Chapter 9

203 3 0
                                    

ricci's POV





Tumingin ako sa orasan.  Mag aalas dose na ng tanghali. Sumilong ako sa may lilong na malapit sa mau fountain.  Iniintay ko na dumating si Nanay,panigurado ay kakain na yun.  Ilang sandali pa ako nag hintay pero tila wala pa din si nanay.  Luminga ako. Asan kaya yun? 

Medyo kumakalam ang sikmura ko kaya naghanap ako ng makakainan ko muna. Mukang mission failed ako ah. Aabangan ko sana sina nanay at gracie para makisabay sa pagkain.  Pero mukang wala ang mga ito.  Namili pa ako ng kakainan ko.

Nang makarating ako sa isang maliit na karinderya ay doon ko napansin na andoon pala ang hinahanap ko.  Ngumiti ako.  Dali dali akong nanakbo at umorder.  Nakatalikod ako sakanila. Pinasobrahan ko ang inorder ko. Nang makuha ko ay humarap ako.  Nakita ako ni Nanay at ngumiti ito sakin.  Lumapit ako at umupo sa tabi ni Gracie. Kita ko na gulat na gulat ito. 




"Pa share ng upuan ah" sabi ko dito mabilis naman na nag bago ang ekspresyon ng muka nito.  Tumaas nanaman ang kilay nito




"Ang daming bakanteng upuan dito ka pa makikisiksik" mataray na sabi nito




Sakto naman na dumating yung inorder ko na bulalo.  Napatingin ito doon.





"Ilipat mo yan doon.  Wag kang sumiksik dito" sabi pa nito sakin



"Wow!  Bulalo,  paborito ko ito anak" singit ni Nanay




Napatingin ako sa matanda at ngumiti




"Para sainyo po talaga yan Nay.  Eto po oh" sabi ko at inabot ko kay Nanay.
Nilagyan ko ito ng sabay at ulam aa plato niya. Tuwang tuwa ang matanda


"Naku. Salamat anak ha"




"No problem Nanay. Basta ba lagi niyo akong isasabay sa pag kain" sabi ko tumawa ito samantalang si Gracie ay nanlalaki nanaman ang mata sa akin




"Wala namang problema sakin nak" sagot ni Nanay




Napatingin ako kay Gracie, nakatingin lang ito kay Nanay na tuwang tuwa at kumain na ulit siya. 


Nang matapos kami sa pag kain ay binilhan ko si Nanay ng mga ilang pagkain na ma i-istock sakanila. Napag alaman ko din na ilang dipa lang pala ang layo ng bahay nito sa school namin.  Inihatid namin ito sa bahay niya, isang bahay lang na tama ang laki..  Talagang siya lang mag isa dito.  Nakita ko naman na inaayos ni Gracie ang mga binili ko sa cabinet sa kusina. 




"Buti hindi kayo naiinip dito Nay" tanong ko habang naka upo ito sa rocking chair niya.




"Hindi naman ijo.  Minsan ay namimitas ako ng mga gulay sa likod at itinitinda iyon sa palengke.  Minsan andoon ako sa school niyo na nang lilimos" tumawa ito "Hindi ko akalain na magiging ganto pala ako pag tanda ko" at naging malungkot nanaman ang muka nito



Umupo ako sa tabi nito "Pero ngayon Nay may kasa kasama ka nanaman. Andito naman ako eh.  Aaliwin ko kayo palagi" pinasigla ko ang boses ko




Tumawa ito.  Hinaplos nito ang ulo ko "Alam mo na aalala ko sayo ang anak ko"





"Lalaki din po ba siya? "




"Oo. At gwapo rin katulad mo. Sayang lang at hindi ko siya nakakasama. Iniwan ako ng sarili kong anak" maluha luha na sabi nito



Naawa ako dito. Pano nagawa ng anak nito ang sarili niyang nanay? 
Napatingin ako kay Gracie na nasa kabilang tabi na ni Nanay.  May hawak itong ice cream. 



Charismatic Rivero's (Ricci,  Prince, Rasheed) Where stories live. Discover now