Prince POV
Nauna akong pumunta ng Gymnasium sa dalawa, may klase pa kasi ang mga ito. Nang bumungad ako ay nakita ko na agad si Brent na naka upo. Ka year level ito ni Ricci pero international studies ang course nito. Nag angat ito ng tingin.
"Oh, Cap! Ang aga mo ah" bati nito sakin
"Maagang nag dismiss class ko eh. Ikaw? "
Nagkibit balikat ito "Boring sa klase. So i ditch. Mas maganda dito"
Tumawa ako "Isa ka talagang pasaway na bata Paraiso"
"Well. Okay lang yan. YOLO"
Umiling ako. Isa ito sa pinaka pasaway sa team. Bagay na bagay sila mag sama ni Rasheed. Umupo ako at kinuha ko ang phone ko. Napa angat ako ng tingin agad nang may narinig akong hagikgikan.
Nakita ko ang mga ilang miyembro ng cheering squad, may practice pala sila dito mamaya kaya nag uumpukan sila ngayon dito. Tila humaba ang leeg ko sa kaka aninag kung sino ang mga miyembro na paparating. Napangiti ako. Tumayo ako at inayos ang buhok ko.
"Hi Christine! " bati ko sa isang miyembro ng cheering squad
Ngumiti ito at naupo. This is the girl that i am courting. Matagal na akong na porma dito pero di pa niya ako sinasagot.
"Gonna watch me? " ngiting tanong ko
Impit na nag titilian naman ang mga ka miyembro nito. Ngumiti ito
"May practice kami ngayon. Stop assuming " biro nito sakin
Umupo ako sa tabi nito. Kumukuha ito ng Management.
"Ahm. Are you free on Sunday? " tanong ko
"Hmmm. May training kami in the morning eh. Bakit? "
"In afternoon pwede ba? Let's date? Or i mean, eat together. You know? "
Tumawa ito "You've been doing that for a half a year. Di ka ba nag sasawa? "
Umiling ako
"Or di ka ba nabobother na baka pinapa asa lang kita? Baka wala akong balak na sagutin ka"
Ngumiti ako ng malaki "No. Bakit ka papayag sa mga date kung wala kang balak? "
Tumaas ang kilay nito "malay mo, I'm just bored"
"You're eyes tells the truth. Alam kong gusto mo din akong kasama" confident na sabi ko na ikinatawa nito
"Yabang ha" tawa ng tawa ito
"So you're the girl Ahia's talking about huh!"
Napatingin ako sa nag salita. Nakita ko si Rasheed at Ricci na nag lalakad
Papalapit samin. Tumingin ako kay Christine na nakangisi."What? " sabi ko dito
"Ikaw ha. Ano sinasabi mo sa kapatid mo? Baka ibang babae yan ha" sabi nito sakin
"So you're the management student, nice meeting you girl" si rasheed at nakipag kamay kay christine
"nice meeting you. Christine by the way"
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanfictionFall Inlove with the Rivero Brothers