Her darkest secret

1.7K 62 0
                                    

I was busy preparing our breakfast when he suddenly came up to me.

"Hey! Anong oras na di ka pa naliligo? Monday ngayon di ba? Bakit di mo ko ginising? Hays!" tarantang usal niya.

Bahagya naman akong natawa sa inasal niya. "HAHA relax. Nagpaalam na ko sa school and also sa workplace mo" sabay kindat sa kanya at inupo siya sa harap ng mesa. "Let's eat" aya ko sa kanya.

"Thank you sa pag aalaga. Magaling na ko sana pumasok na tayo" sambit niya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo no? Syempre pag nabigla katawan mo magkakasakit ka ulit tapos ano papaalaga ka ulit sakin? Tss" diretsyong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nakita ko naman ang lungkot dito kaya yumuko na lang ako. "I'm sorry" tipid kong sabi tsaka tuluyang kumain. Naging sobrang tahimik ng pagkain namin at tanging tunog ng pinggan, kutsara at tinidor lang ang maririnig mo. Nang matapos kaming kumain ay naghugas ako ng pinagkainan ,samantalang nagpahinga lang siya at nanuod ng TV.


***


Umupo ako sa katabing couch na inuupuan niya. "Owww nice game! Golden State Warriors vs. Toronto Raptors" masiglang sambit ko.

"Tss!" usal niya tsaka nilipat sa ibang channel. "Ano ba? Nanunuod ako, ganda ganda ng palabas e" inis ko naman inagaw yung remote sa kanya. Nagpumilit siya at tumayo pa sa sofa 'akala ata di ko maaabot e mas matangkad ako sa kanya haha'. Hinablot ko naman ito at sa hindi inaasahang pagkakataon ay natumba siya sa akin. Tila ay may kung anong bumabalot sa mga mata niya at nabihag ako nito, pero bago pa man lumalim agad kong binasag ang sandaling iyon. "Para-paraan ka din para mahawakan chest ko ahh. Magsabi ka lang kasi papahawak naman e HAHAHAHA" sabay ngisi ko. Bumalik ako sa pagkakaupo ko kanina at binalik sa laro ng NBA.

"Sinong favorite basketball player mo sa NBA?" tanong niya. Nilingon ko naman siya tsaka sumagot ng "Kobe Bryant and Michael Jordan". Ngumanga naman siya na tila bay namamangha. "How about you?" tanong ko habang nakafocus sa laban. "Hmm. Kyrie Irving" she answered.

Sobrang dikit ng laban hanggang sa 4th quarter at 0.9 na lang ang oras, official score 112 (Raptors) at 110 (Warriors). Kawhi Leonard hit the ball with matching foul. The crowd started to get wild and scream. After 2 straight free throw, Stephen Curry steals the ball and try to shoot but he failed. 'Engk! Enk!' end game.

Pagkatapos noon ay nagkanya - kanya na kami ng gagawin. Ako ay umakyat sa kwarto ko at nagpahinga dahil magdamag ko siyang binantayan. Madami din akong aayusin about sa taping ko.

 

***


Medyo napasarap yung tulog ko kaya di na ko nakakain ng lunch at 4:30 pm na ko nagising. Nang lumabas ako sa room ay nakita ko lang si Scottie na naglilinis. "Baka mabinat ka" saway ko dito pero okay lang naman daw siya kaya hinayaan ko na. I went to the living room and just got my phone, visited my social media accounts.

Hindi ko naman namalayan ang oras. Tinawag na lang ako ni Scottie at sinabing kakain na ng dinner. 'Hmmm sa bagay 7 o'clock na pala' tumayo na ako at dumiretsyo sa kusina para kumain. "Looks great" walang emosyon kong bati sa mga pagkaing niluto niya.

Nang magsimula kaming kumain ay di ko napigilang magpayo sa kanya. "I don't think it's a good idea for you to continue your part-time job".

"Excuse me?" taas kilay niyang tanong.

Tumigil naman ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "Bakit ka ba pumasok diyan? Hindi mo naman kailangang gawin yan ah. Di pa ba sapat yung binibigay ko sayo?" di ko naman napigilang tumaas ang boses ko.

"Oo sobra sobra na yung binibigay mo saking tulong...."

Di ko siya pinatapos, "Ayun naman pala e. So bakit mo pa nga kailangang gawin yun?".

"Dahil yun lang ang magagawa ko para magsurvive. Yun lang ang magagawa ko para masabi ko sa sarili kong kaya ko. Hindi naman ako habang buhay dapat umasa sayo. Ni hindi nga kita kaano ano e. Pabigat lang ako sayo, wag kang mag alala babayadan ko lahat soon" sigaw niya sakin.

"Oo nga pala di kita kaano-ano HAHA. Babayadan? Di ako tumatanggap ng bayad sa tulong" kalmadong usal ko pero mababakas ang galit dito. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at iniwan siya.

Kumuha ako ng 5 bottles of beer sa fridge at naglakad pagtungo sa pool para magpakalma. Nang makarating sa pool ay binaba ko ang beer sa sahig. Dali-dali akong nagtanggal ng t-shirt at tumalon sa tubig. "Woaaah! F*ck!" inis kong sigaw. Umupo ako sa tabi ng pool at nagbukas ng beer. Laklak kung laklak. 'Bakit ba ko naiinis? Hindi ko din alam pero T*nginang yan! Magpapakalasing na lang ako dito'.


***


"Wooaaaahh! T*nginang buhay to umiikot paligid ko HAHA" bulong ko sa sarili ko habang pinipilit lumakad ng ayos pabalik ng bahay. Pagbukas ko ng backdoor ay sarado na ang ilaw sa buong bahay at tanging sa hallway na lang ng hagdan meron. Pinilit kong maglakad kahit pa madami akong bagay na nababangga. Tumaas ako sa second floor at matutulog na sana ng biglang "hmmm.. sino yun?" tumingin tingin ako sa paligid pero walang tao. "Hay naku lasing ata ako kung ano anong naririnig ko HAHA". Nagpatuloy ako sa paglalakad pero natigilan ako nang mapadaan sa room ni Scottie. " Siya ba yung umiiyak kanina pa?" tanong ko sa sarili ko pero nagkibit balikat lang din ako. Lumapit ako sa pinto at maingat na binuksan ito ng bahagya. Nang sapat na ang pagkakabukas nito ay nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nahagip naman nito ang isang familiar na babaeng nakatalikod at umiiyak. 'Bakit kaya?' "M-mom? I miss you so much... Okay lang po ako p-pero medyo masama pakiramdam ko e... pwede po ba kayong kumanta?" usal niya. Nagtataka ako kung sinong kausap niya pero narinig ko naman na ang isang napakagandang boses na kumakanta.

"Lately I've been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight
People say that I'm amazing
I'm strong beyond my years
But they don't see inside of me
I'm hiding all the tears
They don't know that I come running home when I fall down. They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
'Coz deep inside this armor
The warrior is a child
Unafraid because His arrow is the best
But even soldiers need a quiet place to rest
People say that I'm amazing
I never face retreat, oh no
But they don't see the enemies

That lay me at His feet

They don't know that I come running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
'Coz deep inside this armor
The warrior is a child
(Aahhh)
They don't know that I come running home when I fall down
They don't know who picks me up when no one is around

I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
'Coz deep inside this armor
The warrior is a child
(Aahhh)"

WARRIOR IS A CHILD
https://youtu.be/Hg0vP0FkSqs (kung malungkot kayo pakinggan nito lang po ito)

©Volume Access Music Center & Berlyn

After that, I closed the door and go to my room.

'Hindi madaling ipakita sa iba na masaya ka lalo na't sobrang nasasaktan ka na. Pero mas mahirap ipakita sa kanilang durog na durog at sumusuko ka na. Just like Scottie's situation right now and that is her darkest secret.

My Dream is my Enemy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon