uɴтɪʟ vɪɪɪ

2.8K 48 3
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

[Monday Morning]

Chandia Guebero

The last last night's dinner ends well. Nakauwi ng safe sila Tita at nakatulog din kami ng mahimbing at ayos. Pero hindi ko pa din makalimutan yung mga asarang naganap habang nasa harapan kami ng hapagkainan. Mga asarang, siyempre pinangunahan ng dalawang mag-'bessy'.

Minsan napapairap na lang ako sa mga pasimple nilang asar sa akin at kay Clev. Yes, inaasar nila kaming dalawa.

Kahit na crush ko si Clev ay hindi ko magawang kiligin noong mga oras na 'yon. Because, I'm so embarrass. For goodness sake!

Alalahanin ko pa lang yung mga ngiting alanganin ni Clev sa tuwing nililingon ko siya ay nahihiya na agad ako. Lalo na sa mga kalokohang sinasabi ni mama na ginagatungan naman ni Tita, and worst si Mae imbis na tulungan ako, eh nakikitawa pa siya.

Like, she betrayed me that night! Well, hindi naman as in 'betrayed' pero siyempre akala ko lang talaga tutulungan niya ako sa pagko-korner sa amin ng dalawang mag-bessy. Pero hindi at nakitawa lang siya.

Napabuntong hininga na lang ako habang patuloy na naglalakad sa tabi ni Clev ngayon, as always.

Pero hindi gaya ng dati ang tahimik niya ngayon. Para bang pareho kaming nagpapakiramdaman sa isa't-isa. Hindi ko naman siya masisisi kung nakaramdam siya ng 'awkwardness' na kausapin ako after what happened last last night's dinner.

Napapikit ako ng mariin bago nag-isip ng magandang panimula ngunit pati yata ang utak ko wala sa magandang wisyo ngayon.

"Hey..." mas lalo akong napapikit ng mariin nang mamiyok-miyok kong nasabi 'yon. Bakit nga kasi ako kinakabahan?

Pero sigurado akong narinig ito ni Clev, kasi napalingon siya sa akin ng saglit bago binaling ulit ang tingin sa daan. And, now awkward na ulit kami sa isa't-isa. Wow! Thank you ulit sa dalawang mag-bessy. And, you're welcome sarcasm.

"Ahmm...Chan?" rinig kong tawag niya sa akin, sinagot ko naman iyon agad ng isang mahinang, 'hmm?', "...mamayang lunch ulit, ah?" kumunot agad ang noo ko.

"Anong meron mamaya?" nag-tatakang tanong ko.

"Gusto ka daw laging makasama nila Divine tuwing lunch." 'Ka daw' 'nila', means gusto nila at ayaw niya. Am I right?

"Bakit sila lang, ayaw mo?" napangiwi ako bigla at napa-kagat sa ibabang labi ko. Napaka-tapang ko yata ngayon para tanungin siya ng ganyan.

"No, you got me wrong, Chan. Sinabi ko lang naman na gusto nila pero siyempre gusto ko din...Ikaw pa ba?" tumango-tango na lang ako para maiwasan na din ang napaka-habang explanations at usapan.

"Well, I think malapit ng magsimula ang klase kaya kailangan na nating maglakad ng mas mabilis pa kaysa normal." pag-iiba ko ng topic na ikina-tango niya.

"Naalala ko, may gagawin pa pala kami kaya yeah...Kailangan na nga nating bilisan." pag-sang-ayon niya.

Binilisan nga namin ang aming mga lakad, hanggang sa wakas! nakapasok na din kami sa gate ng school.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon