Rasheed's POV
"Wooooow! Ang ganda naman dito" bulalas ni Casey
Ngumiti ako. Tumuloy kami sa isang Inn dito sa Sagada. Maganda ang accommodation. Ang ganda din ng view kitang kita mo ang fog at matatas na puno. Parang mas gusto ko to kesa sa baguio pero halos parehas lang naman sila.
"Feel ko nasa shooting ako ng twilight kasi gantong ganto yun eh" sabi nito at tumingin sa labas ng bintana
Tumawa ako "Ako si edward at ikaw si Bella"
Napatingin ito sakin at ngumiti "Hala siya o"
Lumakad ito papuntang kwarto nila "Uyy, nag blu blush siya " asar ko dito
"Baliw, hindi no.. Mag tigil ka nga" sabi nito at hinila ang maleta nito
"Palagi ka namang nag blu blush eh"
"Sus.. Ikaw ba hindi? " tanong nito
"Parang hindi. Kapag lasing lang ata yan namumula eh"
Napatingin ako sa nagsalita. Si Gracie kasama si Tin. Mga naka ngisi sila sakin. Eewan ko parang iba ang ngisi nila o imagination ko lang yon
"Tara na Casey mamaya na kayo mag quality time ni Sheed. Ayusin muna natin yung mga gamit natin" sabi ni Tin at itinulak paloob si casey sumunod naman ang patawa tawang si Gracie dito
Tssss. Hinila ko yung maleta at pumasok na sa kwarto namin. Pagkapasok ko ay nag aayos na sila kuya ng mga gamit nila.
"So san tayo ngayon? " tanong ko sakanila
"Mag echo valley na lang muna tayo ngayon. Let's watch the sunset. Tsaka maganda don taas kitang kita yung clouds" sabi ni Brent
"Oo nga tapos mag bonfire tayo mamaya sa labas dyan may hut din dyan. Pwede tayo matulog sa labas" si Ricci
Not bad. Tumango ako at nag ayos na din ng gamit ko. Nang maayos namin ang gamit ay nag si kainan muna kami bago lumabas.
"Buti makakapal yung nadala kong jacket" sabi ni Casey at ikinuskos ang magkabilang kamay. Pa akyat kami ngayon. Maganda ang vieew doon.
"eto gloves oh" sabay abot ko dito ng gloves
"Pano ka? " tanong nito
"Okay lang. Di naman ako. Masyado pang nilalamig" sabi ko at isinuot dito ang gloves
Ilamg sandali pa ay narating na namin ang taas. Pare parehas kaming namangha
"Baby! Picture tayoo dito! " excited na sabi ni Tin
"Careful baby. Baka malaglag ka dyan" alalay naman ni Kuya Prince dito
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanfictionFall Inlove with the Rivero Brothers