Rasheed PoV
Lumipas ang araw at heto na ang pinaka hihintay namin mga Lions. First game ng finals ngayon at Ming University ang kalaban namin. Nasa dug out kami nang itext ko si Casey kung nasaan sila. Nagreply ito na nasa likuran lang sila ng bench namin.
Habang lumilipas ang araw ay napagtanto ko na may iba na sa nararamdaman ko. Naging mas sweet siya sa akin. Hindi ko maiwasan minsan na ma appreciate ang mga ginagawa nito. Nang mag announce na kami na ang lalaban ay nag si labas na kami. nang maka upo kami sa bleachers ay agad akong lumingon para hanapin si Casey. Agad ko naman nakita ito at may hawak pa itong banner. Ngumiti ito sa akin at sumenyas na Go for it. Naka puyod ang buhok nito pero suot suot pa rin nito ang thick black eye glasses nito. Ngumis ako thats right
Maya maya ay isa isa na kaming tinawag. Isa ako sa fisrt five, si Ricci, Prince, Brent at Mark.
naging maging maingay ang buong gym. Nakalamang na agad kami at sunod sunod ang puntos pero nang mga third quarter na ay lumamang ang mga ito sa amin. Medyo nahirapan na kami dala ng pagod pero hindi kami nag patinag sa huli ay kami nanalo at pasok na kami sa Finals. Mag aantay na lang kami kung sino ang makakalaban namin sa huling Laro.
isa isa na nag sisi alisan ang mga tao pero kaming mga players ay na stuck sa gitna dahil sa mga fans na nag papa picture. May fan na nag abot sa akin ng isang paper bag, pagtingin ko ay sandamakmak na chocolates ang laman nito.
"thank you" pasasalamat ko dito
Lumingon ako, nakita ko si Tin na tumakbo kay Kuya. Agad naman na niyakap ito ni kuya
"Congrats baby! Waiting na kayo" tuwang tuwa na sabi ni Tin kay Ahia
"Yes baby, youre my lucky charm" sabi ni Ahia at hinalikan ito
Tumakbo ako papunta kay Casey. Nakangiti ito sa akin.
"Congrats ang galing mo" sabi nito
Ngumiti ako "Syempre, Inspired ako eh"
"Kanino naman?' tanong nito
"Malamang, andito ka eh, pasikat muna ako sayo" tudyo ko dito at namula nanaman ang pisngi nito
"You're blushing"
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanfictionFall Inlove with the Rivero Brothers