Chapter 16

172 4 0
                                    

Casey Pov



"Where do you want to go? " tanong sakin ni Sheed


Tumingin ako dito.  Nag lalakad kami sa hallway mg school ngayon. Halos buwan ko na ata itong nakakasama palagi.  At sa mga araw na yun ay nakatanggap ako ng inggit, tuwa at kutya sa ibat ibang tao.  Pero hindi ko pinapansin ang mahalaga kasama ko ito. Sa unang taon ko dito ay halos walang nalapit sa akin pero nung dumating si Sheed ay parang okay lang kahit kami na lang lagi ang magkasama. 

Sino nga ba yung lalapit sakin.  Weird. Nerd, panget at iba pang negative terms.  Pero si Sheed pinaparamdan niya na iba ako sakanila.  Pinilit kong baguhin ang sarili ko pero pinigilan ako ni Gracie.  Sa lahat ng kaibigan ko ito lagi ang nakaka alam ng tamang gagawin.  Although minsan sobrang bitter talaga nya haha.  Pero tama naman ang sinabi niya na wag kong baguhin ang sarili ko para sa isang tao.  Kung mamahalin ako ni Sheed ito ay dahil sa kung ano ako ngayon. 


"Hey!  Youre smiling.  Sinong nakita mo? " tanong nito at luminga linga pa



"Wala.  May naisip lang ako" sabi ko


Ngumiti ito at umakbay sakin. Napangiti ako "Ano yun? "


"Wala. Secret.  Halika labas tayo sa school.  Parang gusto kong kumain ng Ice cream with fish balls"




Kumunot ang noo nito "Ice cream with fishballs?  Ano lasa non? "


"Syempre masarap. Tara na" sabi ko at hila hila na ito sa kamay.


Nasasanay na din ito kumain ng mga streetfoods dahil sa impluwensya ko.
Nung una ay crush ko na si Sheed.  Kaya kilala ko pati ang mga kapatid nito.  I support them every game.  Kaya nang mapalapit ako dito ay sinamantala ko na ang pag kakataon.

Nang makalabas kami ay agad akong nanakbo papuntang stall ng fish balls. 

"Dahan dahan lang baka madapa ka." awat nito sakin pero nauna ako at sumunod na lang ito sakin




"Sa susunod na tatakbo ka, dapat nasa unahan ako" sabi nito na hiningal pa


"Huh?  Bakit? " tanong ko dito



"Para kung sakaling madadapa ka, sa akin ka babagsak" banat nito na ikinapula nanaman ng pisngi ko



Inabot ko dito ang baso ng fishball "Ayan kumain ka na lang.  Gutom. Lang yang nararamdaman mo"



Inabot nito ang baso pero kasama ang kamay ko sa pagkakahawal nito.  Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero nanatiling hawak pa rin niya ito

"Paano kung seryoso ako? Gusto ko. Mahulog ka sakin" seryoso na ang pagkakatitig nito

Kumalabog ang dibdib ko.


"Sasaluhin mo ba ko kung sakaling mahulog ako? " sagot ko



Ngumiti ito pero bago ito maka sagot ay nag salita na si. Manong na nag titinda ng fishballs. 



"mga batang ito talaga!  Kumaim muna kayo bago magligawan diyan" nakangising sabi ni Manong

Binawi ko ang kamay ko dito at nag tusok ng fishball. Tiningnan ko ito at patawa tawa lang. 



"Alam mo, pakiramdam ko kayo magkakatuluyan" dagdag ni Manong



Tumingin si Rasheed dito na nakangiti

"Talaga po ba manong? " sabi nito




"Aba'y Oo.  Ganyan din ang tinginan namin ng asawa ko noong dalaga at binata pa kami. Tingin na may spark kumbaga" sabi nito


Charismatic Rivero's (Ricci,  Prince, Rasheed) Where stories live. Discover now