uɴтɪʟ x

2.4K 53 1
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

Kakauwi ko lang ng bahay at gaya ng sinabi sa akin ni Jacob kanina. Hinatid niya nga ako hanggang bahay namin, at kahit badtrip ako ay nagawa ko pa din siyang pasalamatan sa kusang loob niyang pag-hatid sa akin. Lalo pa't hindi ko kasabay ang inaasahan kong makakasabay ko pag-uwi.

Nasa kwarto (ko) ako ngayon. Nakahiga sa higaan habang kinakalikot ang cellphone ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito, sadyang nag-kusa lang talaga ang katawan ko na kunin ito.

Napabuntong hininga na lang ako bago binuksan ang data nito at ang app ng Facebook. Wala kaming Wifi pero lagi akong may load. Eh, sagana sa load si mama kaya ayon, damay-damay na.

Agad din namang kumunot ang noo ko ng makita ang mga notif na natanggap ko.

3 friend request. 2 messages. And, 10 notifications.

Una kong binuksan ang mga friend request dahilan para makita ang tatlong pangalan na inaasahan ko namang maga-add sa akin.

Divine Albia sent you a friend request.
Accept / Decline

Rexel Pedrosa sent you a friend request.
Accept / Decline

Jacob Gonzaga sent you a friend request.
Accept / Decline

Inaccept ko muna silang tatlo bago lumipat sa notification. Napa-iling na lang ako ng puro Tag ni mama ang nakita ko.

Puro picture namin noong Dinner night kasama si Clev. And, guess what? Naka-tag din si Clev doon. Napa-iling na lang tuloy ako muli bago bumaling sa iba.

Napataas ang isa kong kilay ng biglang maging tatlo ang naka-notif na messages sa akin at nagkaroon ulit ng isang 1 new friend request.

Binuksan ko ang messages at muntikan na akong mapamura ng mabasa kung sino ang nasa pinaka-itaas. Active now pa ito, at sariwang-sariwa pa ang message niya.

---------------------------------
Cleverance Villarin
Hoy!
5:35 pm.
---------------------------------
The Squad
Hellooo pipooll!!
5:30 pm.
---------------------------------
Mae Quezon
Chandddiiiaa!! Bibisita kami mamayang gabii!!!
Sat.ago
---------------------------------

"Hoy?" saad ko sabay tumawa ng sarkastiko. "Pagkatapos ng naramdaman ko kanina 'Hoy' lang sasabihin mo?" dagdag ko.

(Active now) You:
Bakit po?
seen 5:37 pm.

Inosente kong reply sa kanya.
Para naman akong tanga sa kakahintay ng reply niya.

'Ang tagal! Pinagti-tripan niya lang ba ako? Ime-message ako tapos snob na? Hayup siya kung ganon...' isip-isip ko.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon