Prince POV
"So i buy some new clothes na, tsaka more jackets kasi diba medyo malamig ang weather don? " daldal ni Tin mas excited pa ata ito kesa sakin. Bukas na ang alis namin pa sagada.
"And these i buy it for you" napalingon ako dito sabay naman suot sakin ng bonnet.
"For my boyfie. Gwapo gwapo naman ng jowa ko" sabi nito at patawa tawa pa.
Ngumiti ako. Pinag mamasdan ko ito mag ayos ng gamit. Everything goes fine whenever im with her. Alam ko walang perfect relationship but with Tin? Every thing is perfect.
"Nga pala. Sasama ba daw si Gracie? Do you ask Ricci? " tanong nito
Nag kibit balikat ako "Sabi ni Ricci hindi daw sasama eh. Pero nag punta sila kanila Mommy nung isang araw. Pinakilala ni Ricci si Gracie"
Bigla namang namilog ang mata nito.
"Capital O-M-G! Totoo ba yan babe? "
Tumango ako. Nagulat ako ng bigla itong tumili
"Aray ko naman baby ko. Ang sakit sa tenga" reklamo ko dito
Tumawa ito "Im so. Kinikilig! Imagine paano niya nadala si Gracie sa bahay niyo? For the first time in my life OMG! Im so proud of my friend! "
Natawa ako dito. Mas tuwang tuwa pa. Ito. Mamaya ay lumapit ito sa akin
"But baby, buti pa si Ricci naipakilala na si Gracie. Eh ako? May balak ka bang ipakilala ako sa parents mo?" sabi nito at nag pout pa
Oo nga pala. Bat di ko naisip yun? Tumingin ako dito at inakbayan
"wag kang mag alala. Once we go back from sagada, ipapakilala kita sa parents ko. Okay baby? " sabi ko ditoo
"Uhm. Okay! Get ready and I'll introduce you to my parents too. Once na free sila from work ha. " sabi nito at ngumiti ako
After niyang mag ligpit ay pumunta kami sa sala at nag movie marathon na lang. Nakatira si Tin sa apartment niya. Kanila ang apartment na to at lingguhan na lang kung umuwi sakanila. Nang mag gabi ay nag pa alam ako na uuwi na ako.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko ang dalwa kong kapatid na nag aayos na din ng gamit.
"Oh ahia. Naayos mo na ba yung dadalhin mo bukas? " tanong ni Rasheed
"Oo kanina pa. Kayo lang naman babagal bagal pang kilos" sabi ko sabay ngisi
Tumingin si Rasheed kay Ricci. Inayos nito ang maleta niya at naupo sa sofa
"Hoy Cci. Sure ka ba na hindi talaga sasama si Tiger? " sabi ni Rasheed dito
Ngumiti ito "Hindi daw eh"
Pero napansin ko na kakaiba ang ngiti nito
"Sure ba? Di ko na i oorrient ang Lions wala naman pala siya eh" si Rasheed
Tumawa si Ricci "Alam mo Dihia. Mas better kung umamin ka kay Casey hindi yung nag tatago or kinakabahan kang mabisto. Para mas maaga makahingi ka ng forgiveness "
Ngumuso si Rasheed "For sure di ako mapapatawad non"
Umiling lang si Ricci at nag cellphone.
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
Hayran KurguFall Inlove with the Rivero Brothers