uɴтɪʟ ɪɪɪ

4.3K 94 10
                                    

Dedicated: Pinkeu_Cassiopeia07~❤Hart.Hart❤

✧ ═════════════════════════ ✧

Chandia Guebero

Mahimbing akong natutulog habang patuloy lang sa pagku-kwento ang panaginip ko...nang bigla akong makaramdam ng pag-pisil galing sa kanang pisnge ko.

Hindi ko ito agad pinansin kasi gusto ko pa ngang matulog at ayaw ko pang putulin ang panaginip ko lalo pa't nasa Hogwarts ako at kasama sila Harry Potter. Well, weird siyang pakinggan pero 'yon talaga ang panaginip ko.

Pero patuloy pa din ang pag-pisil sa pisnge ko ng kung sino man, na medyo ikina-inis ko na. Hindi kasi makapag-deliver ng maayos yung panaginip ko habang patuloy pa din yung taong 'yon sa pag-pisil ng pisnge ko.

"Chan..."

Pero feeling ko agad na nabuhay yung diwa ko ng ma-realize kung sinong tao ang gumagawa non.

Marinig ko lang ang boses niya kilala ko na siya. At sigurado akong siya nga 'yon. Iilan lang din naman kasi silang tumatawag sa akin ng 'Chan'. Actually, siya lang pala.

Dahan-dahan kong binuksan ang gusto pa ding matulog na mata ko at tama nga ako, dahil bumungad sa akin ang naka-ngiti niyang mukha. Badtrip......Ang gwapo.

"Gising na, Chan. Akala ko ba maaga kang magigising? Eh, anong oras na pero nahilik ka pa din diyan." Pagdaldal niya umagang-umaga. Napairap na lang ako at napa-talukbong ng kumot ko.

"Tinatamad akong pumasok." pabulong kong sabi na sure naman akong narinig niya.

"Anong tinatamad ka, Chan? Tigil-tigilan mo nga ako...Bumangon ka na diyan at maligo na." Napairap lang ako, "...Pag di ka pa bumangon diyan, kakaladkarin na talaga kita paalis sa higaan mo." pananakot niya sa akin. Akala niya naman natatakot ako...

Tinanggal ko na ang talukbong ko bago umayos ng upo atsaka ko siya tinitigan.

"Tititigan mo pa ako? Male-late na tayo..." Sambit niya habang nilalabanan yung titig ko.

Napa-pikit na lang ako atsaka napa-buga ng hangin. Nakakainis naman eh, bakit kasi ang gwapo-gwapo niya sa paningin ko?

"Maliligo na ako, kaya lumabas ka na ng kwarto ko..." Sabi ko habang hindi natingin sa kanya. Ayoko ng makipag-titigan, hindi ko naman kasi kayang manalo sa mga titig niya.

"Okay...Bilisan mo na lang, ah? Anong oras na din kasi, eh." pagpapa-alala niya ulit kaya naman napa-tango na lang ako.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tahimik lang siyang lumabas ng kwarto kasabay ng pagsara ng pinto nito.

Until You Fall // C x CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon