uɴтɪʟ xxvɪ

2.4K 57 13
                                    

Chandia Guebero

"Chandia, anak, nandiyan na sila Lolo mo."

Lumapit ako kaila lola at nagmano. Kahit naman kasi may hindi kami pagkakaunawaan ni Lolo, hindi ko pa rin dapat tanggalin ang nakasanayan nating mga pilipino bilang paggalang.

Nakita ko ang pagngiti ni Mama nang malawak pagtapos kong magmano kay Lolo, ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at lumapit sa kanila upang tumulong. Si Clev naman ay tinawag na ang tatlo upang makakain na rin ng umagahan.

"Kumusta ka na, Chandia? Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita. Kagabi hindi ko kayo masyadong nakausap kasi antok-antok na ako." panimula ni Lola sabay tawa.

"Ayos lang po, La." tinanggal ko ang takip ng isang tupperware at nakita roon ang kakaluto pa lang na hotdog. Mainit-init pa, eh.

"Ang school mo, hija, kumusta naman?"

Nilingon ko si Lola bago saglit na nagtama ang tingin namin ni Lolo na katabi nito, pero agad din akong umiwas. "Ayos lang din po pero maraming gawain."

Hindi ko sinasadya ang maiikling tugon pero kasi wala naman talaga akong dapat ipaliwanag, 'di ba? Tinatanong niya lang naman kung kumusta ako at ang school ko, kaya hindi ko naman na kailangang magkuwento pa ng pagkahaba-haba, 'di ba?

"Ay, ma, huwag ka mag-alala diyan kay Chandia sa school niya, hindi pa naman siya nakakakuha ng line of seven at puro line of eight naman lahat o nine." tumingin sa akin si Mama tila may gustong ipahiwatig na hindi ko naman maintindihan.

"Ganon ba? Buti na lang talaga at matalino ang batang ito, mana sa Lola." tumawa si Mama kaya nakitawa na lang din ako.

Ilang minuto pa at dumating na rin si Clev kasama 'yung tatlong mukhang mga basang sisiw. Inabutan niya ito ng kanya-kanya nilang mga tuwalya pero wala pa ni-isa sa kanila ang tumatapak sa kubo. Nahiya siguro.

"Oh, nandiyan na pala sila. Halina kayo, kain na." pag-aaya ni Mama sa apat ngunit tinanguan at nginitian lamang siya nito.

"Mga hijo't hija, huwag na kayong mahiya kumain. Pasok na kayo rito't magsandok, bilis para makabalik din kayo agad sa dagat." wika ni Lola.

Unang pumasok sa kubo si Clev dahil siya lang naman ang hindi basa bago ito nagpasalamat at tumabi sa akin.

"Chan, sandok na tayo." tiningnan ko ito.

"Magsandok ka na, lapit lang oh."

"Nahihiya ako." bulong nito na nakapagpailing na lamang sa akin.

Sinenyasan ko siya't sabay kaming tumayo. Sinabihan muna namin yung tatlo sa labas na pumasok na rin at magsandok kaya sa huli, sama-sama rin kaming nagsandok at sabay-sabay na nakakain.

Tahimik kaming nakakain dahil madalas si Mama at Lola lang naman ang nag-uusap. Minsan kasama sa usapan yung yaya at si Lolo pero madalas hindi. Hanggang sa matapos kami't nagligpit na ng mga pinagkainan.

Kung kanina ay akala kong babalik din agad sila Lola sa bahay nila para magpahinga, nagkakamali pala ako dahil nanatili pa sila sa kubo ng ilang oras.

Nagpaalam na lang ulit kami na magsiswimming sa dagat para mabigyan sila ng katahimikan kahit pa wala talaga ako sa mood magbasa at lumangoy.

Habang ang dalawa ay nagswimming ulit─sila Ate Divine at Rexel─ kaming tatlo nila Jacob at Clev ay nasa buhanginan lang at gumagawa ng isang kastilyo. Mukhang gininaw din kasi itong si Jacob kaya hindi na muli nagswimming. Mukha rin namang wala sa mood si Clev kaya hindi na pinilit pa ang sarili na lumangoy sa dagat.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon