uɴтɪʟ ɪv

3.7K 70 2
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

"Chan!"

Nag-signal siyang lumapit ako sa kanila at maki-upo kasi may available seat pa ngang isa sa table nila.

Doon din kasi sila umupo sa may 'Five Seater Table' kaya napa-buntong hininga na lang ako bago lumapit sa table nila. Bawal daw kasi tanggihan ang grasya.

Si krass na yon, eh, at kasama niya pa ang mga kaibigan niya. Siyempre grab the chance na ako. Malandi ako, eh. Sabihin mong ako lang malandi, dito? At ihahampas ko sayo 'tong palabok na hawak ko. Denial pa, eh. Ganda mo, ah?

Tinignan ko kung saan yung available seat at nandoon ito sa tabi ng isang lalakeng may half siguro 'to, half korean or japanese? at medyo familiar din siya saakin, ah. Do I know him?

Tahimik lang akong umupo sa tabi ng lalakeng 'yon na sakto naman ang pwesto sa harap ng isang babae. Katabi naman ng babae si Clev na kaharap ngayon ng lalakeng katabi ko.

"Hello there...Your name is Chandia, right?" napalingon ako sa babaeng kaharap ko at katabi ni Clev na sure akong si Ate Devine. Devine Albia, Band mates of Clev and our Senior.

Tumango lang ako bilang sagot... "Well, It's nice to meet you, Chandia. I'm Divine Albia, Cleverance's Friend and Onyx Band's Guitarist." sabi niya na may ngiti sa kanyang labi, habang inabot ang kanyang kamay para sa shake hands. Tinanggap ko naman 'yon 'tsaka nag-bow ng onti.

"Chandia Guebero po..." sabi ko at binigyan siya ng onting ngiti na alam kong nagmukhang creepy kasi hindi talaga ako sanay ngumiti sa harap ng ibang tao.

Pero mukhang okay naman sa kanya yung ngiti ko? Kasi nginitian niya din ako pabalik, eh? Okay naman siguro no?

"Napaka-galang na bata...Pero wait? Guebero? I thought it's 'Bougain'?" sabi niya na ikina-ngiti ko na lang ng alanganin. As expected, pati sila akala nila 'Bougain' din apilyedo ko.

"Guebero po talaga, hehe...Iba lang talaga sa Facebook." sabi ko at napa-tango naman siya bago ibinaling ang tingin sa tatlong lalaking kasama pa namin sa table. Kasama na doon si Clev.

"Hoy, mga gunggong. Bakit hindi pa kayo nagpapakilala? Anong tingin niyo kay Chandia manghuhula, ah? Magpakilala nga kayo..." dagdag niya habang naka-tingin sa tatlo bago lumingon sa akin at ngumiti muli. Napa-ngiti na lang din ako ng onti.

"Hindi ko na kailangan magpakilala, ah? Kilala naman na ako niyan ni Chan, eh. Kaya wag mo akong masigaw-sigawan diyan Divine. Tandaan mo, mas matanda pa din ako sayo ng ilang months!!" pagmamayabang ni Clev na sabay naming ikina-irap ni Ate Divine, bago kami nagkatinginan at para bang nagkaka-intindihan na agad kami gamit lang ang mga tingin namin.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon