Scott's POV
Nandito ako sa pintuan ng room ni Scottie dahil yayayain ko na siya magbreakfast.
(Knock... Knock...)
"Scottie breakfast is ready! Baba ka na sa kitchen" sigaw ko sa labas ng pintuan niya. Aalis na sana ako kaso nagtaka ako bigla dahil parang sobrang tahimik sa kwarto niya. Nacurious ako kaya binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya.
Nagulat ako at naistatwa sa nakita ko.
"Mommy! Mom!" sigaw ko. The room is empty, wala si Scottie.
"What's happening?" tarantang tanong ni mommy. Mas lalo akong nagulat sa expression ng mukha niya. Relax and Calm after niyang malamang wala sa kwarto niya si Scottie. Why mom?
"Mom? Bakit di ka nagulat?" tanong ko sa kanya.
"Kuya, tinulungan ko si Scottie na tumakas. Binigyan ko siya ng pera at nilihim ko sa daddy mo na aalis siya" Mom explained everything.
"Ahhh okay po mommy" di makapaniwalang sabi ko. Dahil doon bumalik na si mommy sa pagkain, si daddy naman maaga umalis at ako heto tinatawagan si Scottie.
***
Scottie's POV
Ang aga ko nagising dahil sa Educational Trip namin ngayon. Tumulong ako kina manang poleng maghanda ng agahan, pagkatapos at nagpunta ako sa room ni Sniper.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok ako sa loob. Tulog mantika amp***. Nagdive ako sa kama katabi niya, napamulat naman siya.
"Good morning!" nakangiti kong bati.
"Bessywap, ikaw pala" bati niya. Biglaan naman siyang napabangon. Gulat ang expression ng mukha niya.
"Scottie dito ka natulog?" parang nandidiring tanong niya. Napangiti naman ako ng malawak.
"Oo di mo naaalaa magkatabi tayo" nakangiting sagot ko. Huli ka balbon!
"Di nga Scottie? Lah no!" di na niya natapos ang pageemote ng napahagalpak ako ng tawa.
"Bwahahahaha!!! Grabe nakita mo sana itsura mo, namumutla na para bang sinasabing 'ayaw ko pang maging tatay' hahahaha!!!" pang-asar ko kaya naman binato niya ko ng unan syempre gumanti ako.
"Btw di ba may Trip tayo?" tanong niya.
"Oo nga pala bilisan mo na diyan" sigaw ko habang papalabas ng room niya. Bigla naman nagring phone ko.
(Scott calling...)
"Hello" bati ko.
"Nasaan ka? Okay ka lang ba? Nag-aalala ako sayo" he said.
"Alam naman ni mommy huh? Okay ako, dito ako natulog kina Sniper. Papunta na kami ngayon sa Trip and I don't need your concern" at binabaan ko siya ng telepono. Yes! I'm rude.
Sa tuwing naaalala ko si Scott kumukulo ang dugo ko, lagi na lang siya. Siya magaling, siya may kwenta lahat na EDI WOW!
Agad na kaming nag-ayos ni Sniper at nagtungo sa Cassa High. Sa Cassa kami nag-antayan tapos ay sumakay kami sa arkiladong bus papuntang Pampanga. Doon ang destination.
[Sa Pampanga...]
Nandito kami ngayon sa isang malaking gym sa Pampanga. Kasama namin ang mga sikat na PBA basketball player gaya nila PJ Simon, Arwin Santos, Mark Pingris, L.A Tenorio, Terence Romeo at pinaka nakapagpangiti sakin ngayon. Ang idol kong si James Yap, OMG! Ang pogi niya, matangkad, maskuldo, maputi tsaka approachable.
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Teen FictionThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.