uɴтɪʟ xɪx

2.1K 37 0
                                    


✧ ══════════════════════ ✧

Chandia Guebero

"Chandia, buti dumating ka? Akala talaga namin hindi ka na pupunta," sambit ni Hanz na ngayon ay nakaupo sa harapan ko.

Ang totoo niyan, lahat talaga sila nakaupo sa harapan ko pero 'di gaya ni Hanz, hindi pa sila dumadaldal ngayon.

Dalawang lalake at isang babae ang mga kasapi sa binuong banda ni Hanz pero magiging dalawa kaming babae kung isasama ako. Nagpakilala na rin sila sa akin kanina pagpasok na pagpasok ko pa lang.

Si Kuya Eric na drummer ng banda. Si Beth na pianista, at si Hanz na gitarista ng banda. Hindi ko pa sila gano'n nakakausap kaya hindi ko pa talaga sila gano'n kakilala, pero mukha naman silang mga mababait. Pakiramdam ko nga yung grupo lang din nila Clev ang kasama ko ngayon e dahil na rin sa mga awrahan nila.

"Chandia buti na lang talaga at dumating ka agad. Pinagtutulungan na kasi ako nitong dalawang 'to e! Gusto ba naman na magpadeliver daw kami ng pizza tapos ako ang magbabayad!" madaldal na pagkakasabi ni Beth.

Si Beth ang pinakabata sa kanilang tatlo, sumunod si Hanz bago ako at ang pinakakuya-kuya raw nila ay si Kuya Eric, dahil siya rin ang pinakamatanda.

"Teka, Chandia, sino pala naghatid sa 'yo dito? May narinig kaming sasakyan kanina e tapos maya-maya kumatok ka na?" tanong ni Hanz. Pwede naman sigurong sabihin sa kanila, 'di ba? Teka, bakit nga ba siya nagtatanong? May pagkachismoso rin pala ang isang 'to.

"Si Clev." tugon ko.

"Clev?" pag-uulit ni Kuya Eric.

"Uh, Cleverance?" Ngayon ko lang naalala, ako lang pala ang tumatawag ng 'Clev' kay Clev.

"Ah, Oo nga pala!" biglang tawa ni Hanz na ipinagtaka ng dalawa.

"As in Cleverance Villarin ng ABM?" paninigurado pa ni Kuya Eric na tinanguan ko lang.

"Yung papi nating Vice President hinatid ka papunta dito?!" bakit naman parang gulat na gulat 'tong si Beth?

"Oo?"

Agad akong nanigas sa aking kinatatayuan nang bigla nitong hawakan ang magkabilang balikat ko. "Chandia! ipakilala mo ako kay Kuya Cleverance!!"

"Ha? Bakit?"

Sa gilid ay nakita kong napailing na lamang si Kuya Eric at napa-facepalm naman si Hanz. Alam ni'yo, madalas talagang magaling ako magsuspetya ng mga pangyayari e, at base sa mga reaksyon nila ngayon at itsura, huwag mo sabihing tama ang hinala ko?

"Isa rin 'yang si Beth sa mga nagkakagusto kay Kuya Cleverance." Ah, sabi na eh.

Tumango-tango si Beth bago nito muling ibinaling ang kanyang tingin sa akin. "Kaya Chandia, pleaseee?" tumingin ako kaila Hanz at Kuya Eric pero wala silang kibo.

"Uh, S-Sige?" agad akong binitawan ni Beth at napa-'yes' pa siya sa labis na galak. Napangiwi na lang tuloy ako.

"Thank you, Chandia! Super!"

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon