Rasheed's POV
"Ano bro? Buwan na pero wala pa din. Sumuko ka na" sabi ni Aljun
Nag bibihis kami sa locker room namin. Ngumis ako.
"Sayang naman pinusta ko" sabi ko
"Buwan na. Wala ka nang magagawa. Suko na. Labas niyo na mga pusta niyo" si Aljun
"Konti na lang pre. Konti pa" sabi ko na ikinatawa ng mga ito
Halos buwan na nga na nakakasama ko si Casey pero tila hindi ito nag tangka baguhin ang sarili niya. Kontentong kontento na siya kung ano na siya ngayon. Napa isip ako ng malalim. Paano kung malaman niya ang sa pusta? Magagalit ba siya dahil kaya ko siya nilapitan dahil lang sa pustahan namin? Malamang Oo. Napailing ako.
Ano ba tong napasok ko? Lalo na ngayon na parang naka masid si Gracie sa kilos ko. Yung tigreng yon, parang nakaka halata na ito. Kaya ingat na ingat ako sa mga hirit ng mga ito kapag nandyan sa paligid si Gracie
"Ayoko na sumali sa pusta niyo" biglang sabi ni Ricci
"Ako din yoko na" si Kuya Prince
"Cornyyy! Sayang naman " sabi ni Mark
"Ayoko. Nakokonsensya ako eh. Mas mabuti nga itigil niyo na yung pustahan niyo" sabi ni Ricci
Tumango naman si Kuya Prince
"Sheed you better end this. Habang maaga pa, ayoko din dahil umaasa si Casey na ang pinapakita ay totoo. Bago pa lumalim at bago pa siya masaktan agapan mo na" saad ni Kuya Prince
"Eh ang tanong. Totoo na ba o acting lang ang lahat? " sabi ni Aljun
Hindi ako naka imik. Totoo ba lahat ng kinikilos ko? Lahat ng sinasabi ko kay Casey totoo ba? O laro laro ko lang? Hindi ko alam
"Hindi ko alam. Give me some time guys" sabi ko at uminom ng tubig
"Alalahanin mo Sheed, nakaka halata na si Gracie. Noong isang araw nag uusisa siya sakin. Ingat ka, lalo na ngayon magaling na paa non, makakapag spy na yon" pa alala ni Ricci
Tsk. Isa pa yon. May posibilidad na mabuking ako. Hayyy ba yan. Nag pop up ang isang pangalan sa phone ko. Si Mimi. Isa ito sa dinate ko noong isang araw ng pumunta ako sa isang event. Tsk. I keep. Ignoring her.
Tumayo ako at nag dere deretso palabas. Kailangan ko ng hangin. Nag lakad lakad ako.
Natagpuan ko ang sarili ko na nasa building nila Casey. Tsk. Bat ba ko dito pumunta? Nasanay na siguro yung paa ko na pumupunta na lagi dito.
Pa alis na sana ako nang makita ako ni Tin.
"O Sheed, bat andito ka? Pupuntahan mo si Casey? " tanong nito
"Ahh napa daan lang. Ikaw ba? "
"Magkikita kami ngayon eh" sabi nito at may kung anong dinungaw sa likod ko "Eto na pala eh. Casey! "
Napalingon ako. Nakita ko si Casey. Naka puyod ang mahaba nitong buhok ngayon. Habang tumatagal ay mag iimprove ang personality nito. She look neat now, di katulad dati. Ngumiti ito kay Tin. Isinenyas naman ni Tin ako dito at lumipat ang tingin nito sa akin. Ngumiti ako dito.
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanfictionFall Inlove with the Rivero Brothers