Scottie's POV
Saturday ngayon and nandito ako sa bahay. Kahit weekends ngayon e busy kasi naglilinis ako ng bahay katulong si Angelique at Lizette (pinsan ko). Birthday bukas ni Scott. Busy si mommy sa pagluluto katulong si manang Medeng at manang Susan. Si daddy naman abala sa laptop kasi may inaayos siyang case ng client niya."Woaahh! Kaya mo to Scottie!" bulong ko sa sarili.
Nagsimula na kaming maglinis sa salas. Nagwawalis si Angelique, ako naman e nagpapalit ng curtains at si Lizette ay nagdedecorate.
(Ilang minuto ang lumipas...)
Sinunod kong linisin ang kwarto ko. Dahil mayaman kami at maganda ang bahay namin konti na lang ang lilinisin. Sinunod ko naman ang paglilinis sa kwarto nila daddy. Ang gulo, nagkalat ang files ni daddy about sa mga case niya. Inuna kong iayos yung mga papers na nakakalat, pinagsama-sama ko sa isang folder. Next is ang bedsheet, punda ng unan at kumot. Bago inayos ko ang laptop ni daddy na naka patong sa study table niya.
"Hayss! Hinayaang nakabukas, di man lang pinatay at inayos" dismayang sabi ko sa sarili.
Nakabukas sa laptop ang isang file ni daddy na tinatype. Kinalikot ko naman ito at napansin ko ang ilang pictures niya sa Batangas noong umuwi siya sa Province nila Lola. Nagulat ako at parang gumuho ang mundo ko ng makita ang picture ni daddy na nakahiga sa kama at putol ang kaliwang paa niya. Omg! Di ko namalayang pumapatak na pala ang
mga luha ko sa mata.Namalayan ko naman na may taong papasok sa pinto kaya dali-dali kong pinatay yung laptop at nagtago ako sa cabinet nila. Hindi ako makahinga sa kaba dahil baka mahuli ako ni daddy.
Pumasok siya sa kwarto at naupo sa chair na nasa harap ng study table."Oh no! Bakit nakapatay to? Pinatay ko ba?" tanong niya sa sarili habang binubuksan yung laptop. "No, no, no!!! Nawala yung file, di pa siya nakasave" galit na sigaw ni daddy habang nakahawak sa ulo niya.
Dahil doon napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba, naguguilty ako. Patay! Pano to! I need to do something. Scottie ang tanga mo kasi!
Namalayan kong lumabas na si daddy ng kwarto kaya dali-dali akong lumabas ng cabinet, sinilip ko kung may tao sa labas bago ako tuluyang umalis ng kwarto. Tatakbo akong pumasok ng kwarto ko at nahiga sa kama ko para hindi ako paghinalaan.Ilang segundo ang lumipas ng kumatok si daddy sa pinto ng kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung pintuan.
"Y-yes dy?" utal kong tanong.
"Nasaan ka kanina?" diretsyo niyang tanong sakin habang nakikita ko ang galit sa mga mata niya.
"Po? Nandito sa k-kwarto" painosenteng sagot ko, hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako.
"Bumaba ka ngayon din" utos niya sabay umalis. Patay ka na Scottie! Anong gagawin ko? Kinakabahan na ko. Omg!
Pagkababa ko nakita kong nakaupo si mommy at kuya sa sofa. Si manang Medeng at manang Susan naman ay nakatayo malapit sa dingding, ganoon din si Angelique at Lizette. Dahan - dahan akong pumunta sa tabi ni kuya. Umupo ako habang magkahawak ang nanginginig kong kamay. Nakayuko lang kaming lahat.
"Nasaan kayo kanina? Noong panahong nasa garden ako dahil katawagan ko yung client ko?" diretsyong tanong ni daddy samin.
"Nasa kitchen kami nila manang Medeng at manang Susan. Honey ano ba kasi problema?" -mommy.
"Nasa kwarto po ako" sagot ni kuya.
"Nasa taas po kami tito" sagot ni Lizette sabay turo kay Angelique.
"Ikaw Scottie?" seryosong tanong ni daddy. Napatingin naman ako sa kanya. "Nasa kwarto po, di ba po tinawag niyo pa ko?" sagot ko.
"E kung lahat kayo wala sa kwarto namin, sino ang nag shut down noong laptop? Nabura yung files ko!" sigaw ni daddy.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko, di ako makahinga. Napahawak ako sa mga tuhod ko na ngayon at nanginginig. Nakayuko lang ako nangbiglang hawakan ni kuya ang right hand ko. Napatingin ako sa kanya na nagsalita ngayon.
"A-ako po daddy ang may kasalanan" diretsyong sabi ni kuya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Maaaring napansin niya ang panginginig ko kaya alam na niya na ako ang may kasalanan. Bakit niya inako? Bakit Kuya Scott?
"Anong karapatan mong pakialaman ang gamit ko? Lumayas ka ngayon din, di kita pinalaki para maging walang kwentang anak!!" sigaw ni Daddy.
Hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako at nagsalita "A-ako po ang may kasalanan" nakayukong sabi ko.
"Anong kalokohan to?" tanong niya.
"Ako po talaga ang may kasalanan hindi si Scott. Di ko po sinasadya, naglilinis lang po ako sa kwarto niyo para sa birthday ni Scott bukas kaso aksidente ko pong nasara yung laptop".
"Hindi ka talaga nagiisip, Irresponsible! Lumayas ka puro problema ang dala mo sa Pamilyang to!"
Nilapitan ni Mommy si Daddy para pakalmahin "Honey wag naman ganun, nagkamali siya pero hindi dapat ganito".
"NO! I DON'T WANT TO SEE THAT FUCKING CHILD ANYMORE!" sigaw niya na ikinagulat ng lahat.
Ang sakit sakit. Bakit ganito ang buhay na meron ako? Shit! Gusto ko lang naman ng simpleng buhay, yung mayroong Pamilyang nagmamahalan kahit hindi mayaman. Tangina lang!
Papaalis na sana si Daddy ng magsalita ako "Oo... Kasalanan ko, nagkamali ako pero hindi ibig sabihin noon masama na akong anak. Ikaw? Kelan ka naging mabuting ama?"
"Wala kang modo!" Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.
"Buong buhay ko puro sakit, lalayas talaga ako kung yan ang magpapasaya sayo... Sa inyo!" Agad agad akong umakyat sa kwarto at nag impake.
***
It's around 8:30 pm at naglalakad pa rin ako sa labas ng village namin. Saan kaya ako pupunta nito? Nasa ibang lugar naman mga relatives namin. Hays!
"Kaya mo to Scottie! Kahit kelan di ka sumuko! Cheer up! Papatunayan ko sa inyong kaya ko!" sambit ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay umiiyak pa din at litong lito.
"Gutom na ko at wala man lang akong pera, Hays!" bigla na lang nanlabo ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Teen FictionThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.