uɴтɪʟ ɪ

19.9K 201 21
                                    

✧ ═════════════════════════

Chandia Guebero

"Chandia~~"

"Alam mo kung paano i-solve?"

"Paturo naman, please..."

"Kung ayaw mo or tinatamad ka naman, eh, sabihin mo na lang sa akin yung sagot. Hehehe"

"Chandia~~~"

"Notice me unnie~"

"Ay, di ka pala fan ng kpop..."

"Edi, Notice me Onee-chan~~Jebalyo--- Oonga pala, Korean nga pala ang 'Jebalyo'...Chandia~~ Ano nga ulit Japanese ng 'please'?"

"Ay okay naman siguro 'yon? Naalala ko kasi mahilig ka din pala sa kpop----"

"Shhh..." Pagpapatahimik ko sa katabi kong kanina pa bulong nang bulong, dinaig pa bubuyog sa kakabulong.

"Eh, ano nga kasing sagot?? Tuturuan mo ba ako or ano? Malapit na kasi mag-time eh..."

Napairap na lang ako nang patago dahil sa mga pinagsasabi niya. People nowadays, sila na nga nanghihingi ng tulong tapos sila pa yung may lakas ng loob na magreklamo and worst, sila pa yung may ganang magsalita na akala mo isa kang napakababang-uri ng nilalang para sundin mo agad yung gusto nilang ipagawa sayo.

Napabuntong-hininga na lang ako at napasilip sa may wall clock ng room sa harap at taas ng White board namin.

'Isang minuto...' sabi ko sa isip ko at automatic naman na nag-count down ang mga numbers sa utak ko.

'30 seconds....' isip ko ulit.

"Chaaannndiaa!! Matatapos na hindi mo pa rin binibigay sa akin yung sagot!"

'20 seconds....'

"Chandia! Hahayaan mo ba talagang hindi makapasa sa exam ang kaibigan mo?"

'Kaibigan mo lang ako pag may kailangan ka' agad na sagot ng isip ko. Habang patuloy pa rin ito sa pagka-countdown.

'10 seconds....'

"Hayst! Ewan ko sayo Chandia Bougain, I hate you." narinig kong huling bulong niya bago na siya padabog na tumayo at ipinasa sa Teacher namin yung test paper niya.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon