Gracie's POV
Nang nag discharge ako ay tanging si Brent at Mark lang ang andoon. May mga pasok na kasi sila kaya hindi na nila ako napuntahan. Kahit ang makulit na si Ricci ay wala.
iInihatid nila ako sa bahay ko. Sinalubong kami ng mga Maids at dali dali akong inasikaso. Sa ngayon ay may gamit akong saklay habang hindi pa magaling ang binti ko.
Umupo ako sa sofa."Okay ka na dito? " tanong ni Brent
Tumango ako
"Titingnan tingnan ka na lang namin dito ni Brent. Sigurado ka bang kaya mo? Pwede ka naman mag excuse sa klase eh" dagdag ni Mark
Umiling ako "Okay lang ako"
Tumingin lang ang dalwa sakin.
"Pinadalhan ka daw ni Tita ng pera. Pinambayad sa bills mo sa hospital. Mag pagaling ka daw. Si Tito naman ay di makapunta dahil may inaasikaso siya sa Malaysia" imporma ni Brent
Tumango lang ulit ako. Sabi na eh. Nang umalis sila ay umakyat ako sa kwarto ko. Sinubukan akong tulungan ng Maid pero tinanggihan ko
"Baka mahulog kayo Mam" sabi nito sakin
"Okay lang ako. Kaya ko mag isa" sabi ko at dahan dahang umakyat.
Mahirap. Din pala gamitin ang saklay. Dahan dahan ako. Dumeretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
Tiningnan ko ang cellphone ko nireplyan ko ang mga text nila Tin at sinabing okay na ako.
Ngumiti ako. Okay lang ako. Parati namang okay lang. Okay lang kahit hindi... Heto ako mag isa. Ni walang anino ng mga magulang ko na nag pakita sakin. Kahit isa man lang sakanila. Pero wala. Ni hindi ko maramdaman na mahalaga ako sakanila. Hindi ko kailangan ang pera nila kailangan ko sila. Pero mukang nasanay na ata ako sa buhay ko na to. Walang magulang. Walang kapatid. Ako lang. Kinuha ko ang unan ko at niyakap ito. Kailan ko ba mararanasan na mahalaga ako? Pumikit ako at mahigpit na niyakap ang unan ko.****
Nagising ako ng maaga. Dali dali akong naligo. Maingat akong nag lakad. Nag bihis ako at nag ayos na. Nang matapos ako ay bumaba na ako sa kusina. Naamoy ko ang mabangong niluluto nila Manang. Umupo ako sa hapag kainan.
"Ate? manang? " tawag ko sa mga ito
Lumabas ang mga ito at nag handa ng mga pag kain. Ang dami atang niluto ng mga ito
"Ang dami niyo naman po atang niluto manang? " usisa ko pero ni ngitian ako nito
"Hindi ako nag luto ija" sabi nito at kinindatan ako at umalis ng kusina
Hindi siya nagluto? Kung ganon sino? Napatingin ako sa lalaking lumabas sa kusina. May hawak itong plato na nag lalaman ng pancakes.
Paano nakapasok to dito?
"Bakit ka andito? Bat ikaw nag luto? " tanong ko
Ngumiti ito at umupo sa tabi ko
"Tinulungan ako ni Brent para makumbinsi ko mga mAids niyo" sabi nito at inabot ang bacon "Kain ka na"
Pinag masdan ko siya na lagyan ang plato ko. Ano bang ginagawa ng lalaking to? Tumingin ako dito at tinaasan ng kilay
"Hoy Rivero! Sinasabi----"
YOU ARE READING
Charismatic Rivero's (Ricci, Prince, Rasheed)
FanficFall Inlove with the Rivero Brothers