Chapter 23

195 6 0
                                    

Ricci POV


Bago ako pumunta sa building nila Gracie ay bumili muna ako ng Milk Tea. Alam kong favorite niya ito dahil noong di pa siya masyadong maka lakad ay palagi kaming dumaan sa Milk Tea shop. Nang marating ko ang room nila ay nakita ko na hindi pa dismiss ang klase nila.


Tumayo ako sa may harap nila atska uminom ng milk tea habang hawak hawak ko sa kabila ang isa pang tea. tiningnan ko ito na busy Na busy mag jot down ng notes. Napapalingon ang iba nitong kaklase at nag ngigitian na parang kilig na kilig. Tssss. Sorry taken na yung puso ko. 

Nakita ko na kinulbit siya ng isa niyang classmate. Lumingon ito sa classmate niya at itinuro naman ako nito. Tumingin si Gracie sa gawi ko, ngumiti ako at kumaway habang hawak hawak ang milk tea nito. As usual, She rolled her eyes again and continued writing. Tumawa ako, sanay na ako sa pag irap irap nito sakin. Routine na ata nito umirap at mag rolyo ng mata. Tanging kay nanay lang talaga ito buma bait. Kapag naasa bahay kami ni Nanay ay parang anghel ito na di makabasag pinggan pero kapag kaming dalwa na lang ay puro pambabara at pag susungit ang ginagawa nito.


Uminom ulit ako, papayag kaya siya kung sakaling yayain ko ito sa Sagada? narinig ko si Casey at si Tin, sasama sila. Eto kaya sasama? Alam kong malabo pero i will try. Napatayo ako ng ayos nag makita ko nag tayuan na ang mga ito. Lumapit ako sa may pinto nila




"Hi Ricci!" bati ng ibang  classmate nito. Ngumiti lang ako sa mga ito as response



Lumawak ang ngiti ko nang si Gracie na ang palabas




"HI!!Milk Tea, for you" sabi ko dito at inilahad ang Milk Tea dito




tumingin ito sa hawak ko "Ayoko na nan. Di na malamig"




"Huh? Ayaw mo ? Sayang naman" sabi ko pero di pa rin nagbago ang ekspresyon ng muka nito





"Teka, akin na lang to. Bibili na lang ako ng bago" sabi ko at aalis na sana kaso naramdaman ko na may humila ng polo ko. Lumingon ako dito, Hawak hawak  niya ang polo ko




"Bakit?" tanong ko dito. Binitawan naman nito ang polo ko at sabay inagaw sakin ang Milk Tea na hawak ko




"Akala ko ayaw mo?" tanong ko




Itinusok na nito ang straw at ininom ang Milk Tea. Nauna na itong naglakad

Charismatic Rivero's (Ricci,  Prince, Rasheed) Where stories live. Discover now