Ricci's PoV
Ilang araw na si Gracie na nasa bahay. Ilang beses na din siyang pinilit ni Clark na umuwi sa Mommy niya pero ayaw nito.
Ngayon ay napag kasunduan namin na mamasyal kasama sila tito Ferdie. Inistart ko na ang kotse habang nag iintay sa mga ito. Napansin ko ang pamilyar na kotse na pumarada sa tapat ng kotse ko. Hindi muna ako lumabas. Maya maya ay lumabas si Gracie kasunod ay si Tita Steff. Sakto namang labas din ni Tita Stella. Kanya ngang kotse ito. Agad akong lumabas din sa kotse ko. Napalingon si Tita Stella saakin at tumingin na ng matalim kay Gracie.
"Seriously? You're living with them huh? " sabi nito at hinawakan si Gracie sa braso "Halika na. Uuwi na tayo"
"Mommy. I'm not going with you" tutol ni Gracie
"Bakit? Ayaw mo mapahiwalay sa ama mo? O dito sa boyfriend mo? " galit na sabi ni Tita Stella
"Mom. Please. Hayaan mo na ako dito. Bakit ba ayaw mo na lang ako hayaan? Sa pag kaka alam ko matagal ka nang walang paki alam? Nakalimutan mo ngang may anak ka na naiwas sa pinas dba? Just let me decide kung saan ko gusto" sagot ni Gracie
"Eto gusto mo diba? Maging Ina ako sayo. Nilalayo kita sa mga yan kasi alam kong makaka buti ka kapag nasa poder kita. Kaya halika na umuwi na tayo" sabay hila nito kay Gracie pero nag pupumiglas si Gracie.
"Mommy pwede ba?! For Once mag paka Ina ka naman saken"
Pagksabi ni Gracie non ay malakas na sampal ang ginawa ng Mommy nito
"Stella! " hiyaw ni Tita Steff
"Nawawalan ka na ng respeto sakin Venus Grace. Nag paka ina ako sayo. Lahat ng kailangan mo naibibigay ko. Nagawa nga kitang buhayin at ipanganak eh. Kaya wag mo akong pag sasalitaan ng ganan dahil Nanay mo pa rin ako! " bulyaw nito kay Gracie
"Yes you're my Mom. But all these years, i dont feel like i have one. Uulit ulitin pa ba natin tong issue na to Mommy? Im sick and tired of these"
"Stella! Tigilan mo na yung anak mo" sabi ni Tito Ferdie mula sa likod.
"Oh. My ex husband is here. Long time no see" sarcastic na sabi ni Tita Stella
"Stella, let your daughter decide for herself. Wag monh pahirapan ang anak mo" pakiusap ni Tito Ferdie
"Hindi ko pinapahirapan ang anak ko. May karapatan ako sakanya, at kinabukasan nya ang iniintindi ko. " sagot ng Mommy nya
"I'm not going Mommy. Ayoko. Please, umalis ka na" mahinahon na sabi ni Gracie
Tumingin ng matalim ang Mommy nya sakanya makatapos ay kay Tito Ferdie
"You know what things i can do Ferdie. So prepare yourselves " sabi nito bago umalis
Niyakap ni Tita Steff si Gracie.
"Dont worry. Everything will gonna be fine" sabi ni Tita Steff dito
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako dito at marahan na ngumiti lang.
*******
Ilang linggo na ang nakalipas noong araw na sumugod ang Mommy niya. At ilang linggo na lang din ay mag bi-birthday na din ito. Inaantay ko si Gracie, naka gawian na namin ito sabay kaming uuwi sa bahay. Napangiti ako. Sa isip ko, parang mag asawa na kami na nakatira sa iisang bahay. Nababakla nanaman ako dahil nakaka kilig isipin. Sabay kami nakain, sabay papasok at sabay ding uuwi. Minsan ay namamasyal ang buong pamilya namin. Pamilya. Kasama siya. Ngumiti ulit ako.
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanficFall Inlove with the Rivero Brothers