uɴтɪʟ xxɪ

1.9K 63 4
                                    

✧ ═════════════════════ ✧

Chandia Guebero

Hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko ngayon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. May parte sa akin na nagsasabing dapat maging masaya ako pero pakiramdam ko mas lamang pa rin sa akin ang lungkot at sakit. Hindi ko alam. Nababaliw na yata ako.

"Chandia, bumaba ka na para kumain!" narinig kong sigaw ni mama mula sa baba, pero wala akong gana. Wala na ako sa hulog para tumayo at bumaba para kumain sa kusina. Wala na.

Nakahiga pa rin ako habang nakabalot ng kumot ang sarili ko. Hindi na ako nag-abala pang tumayo. Dahil gaya ng sabi ko kanina wala na akong gana para kumain.

Sa totoo lang, nagsisisi ako at pinilit ko pa si Clev kanina na mag-open sa akin. Pakiramdam ko napakabaliw ko na yata at emotional para magdrama ng ganito matapos kong malaman ang katotohanan. Real talk, napakatanga at napakahina ko. Napakatanga para magmukhang burrito ngayon, tanga para magmatapang kanina, at napakahina para masaktan.

Nagpakawala ako ng malakas na sigaw habang pilit na nilalabas ang sarili ko mula sa pagkakabalot ko sa pesteng kumot na 'to!

"Peste! Peste! Peste! Pest──"

Natigilan ako nang bumukas ng malakas ang pinto ng kwarto at bumungad sa akin ang isang iritang itsura ni Mama.

"Ano bang nangyayare sa'yo, Chandia?! Kanina pa kita tinatawag, ha?! Sabihin mo nga kung kailan ka pa nabinge at kung hindi ka pa binge, ako na mismo ang magpepresinta para tusukin ng cotton bands 'yang tenga mo nang matuluyan ka na!"

Dahan-dahan kong tinanggal ang pisteng kumot sa katawan ko, bago tumayo at lumapit kay mama 'tsaka siya niyakap. Wala na akong pake kung galit siya. Gusto ko lang ng kayakap ngayon.

"Mama..." parang bata kong tawag dito at agad na sumunod ang luha kong tuluyan nang lumandas mula sa mga mata ko. "Mama..." tawag ko ulit. "..Mama ang sakit."

"Nang ano, 'nak? Yung cotton bands ba na sinasabi ko sa'yo? Ano ka ba 'nak, siyempre charot-charot lang 'yon, ito naman. Hindi naman magagawa ni Mama sa'yo 'yon," gusto kong tumawa dahil sa biro ni mama pero mas nanaig pa rin sa akin ang kirot sa mata at puso ko.

Kumawala ako ng onti sa yakap bago tumayo na parang bata sa harapan ni Mama. Pinunasan niya ang luha sa aking pisngi at kasabay nito ang pagpapatahan niya sa akin.

"Shh, stop crying na, Chandia. Tell me, what's wrong? may problema ba? sa school? may nangbully ba sa'yo? sabihin mo lang 'nak at hindi ako sanay na nakikita kitang umiiyak. Once in a blue moon ka lang umiyak e at alam kong naiyak ka lang pag hindi mo na talaga kaya," inangat niya ang ulo ko at pinatingin sa kanya, "so tell me, what's wrong, Chandia?"

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Mama o hindi. Ngunit, ayaw ko mang magsinungaling sa kanya ay nagawa ko. Umiling ako para malaman niyang okay lang ako. Isa pa, alam niya naman na hindi talaga ako sanay magopen-up ng sarili kong problema sa ibang tao.

Kung napapansin ni'yo man, hindi ako sanay makipagsalamuha sa ibang tao at mas lalong hindi ako sanay magsabi ng sarili kong problema sa ibang tao. Mas sanay akong harapin ang problema ko nang mag-isa at mas sanay akong umiyak sa isang kwarto nang ako lang mag-isa. Sadyang hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko ngayon at iniyak ko ito kay mama. Eh, sa hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Masyado akong binalik sa realidad ng mga katotohanang nalaman ko, at unti-unti ay bumabalik sa isip ko ang mga nangyare kanina.

          Napagdesisyunan namin ni Clev na hindi muna dumiretso sa mga bahay namin dahil na rin sa nakapagisip-isip na siya at nangakong sasabihin niya na raw sa akin ang mga tinatago niya.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon