uɴтɪʟ xxɪɪ

2.1K 49 2
                                    

Divine Albia

2:57 pm

"Pagkain! Pagkain! Nandito na mga pagkain!"

Habang bitbit ang dalawang supot ng mga tinapay, umakyat si Rexel ng stage na sineset-up pa lang namin, at kung makasigaw siya e daig pa mga nagbebenta ng balot tuwing gabi.


Ngayong araw na magaganap ang pinakahihintay na labanan sa pagitan ng bawat banda, at haggard na haggard na kami kauma-umaga. Ba naman, kami na nga magjujudge kami pa pinagset-up ng stupid council?! Ang malupet pa, hindi manlang tumanggi si Cleverance at tuwang-tuwa pa ang tanga!

"1…2…3… Mic check, Mic check.." Ow, ow! Speaking of the devil! saad ito nung tanga habang pinapakinggan ang sariling boses na lumalabas sa malaking speaker.

"Leader! Kumain muna tayo ng meryenda~!" singit ni Rexel habang makulit na kinakalabit si Cleverance sa balikat.

"Oo, mamaya, basta i-reserved mo d'yan yung may hatdog."

"Gusto ko rin nung hatdog, eh?"

"Marami namang hatdog d'yan ha?"

"Bast─"

Hindi ko na pinakinggan ang napakawalang-kwenta nilang pagtatalo tungkol sa hatdog na 'yan. Magtatalo pa, e pareho naman silang may hatdog! Mga lalake nga naman basta usapang hatdog hindi mo na mapipigilan mga bibig ng mga 'yan!

Imbis na sa dalawa ay inilipat ko ang aking atensiyon. Kinuha ko ang electric guitar na kaseset-up ko pa lang, sinubukan ito at pinakinggan ng maigi, naninigurado kung sakaling masyado pang sabog o matining, pero mukha namang matino ang tunog, matino ang nagset-up eh. dUh.

"Divine-Divine, gusto mo?"

Nilingon ko si Rexel na may hawak na tinapay sa kanyang isang kamay, tila ba inaabot ito sa akin. So, ako naman ang guguluhin niya? Mas mabuti nang huwag i-mention si Hatdog.

"Ayaw ko nga, ang dumi-dumi ng kamay mo tapos ibibigay mo 'yan sa'kin?" taas kilay kong tugon.

Napatingin siya sa kanyang kamay, "Naghugas ako ng kamay kanina?"

"Ah, gusgusing bata." tiningnan ko siya na parang inosente habang may pagtango.

"Ano?

Napairap na lang ako bago siya nginisian, "Re-xel gus-gu-sing ba-ta. Ayos na ba?"

"Arte mo. 'Di ka naman maganda."

Agad nawala ang ngisi ko at napasimangot. Mumurahin ko na sana siya kaso bigla itong tumalikod at naglakad papunta sa gawi ni Jacob na ngayo'y nagpupunas ng bass. Tang-igit. Nainsulto ako don ha? Wala kaya siya sa mood kaya hindi nakisabay? Psh! KJ. Yikes!

Inilibot ko na lang ang aking mata at napansing, parang ang dami namang mga estudyanteng nasa labas ngayon? Ang alam ko may mga klase pa sila ha?

Tinanggal ko ang pagkakasabit ng guitara sa aking balikat at maingat itong binaba at inilapag sa kahoy na lamesa. Oo, lamesa. Para kasi makagawa ng stage dito sa gitna ng grass field, pinagdikit-dikit namin lahat ng mahahabang kahoy na lamesa at nagrenta ng tent. Naglagay ng mga light stage at Christmas light sa gilid para makulay siya at maliwanag mamayang hapon pagnag-umpisa na ang laban. Improvise stage nga ika-nila.

Habang yung mga instrumento na gagamitin ngayon ay yung mga instrumento na ginagamit namin sa Club, pero kung may dalang mga sariling instrument ang mga sasali edi mas ayos. Sila na nga lang magseset-up, kasi ano sila sinuswerte? Kami pa magseset-up?

"Divine, nakita mo ba yung grupo nila Chan?" nilingon ko si Cleverance na ngayo'y nagpupunas ng pawis sa mukha.

"Mukha namang hindi?" Ako ba naman ang hanapan ng mga taong nawawala eh kanina pa kami nandito at nagseset-up kahit tirik na tirik pa ang araw.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon