Chapter 27

176 5 0
                                    

Ricci's POv

Nag ka ayaan sila na pumunta sa isang resort club para naman mas relax.  Nag ayos na kami at nag punta sa bus para maka alis na kami.  As usual ganon pa rin ang seating arrangement. Katabi ko si Gracie na busy mag laro sa cellphone niya.  Dinungaw ko ang nilalaro nito. Napangiti ako nang makita ko nilalaro niya. 

"Barbie? "tanong ko dito

Tumingin ito sakin at naka kunot dahil naistorbo ko ang pag lalaro nito


"Favorite ko to" tipid na sabi nito at tuloy ang laro nito

Pinanood ko naman ito, merong mini games at inaayusan niya si barbie.  Hindi mo aakalain na nag lalaro pala siya hanggang ngayon. Nang makita kong tapos na niya ayusan ay inagaw ko dito ang cellphone niya.

"Huy!! Ano ba,  nag lalaro ako. Akin na nga" agaw nito sa cellphone niya

"Ayoko. Palaro ako" sabi ko dito na ikina gulat nito


"Pambabae yan no. Di yan pwede sayo" sabi nito at nag tangkang agawin ulit sakin pero inilayo ko ito

"Pambata nga to pero bakit ikaw nag lalaro pa din eh ang laki laki mo na.  Pa try ako.  Teach me how" sabi ko at nilaro na rin ito

"Tsk.  Istorbo eh" inis na sabi nito at lumapit ng bahagya sakinm dumungaw ito sa phone ay itinuro kung pano


"Ayan,  kilayan mo, make upan mo bihisan mo.  Tapos rarampa na siya" sabi nito at pinakita kung paano. 


Natuwa ako dahil nakaka aliw din pala mag laro ng ganito.  Nag lalaro kami nang mapansin ko na ang lapit na pala ng muka niya sakin.  Medyo naka sandal din siya sa balikat ko.  Pinag masdan ko ito. Tuwang tuwa itong mag laro habang hawak ko ang cell phone.

Ilang araw na kami sa sagada. Minsan napapansin ko na ang babaw lang din ng kaligayahan nito.  Konting bagay ay natutuwa na ito.  Ang laki ng pinagbago niya.  Ayokong mag assume pero sana ako yung isa sa mga dahilan kung bakit ito bumalik sa dati. 

Nagulat ako nang bigla itong humarap.  Napigil ko ang hininga ko dahil medyo malapit na yung muka niya

"Huy!  Ayaw mo na bang maglaro?  Akin na to. Di ka naman nag lalaro eh " sabi nito at inagaw ang phone nito

"Gusto ko pa mag laro eh" sabi kk at inagaw dito pero di na nito ibigay iyon

"Ang damot mo" sabi ko dito

"Manood ka na lang,  ako naman mag lalaro" sabi nito at pinagpatuloy ang laro



Sumandal ako sa balikat nito

"Sige manonood na lang ako" sabi ko

"Ang bigat mo" reklamo nito


Tumawa ako "mag tiis ka,  ayaw mo ako pahiramin eh"


"Tsss."


Ngumiti ako.  Maya maya pa ay parang bumibigat ang mata ko.  Ipinikit ko ito saglit.

******

"Huy! "

Naramdaman ko ang tapik kaya nag mulat ako ng mata.  Pag dilat ko ay naka tigil na ang bus namin.  Tumingin ako kay Gracie

"Baba na.  Himbing na himbing ka dyan. Tulo. Laway mo" sabi nito kaya napahawak ako sa bibig ko

Narinig ko itong tumawa

"Wala naman eh.  Niloloko mo ako ha" sabi ko dito


Tumawa ito at tumayo.  Sumunod ako sa pag kakatayo nito, nag si babaan na kami.  Pare parehas kaming namangha sa lugar. Simple lang at tahimik ito. 

Charismatic Rivero's (Ricci,  Prince, Rasheed) Where stories live. Discover now