uɴтɪʟ xɪ

2.5K 70 1
                                    

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

Tahimik 𝔞𝔱 nakikinig lang ako sa aming guro habang busy ito sa pag-tuturo.

Habang nakikinig ay hindi maiwasan ng aking utak na isipin muli ang mga katagang sinabi ni Clev kanina.

'Siyempre hihintayin kita! Lagi kaya tayong sabay pumasok!' ?

'Ayoko. Sanay na akong kasabay kita palagi...Kaya Hindi. Gusto ko lagi kitang kasabay pumasok.'

Paulit-ulit lang ito na parang sirang plaka. Kaya imbis na ang tinuturo ng teacher namin ang pumasok sa utak ko ay ito pa ang 'pasok-sa-kabila-labas-sa-kabila' dahil sa mga katagang iniwan nung lalakeng bwiset.

Iniling ko na lang ang aking ulo para matauhan bago ibinalik ang tuon sa harapan. Ngunit, hindi pa man ako nakakabalik sa wisyo ay agad ding bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba ng tawagin ako ng teacher namin.

"Chandia, can you tell us what is 'wave'?" pakiramdam ko ay nanuyo agad ang lalamunan ko. Kasabay nito ang aking pagtayo at pagtitig sa akin ng mga kaklase ko.

Teka ano daw ulit?

"Ahmm? Wave? A-ano..."

Sinubukan kong isipin ang lahat ng mga salitang galing sa teacher namin na narinig mismo ng aking tenga, ngunit kahit anong gawin ko wala talagang pumapasok sa utak ko.

Hala ka, nalintikan na!

Napangiwi ako ng makita ang mga tinginan sa akin ng mga kaklase ko pati na din ni Ma'am. Lahat sila ay nagtataka at nag-aabang sa maaaring isasagot ko.

"Ehem─ W-wave. Ano...'yung wave sa dagat? Ocean wave? Ahmm...pwede din sigurong M-Microwave. Hehe..." wala sa wisyo kong saad.

Narinig ko ang tawanan ng buong klase kaya nakitawa na lang din ako kahit na ako mismo ay hiyang-hiya na sa mga pinagsasabi ko.

Microwave? Ocean wave? Tanga lang 'di ba?

"Students, Stop laughing!" sigaw ng teacher namin na agad namang nagpatikom ng aking bibig at ganon din sa iba.

"Anong nangyayare sayo, Chandia? Wala ka na naman ba sa wisyo mo? Anong microwave? ocean wave? Pinapabasa ko sayo ang nakasulat sa libro niyo at hindi ko sinabing sabihin mo ang mga bagay na may 'wave' sa dulo.." iritado ngunit kalmado nitong dagdag.

Mariin akong napapikit nang matauhan sa katangahang nagawa ko.

Oonga naman. Paanong hindi ko naisip na pinapabasa lang pala ako sa libro ni Miss? Aish!

Ang ending eh pinaupo na lang ako at mahiya-hiya ko namang sinunod 'yon habang pasimple't patago kong kinurot ang sarili ko para naman matauhan na ako at bumalik sa wisyo ang utak ko.

"Why are you spacing out?" bulong ni Abby mula sa gilid ko.

Hindi ko na lamang siya sinagot at mas itinuon pa ang tenga at mata sa harapan. Ayaw ko ng magmukhang tanga ulit kaya makikinig na talaga ako this time. For real.

"Anong pakiramdam na maging kaibigan ng isang Cleverance Villarin?" bulong niyang muli.

Ano bang pinagsasabi nito? Ano bang gusto niyang isagot ko? Masaya? Nakakakilig? pero may mga times na masakit kasi kaibigan niya lang ako at wala ng ibang meaning ang samahan namin?

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon