Scottie's POV
Nasa hospital kami at naghihintay sa operation ni Kuya. Balisa pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko maintindihan, masyadong mabilis. Si Ares, si Daddy tapos ngayon si Scott. Tanginaaa! Anong nagawa ko?"Are you okay?" rinig kong tanong niya. Hindi ko man siya lingunin ay kilala ko na agad kung kaninong boses yun.
"I'm not. Strike? Kasalanan ko lahat" nakayukong sabi ko at dun na bumagsak ang mga luha ko. Ramdam ko naman ang yakap niya kung kaya't niyakap ko rin siya pabalik.
"Excuse me? Kayo ba ang Pamilya ni Scott?" tumango naman kami. "After his successful surgery, I'm glad to say that he is now stable. Maya maya lang ay dadalhin na siya sa kwarto niya. Excuse me" napangiti naman kaming lahat sa balita ni Doc.
"Ahh... Tito?" napalingon kami kay Strike. "Kasi po magpapaalam po sana ako. Ihahatid ko po si Joycean kasi gabi na rin. Iuuwi ko rin po sana si Scottie para makakuha ng kailangan niyo, para din po malaman na ni Tita".
"Mabuti pa nga hijo. Ingatan mo silang dalawa. Salamat nga pala sa inyong dalawa" baling niya kay Joycean at Strike. Wala ako sa sariling naglakad, kusa naman akong sumama kay Strike.
Nang makarating kami sa parking lot ay nakiusap si Strike kay Joycean. "Joycean? Sa likod ka na lang pwede?" nagtanguan naman silang dalawa at pinasakay na ako ni Strike sa passenger seat/ shotgun seat next to him.
Buong byahe kaming walang imik dahil na sa mga nangyari. Nang makarating naman kami sa bahay nila Joycean ay agad bumaba si Strike para magpaalam sa kanya. Nagpaiwan naman ako sa kotse. Binaba ko lang ang window sabay sabing "Joycean, Thank you so much". Ngumiti siya sakin at sinara ko na ulit ito. Ilang saglit pa ay pumasok na si Strike at umalis na kami.
"Wag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto sa nangyari at hindi mo rin alam na ganun si Ares, okay" out of nowhere sinabi yun sakin ni Strike.
"No. Kasalanan ko lahat. Kung hindi ako nagpauto kay Ares di mangyayari to. I'm such a stupid motherfucker! A disgrace to my family! Sana ako na lang yung nabaril... Kahit hindi sabihin ni Daddy alam kong ako ang sinisisi niya sa lahat" nakayukong sabi ko. Pumikit na lang ako at sumandal para isipin niyang matutulog na ako.
[Sa bahay...]
"Anaaaaaak!" tatakbong salubong sakin ni mommy sabay yakap ng mahigpit. "Ang kapatid at daddy mo?" nagkatinginan naman kami ni Strike.
"Kasi mommy... Okay naman po sila pero nasa hospital si Scott kasi may tama siya ng baril" nakayukong sabi ko. Wala akong mukhang maiharap sa kanilang lahat.
Nanlumo naman si mommy sa narinig niya. Agad siyang inalalayan si Strike at inupo sa sofa. "Mommy sorry po" sabay iyak ko ng sobra.
"That's okay anak, hindi mo kasalanan. Btw, kumain na ba kayo?" tanong nito. "Hindi po ako gutom. Magpapahinga lang po ako" pagpapaalam ko sa kanila at dumiretsyo na sa kwarto ko.
Namiss ko to sobra. Yung dating takbuhan ko pag may problema, yung dating takbuhan ko ng sama ng loob... tinakbuhan at iniwan ko din.
Sinabi ko sa kanila na magpapahinga ako pero ang totoo ay gusto kong umiyak ng walang ibang nakakakita. Sinisisi ko na naman ang sarili ko sa lahat.Lumapit ako sa side table ng kama ko at pinagmasdan ang mga pictures doon. Kinuha ko ang picture frame na may family photo namin, "ang saya sana natin no?". Pinunasan ko naman ang ilang patak ng luha na umaagos sa pisngi ko. Naupo ako sa sahig at sumandal sa kama. Bahagya kong niyakap ang mga tuhod ko at sa puntong iyon ay kumawala na lahat ng mga luha at sakit na meron ako.
Strike's POV
Kasalukuyan akong kumakain ngayon dahil buong araw akong walang kain. Nakakapagod pa sobra. Ang daming nangyari. Pinagluto ako ni Tita Brigitte. Bukod sa masarap siyang magluto ay mabait at cute din siya. Nakakatuwa nga e napakakwento niya.
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Teen FictionThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.