uɴтɪʟ vɪ

3.3K 73 3
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

"Good Afternoon, Chan. Tara na...?" tumango ako sa kanya bago nilingon si Mama.

"Ma, alis na po kami..." pagpapa-alam ko sa kanya, ngumiti naman siya at tumango.

"Ingat...Umuwi ng maaga, ah?" Sabi niya, na ikina-tango ko naman bago na kami nagsimulang mag-lakad ni Clev.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Clev habang sinusundan ko lang siya sa kung saang direksyon man siya pumunta. Hindi ko naman kasi alam kung saan ba yung bahay ni jacob kaya sunod-sunuran lang ako ngayon.

"Clev?" pag-tawag ko sa kanya habang naka-tingin pa din sa daan, napansin ko namang napalingon siya sa akin, "...Malayo pa ba?" dagdag ko.

"Medyo, eh. Mag-tricycle na lang kaya tayo?" sa pagkakataong 'yon, ako naman ang napalingon.

"Bakit ngayon mo lang naisipan 'yan?" may halong pagka-irita kong tanong. Alam niya naman pa lang malayo, bakit hindi na lang kami kanina pa nag-tricycle?

"Sorry naman 'po', ah? Inaalala ko lang naman yung pera, sayang, eh. Pwede naman kasing lakarin 'yon kaso hindi nga lang siya maganda sa ganitong oras...Tirik na tirik ang araw, eh." Napa-irap na lang ako. Malamang, mag-decide ka ba namang umalis ng One o'clock ng hapon. Tignan natin kung di ka masunog sa sobrang init.

"Hindi, kuripot ka lang talaga. Dami mo pang sinasabi..." irita kong sambit sabay irap.

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina, "...Palaban ka ngayon, ah? Dinaig pa yung mga batang nag-Bonakid." sabi niya sabay tawa ng malakas.

Hindi ako naki-tawa or what at nanahimik lang, para naman maramdaman niyang wala ako sa mood para makipag-biruan sa kanya. Kailan pa ako nagkaroon ng mood para makipag-biruan sa kanya? Uso ba sa akin 'yon? Hindi.

Napansin ko namang sumeryoso siya bigla at nanahimik, "...Ngayon naman, Chan. Dinaig mo pa yung nasa commercial ng whisper. Siya nga masaya pa din kahit meron na, may pa-'No No No No Check' pang nalalaman. Eh, ikaw? Hindi ka pa nga dinadatnan, ang seryo-seryoso mo na." tinitigan ko lang siya ng 'tapos-'yun-na-yon?' look, na ikina-tahimik niya.

Sakto naman at natatanaw na namin yung Tricycle-lan, sumenyas na agad kami para magtawag ng tricycle at ilang minuto pa ay may lumapit na din sa aming isa.

Tahimik lang kaming sumakay ni Clev hanggang sa buong byahe kaming magkasama sa loob nito. Pina-ubaya ko na din sa kaya yung pagtuturo kung sa kanan ba o sa kaliwa, tutal siya naman ang nakaka-alam.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon