Grace POV
"Are yoi sure dito na lang? I can tell your mom naman" sabi ni Ricci
Umiling ako "Wag na. Ako na bahala. Bye for now? "
Hinalikan ako nito sa pisngi at tumango. Bumaba na ako sa kotse. Bitbit ko ang gown ko na naka lagay sa paper bag. Alas diyes na ng umaga kaya gising na ang lahat ng tauhan. Pinag buksan ako ng pinto, pag ka pasok ko ay nandoon silang lahat sa sala. Bumati ako sakanila.
"Good morning" bati ko at aakyat na sana
"Good morning young lady. And where have you been? Mag damag kang wala. Palagi ka bang ganto? " sabi ng magaling kong Mommy
"No. Just this once. May party akong pinuntahan" patamad kong sagot
"Saan? Clubs? Ano party all night huh? "
"I went to Dad's Anniversary. Okay na ba mom? "
Pag kasabi ko noon ay parang nabigla ito. Lumapit ito sakin.
"You went to your dad? And you meet that mistress huh" parang galit na sabi nito
Tumawa ako "What's wrong with that? He's my father and besides she will not be a mistress anymore. Konting taon na lang at ma aannulled na kayo ni Dad"
Tila nagulat ito sa sinabi ko "Pinapaburan mo ba yung dalwang yon? Always remember that she's the one who broke our family, dahil sakanya kaya watak watak tayo"
Hindi ako umimik agad. Nag isip ako. Kanino ba ko dapat magalit? Sa nanay kong parang wala namang paki alam sakin kaya pinabayaan ako? O sa tatay ko na iniwan kami pero hindi nag kulang sa pag sustento sa akin. O kaya doon sa babaeng sumira kuno ng pamilya namin?
Tumingin ako kay tito Victor na naka masid lang samin.
"Can we be matured enough mom? Accept things that are already done? Forgive people? " sabi ko sa nanay ko na tila nahihintakutan sa sinabi ko
"Are you out of your mind? Kung ako yung anak hindi ko sya mapapatawad"
"Pero hindi ikaw yung nasa posisyon ko. Ako ito. At pinipili kong mag patawad at tanggapin ang bagay na nangyayari ngayon" sabi ko dito
"You're crazy. Mana ka sa tatay mo" sabi nito at akmang tatalikod na pero nag salita pa ulit ako
"Siguro nga. Bakit ganyan reaction niyo mommy? Hindi ba dapat maging masaya ka na lang? Kasal ka na, at soon mag papakasal na din si Dad. Parehas na kayo may kanya kanyang buhay" sabi ko dito
"You know, it's not easy to forgive. Kung ikaw nasa sitwasyon ko Gracie"
Tumawa ako "Eh pano naman ako mommy? Kung ikaw yung basa posisyon ko? Mapapatawad mo ba yung nanay mong iniwan ka na lang basta? Iniwan na nga ng tatay pati nanay ko nawala din. Sige nga mommy. Sabihin mo kanino ba dapat ako magalit? Kay Daddy lang ba tsaka sa bago niyang asawa? "
"I did it for your own sake. Nagtrabaho ako para sa kinabukasan mo din. Kaya wag mong sasabihin na iniwan kita dahil hindi ako nag kulang, lahat ng gugustuhin ng tao nasayo na" sagot ni mommy
Tumango tango ako "Ganon din naman si Daddy eh. Nabibigay din lahat ng gusto ko, ang nagka iba lang, si Daddy nagawa akong kamustahin kahit text o tawag lang. Pero ikaw mommy? Hindi ko nga matandaan kung kailan yung huling text mo sakin" ngumiti ako
Pagkakataon ko na ilabas ang nararamdaman ko.
"Nung graduation ko ng elementary at Highschool, ni anino niyo hindi ko nakita. Pero si Dad? Hating gabi na, dumaan para mag pakita at batiin ako kahit saglit na oras lang. New year at pasko, nasan kayo? Nung kailangan na kailangan ko ng nanay na mag aalaga sakin kasi nagkaron na ako. Dalaga na ko. Nasan ka? Nag eighteen ako, ilang birthdays. Ilang taon na wala ka. Ni hindi ko nga naranasan kung pano maalagaan ng Nanay eh"
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanficFall Inlove with the Rivero Brothers