uɴтɪʟ xɪv

2.3K 47 3
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

"Chandia!" rinig kong tawag ng kung sino. Nilingon ko ang direksyon na pinanggalingan ng boses at agad na napakunot ang noo nang makita kung kanino ito galing at ngayon e tumatakbo pa papalapit sa direksyon ko.

"C-Chandia..." habol hininga nitong sambit. Nakatitig lang ako sa kanya habang nakayuko siya at hawak ang magkabilang tuhod. "Sabay na tayong… pumuntang c-canteen..." medyo hingal pa nitong dagdag. Nakatayo na rin siya nang maayos kaya nakaharap na siya sa akin. At tutal wala rin naman akong choice at wala rin namang masama kung sasabayan ko siya, tumango na lang din ako na agad nitong ikinangiti.

"Ayown! Tara na~" masigasig nitong sambit bago ako inayang maglakad. Napailing na lamang ako 'tsaka siya sinundan.

Break time namin ngayon at for the first time ay ngayon ko lang naisipang lumabas ng classroom sa dami ng araw na nagdaan. Sa ngayon lang ako sinipag e, bakit ba!

"Magkikita ba kayo ni kuya Cleverance ngayon?" biglaang tanong nito. Agad akong umiling.

"Lunch lang kami nagkakasabay," paliwanag ko. Siya naman ang ngayo'y tumango.

"Kaano-ano mo ba siya?" muli nitong tanong.

"Kaibigan," maikli kong sagot. Napansin kong napangisi ito dahilan para taasan ko siya ng isang kilay.

"Kaibigan lang ba talaga~?" mapang-asar nitong sambit. Inirapan ko lang siya.

"Wala ako sa mood makipagbiruan," masungit kong sambit. Humalakhak ito nang pagkalakas-lakas.

"Eto naman, ang sungit," sa pangalawang pagkakataon ay inirapan ko muli siya. "Chandia, 'yung tungkol pala sa Battle Royal, pwede ka ba sa Saturday para sa unang araw ng practice?" tanong nito.

"May training ako sa Saturday ng hapon. Pero kung papayag naman ang Onyx na ilipat ng umaga ang training ko e pwede na tayong magpractice sa hapon," mahaba kong paliwanag. Napatango-tango ito.

"Edi magpapa-move ka pa ng training mo?" tanong niya ulit na ikinatango ko, "Papayag kaya sila?" dagdag pa nito.

"Siguro?" hindi rin kasi ako sigurado kung papayag sila Clev na i-move sa umaga ang training ko. Pero siguro naman papayag sila, di ba? Wala naman kasi silang ginagawa ng umaga sadyang mas gusto lang talaga nila magturo ng hapon. Sana talaga pumayag. Sana makumbinsi ko si Clev na pumayag. Maiintindihan niya naman e, 'di ba? Sana lang talaga at hindi siya bad mood sa akin.

Pareho kaming pumila ni Hanz at bumili ng kanya-kanya naming mga pagkain. Pagtapos ay agad naming napagdesisyunang bumalik ng room kasi anong oras na rin at narinig na namin ang malakas na tunog ng bell. Late na kami sa fourth class pustahan.

Habang naglalakad ay pareho kaming napahinto nang makasalubong namin ang dalawang tao na hindi ko alam pero agad ding nagpakulo ng aking mga dugo. Sila ulit...Wow.

"Oh, kuya Clev at...Ms. President?" rinig kong sambit ni Hanz. Yumuko pa ito ng onti para bigay galang sa dalawang Senior na nasa harapan namin ngayon.

Gusto ko man silang irapan pero hindi ko na lang ito ginawa kaya nakiyuko na lang din ako. Hindi ko talaga alam bakit napakainit ng dugo ko sa tuwing nakikitang magkasama sila e. At hindi ko rin alam bakit ba kami nayuko?!

"Bakit nasa labas pa kayo?" curious na tanong ni Ms. President. Napairap na lang ako sa kinaloob-looban ko.

'Eh, bakit nasa labas pa rin kayo? ha?' isip-isip ko.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon