Chapter 33: His Smile

651 17 2
                                    

Chapter 33: His Smile

Austin Brayden's POV

Masaya ako dahil sa dami ng pinagdaanan namin ni Madisson sa simbahan pa rin ang tuloy namin.

Yes, I'm an asshole for breaking and hurting her, and I don't deserve to give a chance but she gave me a lot of chances.

"My Madisson, alam natin kung paano kita sinaktan, pinagmalupitan. Pero pangako mamahalin kita hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin. kahit kulubot na ang mga balat mo mamahalin at mamahalin pa rin kita. salamat dahil you gave me a lot of chances, I always think that 'I deserve you?' I always think that. if I deserve you, you forgive me but me, myself I can't forgive myself for hurting you. Pangako mamahalin kita, aalagaan at ituturing na isang reyna. You deserve to treat a queen. You deserve it, my queen, my love, my Madisson. And again sorry, sorry for hurting you."

Saka ko sinuot ang singsing sa kan'yang daliri.

"Austin, kahit anong sakit na dinanas ko sa'yo, kahit na sumuko na ako at inisip na gantihan ka, pero nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa'yo. Kahit gusting-gusto kita saktan, iparanas ang sakit na binigay mo sa akin pero hindi ko ginawa, nanaig pa rin ang puso ko, ang pagmamahal ko sa'yo. Lahat ng sakit. Worth it. Alam kong may nagawa kang hindi maganda sa akin, mahal pa rin kita, at worth it ang sakit na naranas ko dahil tripling saya ang bumalik sa akin, I have you, and I have my Maddox, and my parents at ang kinalakihang magulang ko. Tayo ang tinadhana pero hindi pa natin panahon na magkasama no'ng panahon na 'yun. Hindi pa natin time para magsama, pero ngayon. Eto na ang time natin para magsama ng tahimik at masaya. Mahal na mahal kita."

Saka nito sinuot sa akin ang singsing.

"You may now kiss the bride."

Nilapit ko ang mukha ko sa maganda niyang mukha saka hinalikan ang labi nito, bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko.

"I love you, my Madisson."

"I love you too, Austin."

Saka ako humiwalay at saka nginitian ito.

Christian's POV

Napangiti na lang ako sa aking nakita. Nakita ko na masaya ang mahal ko, ang mahal kong si Madisson.

"C-Charlotte, g-gusto k-kong l-lumabas."

"S-sige..."

Saka niya ako nilabas. Naramdaman ko ang malamig na hangin na humahaplos sa aking katawan.

Nararamdaman ko na ang paghirap ng aking paghinga. Napayukom ako.

"M-masaya a-ako p-para k-kay M-Madisson."

"Ako rin..."

Napangiti ako at napapikit. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.

"C-Charlotte, k-kahit a-anong m-mangyari, m-maging m-masaya ka..."

Saka ko ito tinignan at nginitian. Pumunta ito sa harap ko at nag-squat ito saka pinunasan ang luha ko.

"Bakit ka umiiyak? Bawal sa'yo ang umiyak."

Bigla ko na lang ito niyakap at saka umiyak. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa aking likod.

Tanggap ko na mawawala ako pero ang hirap. Mahirap na iwanan ang mga mahal mo. Si mom, si dad. And this girl that I'm hugging.

"C-Charlotte, p-pwede b-ba n-na i-ipikit k-ko a-ang m-mga m-mata k-ko? I-na-antok n-na a-ako."

Naramdaman ko ang pagtulak nito ngunit hinigpitan ko ang pagyakap ko rito.

"D-don't..."

"C-Christian..."

"Kahit anong mangyari... please... t-tanggapin niyo. M-masaya ako na makasama ko kayo, m-masaya ako." Lilisanin kayo, at sana masaya rin kayo kahit na mawala ako.

"Masaya rin kami na makasama ka, Christian."

"P-pi-pi-kit n-na a-ako."

Saka ko pinikit ang mga mata ko na may ngiti.

Charlotte's POV

"Pupunta na tayo sa hotel para makapahinga ka."

Tinulak ko ito at naramdaman ko anf paglaylay ng mga braso nito at nawala na ang mahigpit nitong yakap.

Tinulak ko ito papuntang hotel. Pagkapasok namin saka ko ito tinapik sa pisngi.

"Christian gising na. Para makahiga ka." Ngunit hindi ito dumilat. Kaya tinapik-tapik ko ito.

"Christian... wake up."

Bigla kumabog ng mabilis ang puso ko at naramdaman ko ang pagbuhos ng aking mga luha.

"Christian, huwag kang magbiro... g-gumising ka."

Ngunit hindi ito gumalaw. Kaya kinapa ko ang pulso nito ngunit wala. Wala na ang pintig nito.

Bigla na lang ako napahagulgol at saka ko ito niyakap ng mahigpit.

"C-Christian..."

Nilabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Hinaplos ko ang mukha nito at nakita ko ang kan'yang maamong mukha na parang natutulog, nakangiti ito.


His last smile


---

Gosh! Naiiyak ako sa chapter na ito. Ngayon lang ako naiyak sa mga sinulat ko. Sana magustuhan niyo ang chapter.

Next Epilogue

Broken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon