Scottie's POV
Halos 2 weeks na kaming magkakilala ni Ares at may lakad kami mamaya. Btw, Sunday ngayon at day off ko. Maglalaro kami sa court malapit dito sa village namin. Si Strike naman ay tuluyan ng umiwas sakin. Nakakapanibago pero okay na siguro yun lalo pa't may Joycean na siya, mukhang nagkakamabutihan na sila e.Binuksan ko ang speaker at pinatugtog ang phone ko. 'Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad'. Masaya naman akong nagprepare ng kakainin namin. Kinuha ko ang kawali at sandok. Sinunod ko naman ang lahat ng ingredients kagaya ng oil, garlic, pepper, salt, sugar, soy sauce, vinegar, and pork. Binuksan ko ang gas stove and
I put a little bit amount of cooking oil in the pan. Sinunuod kong ilagay yung hiniwa kong bawang, after that is the pork. Hinalo ko ito hanggang sa maluto at tsaka nilagay ang soy sauce, pepper, a little bit of salt and sugar and vinegar. Nag antay lang ako ng ilang minuto bago ito naluto tsaka niyaya si Strike kumain."Strike!! Kain na!" sigaw ko dito, maya maya pa ay lumapit na siya dito at kumain.
"Hmmm... May lakad ka ba ngayon?" tanong niya sakin.
"Yes. Mamayang 2:30 ng hapon, why?".
"Nevermind" tipid niyang sagot at nagpatuloy sa pagkain. Napakunot naman ang noo ko sa inasal niya. Ano kaya yun? Kumain na lang din ako.
(After a few minutes...)
'Knock! Knock!' katok sa pintuan ko. Agad ko itong binuksan at nakita si Strike na pakamot kamot sa batok niya. "Ehem" taas kilay kong tanong sa kanya. "Pwede bang bumaba ka saglit?" di pa ko nakakasagot ay umalis na siya. Nagtataka naman akong bumaba. Pagdating ko sa sala ay nakita ko ang isang nakatalikod na lalaki, pero kahit hindi siya nakaharap ay kilalang kilala ko siya.
"S-scott?" utal kong tawag sa kanya. Dahan dahan naman siyang humarap at tama nga. Automatic namang tumaas ang kilay ko dahil dito.
"Mag usap lang kayo aalis muna ako", hindi pa nakakahakbang si Strike ay nagsalita na ako "No. Stay here". Umupo ako sa sofa katabi si Strike at nasa left side ko naman si Kuya.
"Thanks God at maayos ang lagay mo. You know what, miss na miss ka na ni mommy. Buti na lang pala at tumawag ka sa kanya nung nakaraan. Sorry sa lahat bunso" tuloy tuloy niyang sambit. Nanatili naman akong nakayuko para hindi nila mapansin ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko.
"Hmm.. okay naman ako dito. Actually dahil yun sa tulong ni Strike. Paki sabi na lang kay mom na miss na miss ko na siya" walang emotion kong sagot.
"Ahhh... Eto nga pala" sabay patong ng sobre sa center table. Tumingin lang ako dito tsaka diretsyong tumingin sa mga mata niya. "Tulong yan para sa mga gastusin mo. Para kahit papano may magagamit ka. Scottie umuwi ka na, please, welcome ka naman lagi sa Pamilya natin e" kitang kita ko naman ang mga luhang tumulo sa mga mata niya. Nasasaktan ako pero gusto kong magmatigas, kailangan ko.
Tumayo ako tsaka nagsalita, "Yun lang ba pinunta mo dito? Makakaalis ka na, isama mo na din yang pera mo".
"Pero.."
"Hanggang ngayon ba ang tingin niyo sakin ay mahina at pabigat? Kaya ko na ang sarili ko! Mabubuhay ako ng wala kayo! Umalis ka na!" sigaw ko kasabay ng mga luhang tuluyan ng kumawala sa mga mata ko. Tatakbo akong bumalik sa kwarto ko. Umiyak lang ako ng umiyak, yun lang naman ang alam ko e.
"Scottie?" tawag ni Strike sa pintuan.
"Pasok" sigaw ko dito.
"Sorry sa ginawa ko, pero mali yung ginawa mo sa katapid mo" sa puntong iyon ay tumingin ako ng masama sa kanya.
"Hah! Wow... At sino ka? para sabihin sakin kung ano ang tama at mali. Kung ano ang dapat kong gawin" inis na sagot ko sa kanya.
"Look, ang point ko dito is matuto kang magpatawad. Kapatid mo yun Scottie. Sakin okay lang naman kahit anong sabihin mo kasi di naman kita kaano ano e. Pero siya, kapatid mo siya".
"Hindi ganun kadali yun".
"No. Madali lang naman ang magpatawad lalo na kung mahal mo. Sadyang mataas lang yang pride mo at yang tingin mo sa sarili mo. Bato ang puso mo, bato" seryosong sabi niya tsaka umalis ng room ko. Natauhan naman ako sa sinabi niya pero ang hirap pa rin.
***
"Ohh, iniisip mo pa rin ba yung kanina?" tanong sakin ni Ares.
"Oo e. Nakakainis lang, hays!" malungkot na sagot ko.
"HAHA tama na nga baka mamaya umiyak ka na e. Tara na!" hinila naman niya ako sa court at natawa lang ako sa kanya. Parang bata HAHAHA.
"Oh" sigaw niya sabay pasa sakin ng bola. Binigay ko muna ulit ito sa kanya tsaka niya binalik sakin. Nakaharap ako sa ring samantalang nakabantay siya sakin. Ngumiti lang ako tsaka lumusot sa kanya at naglay up.
Ginawa ko naman sa kanya ang kaninang ginawa niya sakin at ako ang nagbabantay sa kanya ngayon. "Di mo ko kaya" sabi niya pero bago niya maiangat ang bola ay inagaw ko ito. "Wag puro salita Ares HAHAHA" sabay takbo ko at tumira.
"2-0" sambit ko bago dumila sa kanya.
"Babawi ako akala mo ah" sagot niya.
Nagpatuloy lang kami sa ganun hanggang sa mapagod kaming dalawa.
"Pano ba yan talo ka HAHAHAHA 36-28. Libre mo" pagmamayabang ko dito.
"Sige dinner tayo, place ko" napahinto ako sa sinabi niya. "Wait, what do you mean?" takang tanong ko. "Kasi lagi na lang tayo sa place mo e kaya this time sa sarili kong restaurant naman" napatango naman ako sa sinabi niya.
[Sa restaurant niya...]
It's around 6 o'clock in the evening when we arrived at his restaurant. Wow! Napakaganda naman at napakalaki. Kung modern ang style nung samin, sa kanya ay makaluma naman. Lakas maka throwback girl.
Hinawakan niya ang kamay ko papasok ng restaurant at may dalawang babae agad na nag assist samin at sumakay kami sa elevator.
"Teka, Ares?" lumingon naman siya sakin. "Saan tayo pupunta?" imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya.
Nang bumukas ang elevator ay bumungad samin ang napakagandang lugar. Rooftop ito ng restaurant pero may mga ayos kagaya ng rose petals sa sahig, christmas lights, table at 2 chairs in the middle.
"Sobrang ganda naman dito" mangha kong sambit. Binitawan ko ang kamay niya at tatakbong naglibot sa buong rooftop. Woooow!
"Buti naman at nagustuhan mo" sambit niya sabay yakap sakin mula sa likuran ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Shit! Stop! "Hehe, let's go".
Naglakad kami papalapit sa table. "Sit down" utos niya sakin at inalalayan naman niya ako. Umupo na din siya sa upuan sa harapan ko. "Lynne" tawag niya sa isang babae at dinala naman nito ang mga pagkain at wine. "Enjoy your dinner!" bati ng babae bago umalis.
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Teen FictionThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.