Strike's POV
Ilang gabi ng late umuwi si Scottie. Alam kong may part time job siya pero hindi ko din alam. Tapos one time nakita kong hinatid siya ng isang lalaking nakakotse. Siguro manliligaw niya. Hindi ko naman na siya pinakialaman simula nung nag away kaming dalawa. Sa school di ko na din siya kinakausap. Mas okay na siguro to besides bakit ba ko na involved sa kanya?
[Sa school...]
Maaga na kong pumapasok ngayon kasi ayoko siyang makasabay. Nakaupo lang ako ngayon at kagaya ng lagi kong ginagawa nagbabasa lang ako ng libro. Libangan ko habang wala pang teacher. Unti- unti namang nagsisidatingan mga classmates ko. Ilang minuto ang lumipas ng marinig kong dumating na ang tropa nila Scottie.
"Oy ano g mamaya?" tanong ni Joycean.
"Oo naman galang gala na ko e hahahaha" sagot ni Lacey.
"Scottie?" tawag ni Kate at lumingon naman ito. "Sumama ka naman samin. Nakakatampo ka na ah. Lagi ka na lang wala sa mga lakad" sambit ni Kate. Umikot naman si Scottie para humarap sa kanila.
"Ehh kasi naman nag part time job ako para makaipon, kaya ayun busy. Kung gusto niyo sa work place ko na lang kayo tumambay para kasama ko pa rin kayo. Tsaka may papakilala ako sa inyo" sambit niya na animoy kinikilig.
"Oh? Sino naman yan?" - Lacey.
"Basta makikilala niyo mamaya. Nakilala ko lang sa restaurant tapos may date kami mamaya" sagot ulit ni Scottie. Sinipa ko naman ang table ko para kusang umingay. Nahalata naman nila yun kaya nagsiayos na sila ng upo.
Nagdiscuss naman samin si ma'am Soquila ng Sports benefits (sa kalusugan or katawan, kabuhayan at life style).
After ng klase namin ay break time. Lumabas na lahat ng mga kaklase ko at hinanap ko naman sila Scottie. Sakto naglalakad sila sa hallway papuntang Cafeteria. "Joycean" tawag ko dito. Tumigil naman silang 4 at lumingon sakin. Tumakbo ako papalapit sa kanila tsaka sinabing "pwede ko bang mahiram saglit si Joycean?" nagkatitigan lang sila tsaka tumango. Hinawakan ko naman ang kamay nito tsaka siya hinila papuntang field."Strike bakit ba?" tanong niya.
"Ahh... gusto ko lang sanang sumama mamaya sa lakad niyo, kung okay lang hehe" kamot ulo kong sagot.
"Oo naman ikaw pa HAHAHA akala ko kung ano e. Tara na sa cafeteria" yaya niya sakin. Naglakad na kaming pabalik at nakita ko agad na nasa table na sila Scottie at kumakain. Umorder naman kami ni Joycean. "Ahh ako na magbubuhat" sabi ko sa kanya tsaka kinuha yung tray ng pagkain namin. Nang makarating sa table ay pinatong ko ang tray tsaka hinila ang isang upuan at pinaupo si Joycean bago ako umupo sa tabi nito.
"Eheeeem... Meron ba kaming hindi nalalaman?" tanong ni Kate. Nakita ko naman na napatingin din si Scottie kaya ngumiti lang ako. "Ikaw Strike ahh. Ayiiiieeee" pang aasar nila ni Lacey. Natawa lang ako sa kanila at kumain na.
[Sa restaurant...]
Scottie's POV
It was 4:00 pm and we're on our way to the Délicieuses spécialités. Si Joycean, Kate, Lacey, Ako at si Strike. Oo sumama siya kaya medyo nagduda ako. Hindi ko alam kung bakit pero okay lang kasama na naman siya sa tropa namin."Diyan muna kayo ahh magpapalit lang ako ng uniform" pagpapaalam ko sa kanila tsaka pumasok sa locker room. Nagmadali akong magpalit ng polo shirt at pants na uniform dito sa restaurant.
Paglabas ko ay nakita ko sila sa table 23 at magkatabi si Strike at Joycean, katapat naman nila sina Kate at Lacey. Lumapit ako sa kanila, "Anong order niyo? Nandiyan sa table yung menu". Tumingin naman sila sa menu at namili. "3 Scotland Edinburgh, 1 Tiramisu cake, 4 French onion pasta, 3 milkshake and 1 lemonade" sagot ni Strike. "Okay got it" bago pa man ako tuluyang makalayo ay narinig kong pinuri ni Joycean si Strike. "Ang galing mo naman".
"3 Scotland Edinburgh, 1 Tiramisu cake, 4 French onion pasta, 3 milkshake and 1 lemonade" sabi ko sabay abot ng mga pagkain nila. "Maya na lang ahh" pahabol ko. Hinayaan ko muna sila doon at nagtrabaho muna ako. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila kasi mukang ang saya saya nila. Hays! Magtatrabaho na lang ako. Ginugol ko ang oras ko sa pag seserve ng mga orders hanggang sa umingay sa restaurant.
Wala masyadong tao ngayon dahil medyo maaga pa. Bukod sa mga tropa ko, isang couple lang ang costumer namin. "Ayan na si sir pogi..." tatakbong sigaw ni Bianca. Napalingon naman lahat sa kanya at biglang bumukas ang pinto. Niluwa naman noon ang taong inaasahan ko... si Ares. Nakasuot siya ng plain white shirt, black sweat shorts at black low cut vans. Napakagwapo naman lalo pa at bumagay sa kanya ang messy hair niya. Napangiti ako sa kanya at ganun din siya sakin. Tuluyan naman siyang dumiretsyo sa upuan.
Unti unti akong naglakad papalapit sa kanya at hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti. "Good afternoon sir!" bati ko dito at tumango naman siya. "Ares not sir, mamaya na ako oorder. Btw, don't forget our date later" sabay ngiti. "Okay Ares" dahan-dahan akong tumalikod at pumunta sa table nila Kate.
"Paupo saglit ahhhh!!!" mahinang tili ko.
"Girl, siya na ba? Yung sinasabi mong kaibigan? Bakit may date?" pang aasar ni Lacey.
Isang malawak na ngiti naman ang pinakawalan ko. "Shhhh... oo siya yun. Regular costumer siya at araw-araw niya kong hinahatid pauwi. Nagfriendly date na din kami nung nakaraan" di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong tawagin ni Risell.
Strike's POV
Pasado alas 8 na. Umuwi na pala sina Kate at Lacey, nagpaiwan naman kami ni Joycean. Sa totoo lang gusto ko kasing makita si Scottie habang kasama yung mukhang fuckboy na lalaki sa kabilang table. Naiinis ako lalo na kanina nung pumasok dito yung lalaki at ngiting ngiti pa silang dalawa. Alam kong mali na gamitin si Joycean pero niyaya ko talaga siyang magdate para dito.
"Hiiii! Sorry antagal mo nag antay" rinig kong sambit ni Scottie.
"No, that's okay. Come here, sit down" at inaya naman niya si Scottie paupo sa harapan niya. Masaya silang nag uusap sa kabilang table kaya naman ginawa ko ang lahat para agawin ang attention nila.
"Joycean, come closer try this" akmang isusubo ko na sa kanya yung cake ng biglang magsalita si Scottie.
"Nandito pa pala kayo?" binaba ko naman ang tinidor ko at lumingon sa kanya. "Oo niyaya kasi ako nitong si Strike magdate" nabigla ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Joycean tsaka lumipat kay Scottie na kasalukuyang nakatingin din sakin. "Well, aalis na din kami" sabay tayo ko at inaya si Joycean. "Nga pala umuwi ka agad" sambit ko dahilan para magkatinginan si Scottie at yung kadate niya.
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Fiksi RemajaThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.