uɴтɪʟ ɪɪ

6.3K 132 5
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

"Tita, meron pa akong riddle..." rinig kong sabi ni Clev mula sa sala.

Magkausap sila ngayon ni mama sa sala at parehong nagsasagutan ng mga alam nilang riddles habang ako heto at nasa kusina na busy sa pagsasaing.

Ako na ang pinagsasaing ni mama para naman daw matuto ako kung paano ang tamang pagsukat at pagtakal ng bigas. Mahirap na raw kasi kung lumaki akong walang alam sa mga gawaing bahay, naturingang babae raw kasi tapos walang alam? nakakahiya raw 'yon lalo na sa mga biyenan kaya heto ako ngayon at nagsasaing.

"Sige nga, dapat hindi ko mahulaan 'yan, ah?" panghahamon ni mama na ikinahalakhak naman ni Clev.

"Sige po, tita.." tumawa ito. "Ito na po, 'I'm tall when I'm young. I'm short when I'm old. What Am I?'." wika nito. Napaisip din ako sa 'riddle' na binigay niya.

"Ano ba 'yan, easy. 'Candle or Pencil' ang sagot, am I right?" tugon ni mama na nakapagpatango sa akin. Oonga naman, may tama naman siya roon.

"Tita, bakit ang galing mo sa mga riddle? Luging-lugi na ako, eh." saad ni Clev sabay tawa.

Kanina pa kasi sila nagtatanungan ng mga alam nilang riddle at sa tingin ko out of 10 e 6 pa lang ang nasasagot niya, kumpara kay mama na lahat na yata ng tanong niya ay nasasagot nito ng tama.

Natawa rin si mama. "Ako pa ba? Well.." sabi niya with full of confidence kaya napalingon ako sa gawi nila at nakitang nag-flip hair pa ito. Aba'y? Attitude?

Napatawa na lamang si Clev sa biglang inasta nito habang ako hindi ko maisip kung dapat ba akong mahiya o ano.

Minsan talaga 'yang pagfefeeling millennial ni mama, eh, sumo-sobra na. Ngunit, sabi naman ng iba, mas maganda nga raw 'yang ganyan at least hindi nila masyadong pinoproblema ang katandaan nila. Isa pa, mas madali silang nakakasabay sa iba pang mga kabataan gaya na lang ngayon.

"Oh siya, ako naman magbibigay ng riddle." rinig kong sambit nito. "..pero eto ah, medyo nakaka-green 'to yiieet HAHAHAHAHA!"

Pagkasabi nito ay sakto sa pagbukas ko ng kalan kaya nakapaglakad na rin ako agad papuntang sala upang makiusyoso.

"Sige, tita.." sambit ni Clev bago alanganing tumawa.

Inaamin ko, medyo curious din ako sa riddle ni mama na sinasabi niyang medyo nakaka-green daw pero hindi dahil sa libog ako, ah. Curious ako in a sense na paano niya nasabing medyo nakaka-green 'yung kanya kung riddle naman ang sasabihin niya, 'di ba?

Umupo ako sa sofa at sa tabi ni Clev habang kaharap naman namin si mama na nasa kabilang pwesto.

"What's long and hard and has a cum in it?" agad akong napa-tingin kay mama na may halong pagtataka habang siya e nagpipigil pa ng tawa. Hayp?

"..."

Napalingon ako agad kay Clev nang maramdaman kong na-awkwardan din siya sa riddle kuno ni mama. Kitang-kita ko sa mukha niya na napapa-isip din siya habang may kung ano-ano pang emosyon ang nakahalo rito.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon