Chapter 19

168 3 0
                                    

Ricci POV



Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya nag mulat ako ng mata. 




"Bro.  Kumain ka na muna" si Ahia na may dalang pagkain






Umayos ako ng upo.  Hawak hawak ko pa din ang kamay ni Gracie.  Hanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising. Stable nanaman daw siya sabi ng doctor at intayin na lang gumising.  May benda ito sa may kaliwang binti ang sabi ng doctor ay ilang linggo hindi pa masyadong makakalakad ito dahil namaga at nabalian ang paa nito. 




"Si Dihia kuya?  Okay na ba si Casey? " tanong ko dito at inabot ang pagkain na dala nito.  Medyo kumakalam na din ang tiyan ko. 




"Okay na.  Maya maya ay madidischarge na siya.  Minor bruises lang ang nakuha ni Casey at medyo masakit pa din ang katawan dahil sa pag kaka bugbog" imporma nito




Tumango tango ako. 



"Asan si Tin? " tanong ko dito at nag iwas nanaman ito ng tingin




Kagabi ko pa pansin na parang hindi nag iimikan ang dalawa. 




"LQ? " tanong ko





"Nah" tipid na sagot nito




"May problema ba Ahia?  Maybe i Can help" sabi ko at nag buntong hininga ito




"Ewan ko ba. Di ko din alam kung bakit ako nag gaganto eh" problema nga si Kuya

"Sahia you know.  Yung dating gusto niya, yung taong nang iwan sakanya.  Binalikan siya" sabi nito



"Oh?  Eh ano naman ngayon Kuya?  Ang mahalaga ay yung kayo ngayon"





"Walang Kami dba?  Nililigawan ko pa. Lang siya.  Gusto ko siyang ipagdamot pero anong karapatan ko diba? " himutok nito



Nilunok ko ang kinakain ko.  Naguguluhan si Ahia



"You know Ahia. Trust is the answer.  Mag tiwala ka sa sarili mo.  Magtiwala ka kay Tin.  Base sa nakikita ko, I know Tin already loves you.  Noong sumabak tayo kagabi kitang kita ko sa mata niya ang pag aalala sayo" saad ko





"But why she can't say it too me. Na mahal niya ko.  Atleast i know dba? "




Tumawa ako "She's waiting for a perfect timing im sure.  And wala kayo sa timing ngayon. You know,  i like Tin for you Ahia.  Kaya mag bati na kayo dahil kapag pinalayo mo yan baka makuha pa ng iba"




Sumandal ito sa couch. Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko.  Humarap ako kay Gracie na natutulog pa din.  Kalahating araw na to natutulog ah.  Iniligpit ko ang pinag kainan ko. 
Napatingin ako nang gumalaw si Gracie.  Dali dali akong umupo sa pwesto ko sa tabi nito. Dahan dahan nag mulat ito ng mata. 



"Hi" bati ko dito



Kumunot ang noo nito "Ginagawa mo dito? "




"Pag kaka gising mo nag tataray ka agad? " naka ngisi kong sabi




Nag iwas ito ng tingin




"May masakit ba?  Yung paa mo masakit ba?  Yung tiyan mo? " sunod sunod na tanong ko dito





"Tsk.  OA mo.  Nag sabi ba ko na may masakit sakin? " pagtataray ulit nito





"Ahh.  Oo nga pala.  Brent tried to call your Mom tsaka yung Dad mo.  Pero ewan ko kung na contact niya sila.  Wala pa eh" sabi ko dito


Nang tawagan kasi ni Brent ang mga magulang nito ay laging busy at cannot be reach




"Don't call them. They're not coming anyway" sabi nito at tumingin lang sa akin..  Walang emosyon ang mata nito




"Pero pano ka? Hindi maganda ang kalagayan mo ngayon" pag aalala ko dito





"Kaya ko sarili ko" tipid na sabi nito




Tiningnan ko ito at tila naiinis.  Tumayo ako at kinuha ko ang isa pang pagkain na dala ni Kuya.  Pag ka kuha ko ay umupo ako sa gilid ng kama nito. 




"Bumangon ka ng konti. Kumain ka muna" sabi ko at inaangat ko ang unan nito





"Ako na" sabi nito at inagaw ang pagkain sakin pero inilayo ko ito




"Ako na.  Steady ka lang dyan.  Kung walang mag aalaga sayo ako na lang" sabi ko at hinipan ang sabaw "Eto para mainitan yang sikmuraa mo"



Pa irap naman na kumain ito


"Hindi ko naman kailangan ng mag aalaga. Kaya ko sarili ko" matigas na sabi nito




"Kasalanan ko kung bakit ka andito kaya dapat lang na alagaan kita" sagot ko naman




"Wala kang kasalan.  Kasalanan nung dalwang addict"





Umiling ako "Bakit makikilala ka ba nila kung di dahil sakin? Sinusundan ka nga ng palihim eh"





Di umimik ito. Inirapan ako nito "Bilisan mo pag subo ng pagkain. Dada ka ng dada diyan"





Ngumiti ako.  Hindi na siya nag salita at kumain na lang. 




"Nga pala" basag ko sa katahimikan "Sabi ng doktor baka ilang linggo na hindi mo mailalakad yang kaliwang paa mo"




Umismid ito "I know"




"Huh? "



Tumingin ito sakin " Nung hinila ako ni Gael at bumagsak ako nauna yang tuhod ko kaya alam ko na magkaka bali ako"




"Ah.  Heheh.  Doctor ka nga pala no? " natatawang sabi ko




"Paano ka papasok? " tanong ko "Aabsent ka? "



Umasim ang muka nito "Absent ka dyan.  Di ako pwedeng mag skip ng matagal. Papasok ako kahit pi pilay pilay ako"



Tumango ako.  So mag sasaklay siya?  Kawawa naman mahal ko. 


Umayos ako ng upo. 




"Bukas discharge ka na" sabi ko




Humiga lang ito at tumalikod sa akin.  She's totally back.  Ang sungit nanaman. 

Charismatic Rivero's (Ricci,  Prince, Rasheed) Where stories live. Discover now