uɴтɪʟ xɪɪɪ

2.3K 53 4
                                    

A/N: This chapter is dedicated to @sharmainelumantan 💕 hindi kita mamention ih hahaha... anyway, thank you sa pagbabasa at suporta 😘 hope to see you till the end of the story ^^ lovelots~😊

✧ ═══════════════════════ ✧

Chandia Guebero

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay namin ay bumungad agad si Mama na busy sa panonood sa TV habang nakahilata sa sofa.

"Nandito na po ako..." saad ko pero hindi manlang niya ako binalingan nang tingin.

Paboritong teliserye niya na kasi ang pinapalabas kaya tutok na tutok siya sa TV. Lumapit na lang tuloy ako para bigyan siya ng isang halik sa pisnge bago umakyat papuntang kwarto ko para makapagbihis na.

Saglit akong nagshower para fresh sa feeling at hindi mainit bago nagsuot ng extra damit at lumabas ng cr para magpatuyo naman ng buhok.

Habang nagpapatuyo ay napili na rin ako ng magiging damit ko. Isang oversized yellow shirt ang kinuha ko at black maong short with black adidas shoes.

Sinuot ko na ito at tinuck-in ang harapan ng tshirt ko. Itinirintas ko lang ang magkabilang maliit na parte sa gilid ng buhok ko bago hinayaang ilugay na lang ang natira pang ibang part.

At ang huli, ay naglagay lang ako ng pulbo sa mukha at leeg ko bago humarap sa salamin para makita kung ayus na ba itong itsura ko. Nang ma-satisfy ay agad ko ring kinuha ang wallet ko at bumaba sa sala.

"Oh? saan punta mo? bakit ayus na ayus ka?" bungad agad ni mama nang makita ako.

"Nag-aya si Ate Eunice na mag-mall daw po kami..." mahinahon kong tugon.

Napatango-tango na lamang siya. Kilala niya na si Ate Eunice sa tinagal-tagal namin dito at medyo close na rin sila. Kaya siguro hindi na rin siya umangal pa.

"Kasama si Clev?" dagdag nito na ikinailing ko.

"Girl bonding." maikli kong sagot na alam kong naintindihan niya na.

"Okay okay, ingat ka 'nak, ha? gabi na e at may pera ka pa ba d'yan?"

"Opo." maikling sagot ko.

Napansin kong may kinalikot si mama sa wallet niya bago ito lumingon sa akin at may inabot, "dagdag..." isang ngiti ang sumilay sa aking labi bago tumango.

"Thank you, ma." tugon ko na ikinangiti ni mama.

"O' siya, baka naghihintay na sayo si Eunice. ikaw daw ba ang pupunta doon?" tumango naman ako, "Edi punta na doon! Anong oras na, oh." natawa ako.

"Opo opo. bye na, ma." kinissan ko muna sa pisnge si mama bago lumabas na ng bahay.

Dumiretso at naglakad agad ako sa tapat naming bahay, kaila Clev bago pinindot ang doorbell nito.

Maya-maya pa ay isang anghel ang lumabas ng pintuan nila. Pero di gaya ng lagi niyang itsura ay wala itong kaekspresyon-ekspresyon sa mukha.

"Tapos na si Ate Eunice?" tanong ko pero hindi niya manlang ito sinagot at binuksan lang ang gate. Ay badmood.

"Pasok." bigla akong nanibago sa kung paano siya magsalita.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon