Chapter 33

148 4 0
                                    

Casey's POV

Mag dadalawang linggo na ata kaming di nag uusap ni Rasheed.  Ilang beses ko siyang tangkang kausapin pero hindi ko alam kung paano. Aaminin ko,  nami miss ko siya.  At sa loob ng dalwang linggo na yun ay narealize ko na mukang totoo nga ang sinasabi ni Sheed.  Minsan ay nahuli ko siyang naka sunod saakin.  Hanggang sa maka uwi ako ng bahay ay naka sunod lang siya. 

Naka upo ako ngayon sa may grounds.  Hindi ko nakikita si Rasheed kaya baka wala ito.

Maya maya ay may nag abot sakin ng pulanh card.  Kumunot ang noo ko pero binuksan ko ito at tingnan ang naka sulat dito


"Can you go at the rooftop? "



Sino kaya nag padala nito?  Pero wala sa loob na tumayo ako at pumuntang rooftop. Habang papunta ako sa roof top ay may nakikita akong sticky notes.  Humakbang ako sa hagdan at kinuha ang mga ito


"Everyday i miss you"


"you're the prettiest girl i ever met"


"please.  I am damn serious on you"



"I think i love you "



"No.  I've fallen in love with you"



Nang kuhanin ko ang huling sticky notes ay binasa ko iyon.  Naka dikit ito sa mismong pinto sa rooftop

"Will you be my girl?  If yes,  open the door :)"


Napalunok ako.  Bubuksan ko ba?  Nag isip ako. Lahat ginawa niya. Hindi kaya ako naman ang dapat may gawin?  Nasaktan ako noong nalaman ko na kaya pala niya ako nilapitan dahil lang sa pustahan.  Pero sa bawat kilos na ipinapakita niya ay  totoo.  Nakita ko iyon sakanya. 

Huminga ako ng malalim at dahan dahan kong hinawakan ang door knob.  Unti unti ko itong binuksan. Pag bukas ko ay nakita ko ang mga bulaklak na nag kalat sa sahig ng roof top.  Ngumiti ako.  Nag lakad pa ako nang makita ko si Rasheed na nakatalikod at nag mamasid lang sa tanawin sa taas.  Tumabi ako dito. 

"Ang ganda ba ng view? " sabi ko dito


Ngumiti ito "Kanina maganda. Pero mas gumanda nung nakasama kita"


"Sus bola ka nanaman"


Humarap ito sakin. 


"You open the door.  Does it mean that? "



Putol na sabi nito at tiningnan ako



Ngumisi ako "Ayaw mo ba? "


Ngumiti ito at niyakap ako

"Of course i want to.  Sorry.  And thank you.  Promise this time totoo na.  No more bets" sabi nito


"Promise.  I'll make up to you this time.  I'll try to be the best girl friend "


Kumalas ito sakin. "kahit naman wala kang gawin ikaw pa rin ang the best no"

Tumawa ako.  Niyakap ko ito. Siya din naman ang the best boyfriend. 

*****

"Oh my god!!!!  Official na sila" tili ni Tin


Tumawa ako "Easy bessy okay?  Kalma"

Nasa canteen kami.  Kakarating lang nila Kuya Prince at Ricci.  Wala si Gracie dahil nasa ospital ito. 

"So isa na lang ang single no? " sabi ni Rasheed

"Malapit na rin yung dalwang yun" sabad naman ni Kuya Prince

"Matagal pa.  Pero okay lang makakapag intay naman ako " sagot naman ni Ricci



"Naaaaaks"


"Oo nga pala.  May party bukas,  punta kayo ha" sabi ni Ricci samin


"Oo nga pala.  Dadating yung long lost Tita namin" sabi naman ni Kuya Prince


"Long lost tita? " tanong ni Tin



Tumawa si Kuya Prince "Ewan ko.  Ang tagal din kasing di nag pakita ng Tita namin na yon.  Sabi niya kanila Mommy at Daddy tsaka na sya mag papakita sa amin kapag okay na yung lahat"



Kumunot ang noo ko "Bakit? May problema ba? "

Tumawa si Ricci "Wala naman pero you know some typical love story.  Yung first love ng tita ko hindi nya naka tuluyan ayon nag rebelde siya non.  But time comes napag alaman namin na nag kabalikan sila and the rest was their story"


"No one knows what happened to them. Siguro bukas?  10th anniversary nila bukas no? " sabi ni Rasheed

Tumango naman ang dalwa. 



"Ohhh.  So we will be needing a dress" sabi ni Tin at tumingin sakin



"I think so" sagot ko



"So pwede bang umalis muna kami ni Casey?  Pipili lang kami ng susuotin bukas.  Daanan na din namin si Gracie,  does she know? " tanong ni Tin

Tumango si Ricci "Yeah.  I already told her"



Pumalakpak kami ni Tin "Lets go! '

Excited naming sabi. Habang nag lalakad kami ay napagtanto ko na isasama nila kami bukas



"We will meet their parents tomorrow " sabi ko tila natigilan naman si Tin


"Oo nga no.  Omg.  Kinabahan ata ako"




"Ako din"



Sbaay kaming tumawa "For sure so Gracie hindi na kinakabahan yon kasi Ricci already introduce her to their Fam.  Kung sino di official siya pa yung naunang ipakilala" natatawa kong sabi



"Correct.  So dapat gandahan natin ang susuotin natin so we can please them.  Taraaaa sunduin na natin si grasya" sabi ni TIn


Sinundo namin ito para mamili kami ng gagamitin bukas.  Pagkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko.  Di ko mapaliwanag na eexcite ako makita ang pamilya ni Rasheed bukas. 

Charismatic Rivero's (Ricci,  Prince, Rasheed) Where stories live. Discover now