uɴтɪʟ xv

2.2K 54 1
                                    

A/N: Yez, buhay pa ako mga erp HAHAHA! Enjoy reading~

✧ ══════════════════════ ✧

Chandia Guebero

Nagkaroon na nang pansinan sa pagitan namin ni Clev matapos ang lunch na iyon pero pahabol niyang sinabi sa akin na hindi niya pa rin daw makakalimutan yung pagpanig ko sa ate niya noong araw na inaasar siya nito. Imbis daw kasi na siya dapat 'yung pinanigan ko e ate niya pa ang pinili ko. Nagdrama pa ang kolokoy at ang dami pang pinagsasabi. Akala mo naman kung sinong inalipusta, hindi lang naman pinanigan. Nako! Nako! Hindi ko tuloy nabilang kung nakailang irap ba ako kanina. Para siyang bata, eh.

Tumunog na ang bell at ito na ang hudyat na uwian na naming lahat. Ngayon ko na rin tatanungin si Hanz kung naparegister niya na ba ang grupo niya kay Clev.

Nagkanya-kanyang tayuan ang mga kaklase ko at sarili-sariling ligpit ng mga gamit nila. Inilibot ko ang aking mata para hanapin ang lalakeng tatanungin ko at sakto't huminto ito sa lalakeng ngayon ay papalapit na rin sa akin.

"Hello, Chandia! natanong mo na?" pambungad nito, tumango ako, "Pinayagan ka?" dagdag niya pa.

"Oo?" alanganin kong sagot.

Nawala rin kasi sa isip ko na tanungin kanina si Clev kung payag ba siyang ipaurong yung oras ng training ko. Kaya hindi pa rin talaga ako sigurado kung papayag ba ang isang 'yon. Saltikin pa naman din. Muntanga lang.

"Okay? Basta balitaan mo ako agad ha? at ano, Chandia, ano palang name mo sa facebook? Para doon na lang din kita imessage regarding sa practice ooo~ kung gusto mo naman sa text na lang kita imessage PERO! akin na muna number mo hehe.." agaran akong umiling habang nakakunot pa ang noo kaya napatawa lang ito ng mahina. No way na ibibigay ko sa kanya number ko!

"Chandia Bougain, sa facebook." maikli kong sagot, tumango-tango lang siya.

"Hindi pa ata kita friend? iaadd kita mamaya. Accept mo ako ha? Ayokong ma-declinezone," parang bata nitong sambit at may panguso-nguso pa.

"Opo," tipid kong sagot at napailing-iling.

Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang bigla akong may naalala kaya bumalik din agad ako sa pwesto ko kanina. "Hanz, nakapag-register ka na ba?"

"Saan?"

"Napa-register mo na ba yung banda mo kay Clev?" pagbubuo ko at napa-'ah...' lang ito bago umiling.

"Hindi pa e,"

"Magpa-register ka na," saad ko o pwede na ring utos.

"Oo na," kanyang tugon bago isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi, "Alam mo, may balita ako.." kumunot ang noo ko at mas lalong lumawak ang ngisi nito. Luh..mukhang tutang nakangiti. "Balita ko hinihintay ka na ni Kuya Cleverance sa labas," mapang-asar nitong dugtong habang may pagtaas pa ng dalawang kilay niya. Gaga talaga.

"Alam ko." humalakhak siya.

"Ilang taon ka na nga ulit?" at ano na namang pumasok sa kokote ng tutang kabote na 'to?

"Bakit?"

"Siyempre para malaman ko kung sino mas matanda sa atin. Kung iaate ba kita o ako ang ikukuya mo," tumango-tango pa ito na akala mo naman e papayag ako na ikuya ko siya.

Sila Jacob nga hindi ko kinukuya tapos siya, tatawagin kong gano'n? HA! Asa. Oo alam ko, wala ho talaga akong galang, mamser. Alam ko.

"Close tayo?" huling sambit ko bago na siya nilagpasan at iwanan.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon