako pagnalaman niya 'yon.

Pero malalaman ko na lang na may nangyari sa kanila ni Ian. Tang ina! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang panahon na 'yon. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Sakit, takot at galit.

Kaya ginawa ko ang lahat para iparamdamn sa kan'ya ang sakit. I hurt her and killed her child na inakala ko ay kay Ian pero malalaman ko lang na anak ko pala 'yon.

When I dreamed that. 'Yung batang lalaki at babae na halos pinagbiyak namin ni Madisson, nasaktan ako. Dahil sa galit ko kay Madisson nadamay ang anak kong babae.

Nagsisi ako na ginawa 'yon.

Kung hindi ko ba 'yon ginawa buhay kaya ang batang babae na 'yon?

I didn't know her name. Ang alam ko lang ay kay Bryson but the little girl, I don't know the girl's name.

Siguro kailangan ko na tanggalin ang galit sa puso ko. Para matahimik na ako at mas gumaan ang aking damdamin. I should let the past.

Tinigil ko ang sasakyan. At pi-nark.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang nakapikit nitong mata. Nakahiga. Her skin is glowing.

Parang may bumara sa aking lalamunan ng makita ko ito. Para siyang natutulog lang. Ngunit hindi alam kung kailan ito magigising o kung magigising pa ito.

Napalunok ako at nilapitan ito. Umupo ako sa upuan at hinawakan ang mainit nitong kamay. Biglang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinigilan.

I cleared my throat. "Alam mo bang galit na galit ako sa'yo? Na hanggang ngayon galit pa rin ako. Nandito pa rin 'yung galit sa puso ko. 'Yung sakit, na 'yong pinangako ko sa sarili ko na hindi kita sasaktan pero nagawa ko dahil sa sakit, that I raped her. And feel the miserably that you caused me, the pain. Pero bakit ganun? Kahit anong balewala ko sa nararamdaman ko, ikaw pa rin 'yong hinahanap ng hangal kong puso? Ikaw pa rin 'yong gusto niya?"

Nilapit ko ang kamay niya sa aking pisngi at napapikit, at saka naman nagsihulog ng aking mga luha. "Kaya ginawa ko ang lahat para saktan ka, katulad ng sakit na binigay mo sa akin, pero 'yung nakikita kitang umiiyak, nasasaktan ako, parang hinahawak ng mahigpit ang puso ko, kaya tiniis ko lahat, etong nararamdaman ko para saktan ka." Napayuko ako at saka ko hinalikan ang kan'yang kamay.

"Pero hindi ko kaya na mawala ka. Ang bawiin mo ang sariling buhay para maiwasan ang sakit na dinulot ko sa'yo, para akong pinatay." I paused. "Nagkakasakitan na tayo, mas lalong nagiging miserable ang buhay natin dahil sa pagkakamali ginawa ko. Na pinilit kitang pakasalan kahit na bata ka pa, you're not at the right age when I married you. I forced you, I forced you to carry my child so that I will never lost you."

"But I lost you. I lost the woman that I love. Siguro talaga ginawa talaga ng tadhana ang lahat ng iyon. At ipahiwatig sa akin na hindi mo ako mamahalin. Na hindi mo ako kayang mahalin pabalik, siguro tinadhana lang kita makilala at mahalin pero hindi talaga tayo ang para sa isa't isa."

"It's to late for us. You love me and I love you, pero may madadamay na. Mahal ko na rin si Nica at may anak na kami kaya hindi na tayo pwede."

Hinaplos ko ang buhok nito. My tears rolled to my cheeks. "Kung may pagkakataon na mabuhay tayo ulit, sana makilala natin ang isa't isa. Na sana tayo na ang magkatuluyan. Na mamahalin natin ang isa't isa na walang masisira. Walang madadamay. Ikaw at ako ang magkakatuluyan at bubuo ng sariling buhay magkasama hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin at kulubot na ang ating mga balat basta't magkahawak lang ang ating kamay."

Binawi ko ang aking kamay at napasuklay sa aking buhok.

Tumayo ako at nilapit ang aking mukha sa mukha nito. Nakita ko ang maamo nito mukha na masarap tignan, titigan, bigla akong napatingin sa kan'yang labi, nilapit ko ng tuluyan ang aking mukha para mahalikan ang labi nito. Napapikit ako ng dumikit ang labi nito sa aking labi.

Napapikit ako at napahiwalay. "I will let you go, Madisson. I love you and goodbye. Sana magkita tayo kung bibigyan tayo ng pagkakataon na mabuhay." Mabigat akong umalis. Isasara ko na sana ang pinto ngunit tinignan ko ito at napangiti ako ng mapait saka ko sinara ng tuluyan ang pinto.

Umalis ako, iniwan ko na ang taong nilalaman ng puso.

---

Malapit na! Malapit nang mas lalo silang broken. Hahaha >.<

Sorry. Hindi ko rin inaasahan na ayun ang sasabihin ni Austin, nabigla ako nang sabihin niya 'yon. Hahaha lol.

Matutuloy kaya ang kasal? Hmm.....

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon