Ares Ezekiel Vasquez

1.6K 59 0
                                    

After class ay dumiretsyo na ako sa 'Délicieuses spécialités'. Kahit ayaw ni Strike ay tinuloy ko pa din ang pagpa part time ko. Kailangan kong mag ipon para sa future at para din makabawi na ko sa kanya.

"Hoy babaita namiss ka namin!" bungad sakin ni Xai. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Don't worry manager nandito na po ako" nakangiting sagot ko. Agad akong nagpalit ng uniform tsaka nag serve sa mga costumer.

"Scottie?" tawag sakin ni Nathan. Agad ko naman siyang nilingon at sumagot ng "Why? Ano yun?". "Kasi may lalaking costumer dun sa table 8 gusto daw niya ikaw mag assist. May ginagawa ka pa ba?" pasimple ko namang sinilip ang costumer sa table 8. 'Hmmm... gwapo pwede na HAHA charot. Isang gwapong lalaki na siguro kaedad ko lang. Nakabagsak ang brown na buhok niya, maputi siya, matangos ang ilong at mukang mayaman'.

Lumapit ako dito at bumati, "Good afternoon sir! Welcome to 'Délicieuses spécialités'. Can I get your order?". He just looked at me and smile. "Sir?" tawag ko dito. "Oww, sorry. Just 1 cinnamon sugar waffle pretzel and 1 ice tea". "Okay sir, got it" pagpapaalam ko sa kanya. Binigay ko naman sa counter yung list at inantay yung order. Ilang saglit pa ay dinala ko na ito sa table 8. "1 cinnamon sugar waffle pretzel and 1 ice tea. Enjoy your meal sir!" isang matamis na ngiti naman ang iniwan ko sa kanya bago umalis. Nagpatuloy lang ako sa pagseserve sa iba pang costumers.


(After a few minutes...)


"Waiter!" tawag ulit nung costumer sa table 8. Agad naman akong napalingon at ako lang ang available. Nilapitan ko siya, "Yes sir? How may I help you?". "You know what, regular costumer niyo ko. Palagi kitang nakikita dito at alam mo yung nakakatawa? You caught my attention. Pwede bang makipagkilala sayo?" seryosong sabi niya. Napalunok naman ako at "Ares. Ares Ezekiel Vasquez" sabay lahad ng kamay niya. Inabot ko naman ito dahil nakakahiya at nagpakilala "Sure... S-scottie Villalobos" sabay ngiti ko sa kanya. "Great! Anong oras out mo?" tanong niya. "E-eight po... ng gabi" utal kong sagot. "Okay. Dahil 4:30 pa lang naman balik ako mamaya" ngumiti lang ako sa kanya at gumanti naman siya sakin ng isang nakakaakit na ngiti. Tumitig siya sakin ng ilang saglit tsaka tinanong yung bill, binigay ko naman sa kanya at inabot niya yung bayad na may kasamang maliit na papel. "Thank you sir!" pahabol kong bati sa kanya bago siya tuluyang makaalis. Agad kong binuksan ang papel at kinilig sa nabasa ko "Coffee? See you later:>"


(After my work...)


Nagpalit na ulit ako sa school uniform ko na brown checkered skirt, white long sleeves, black coat, high socks and black shoes. Nag antay lang ako ng ilang saglit sa loob ng room namin for workers. Agad naman akong tinawag ni Darius ng dumating si sir Ares. Nagpalipas muna ako ng ilang segundo para hindi naman masabing atat.

Paglabas ko ay nasa table 8 ulit siya at kasalukuyang nakatalikod sakin. Lumapit ako sa kanya tsaka namangha sa itsura niya. Sobrang gwapo niya ngayon kumpara kanina. Yung kaninang bagsak na buhok niya ay nakabrush up na ngayon, kaya lumutang ang gwapo niyang mukha. Nakared long sleeves siya at nakatupi hanggang elbow. Partner with black slacks and leather shoes. Bumeso siya sakin tsaka inaya akong umupo.

"You look good" bati niya sakin. "Thank you!" nahihiyang sagot ko. "Ang gwapo mo din ngayon" puna ko naman sa kanya. "HAHAH nagustuhan mo pala" sagot niya.

Umorder kami ng pagkain tsaka nag usap ng kung ano-ano. "Kung grade 11 ka sa Cassa High. Ano namang ginagawa mo dito?" napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.

"Part time job ko to. Mahabang kwento kasi kaya kailangan ko to" tumango naman siya na parang nagets na ayaw kong pag usapan yun.

"So saan ka pala nakatira Ms. Villalobos?" napangiwi naman ako, "Ahhh.. ehh.. confidential e".

"I understand. Ano palang hilig mo?" pag iiba niya ng topic.

"Well, kumakanta at sumasayaw ako. Nagbabasketball din ako hehe. Ikaw?".

"Same mahilig din ako magbasketball pero wala akong talent HAHAH" sagot niya ata natawa lang kaming dalawa.

Mga 9:45 na ng matapos ang usapan namin kaya nagpaalam na ko but he offered a ride. Gabi na rin kaya pumayag na ko. Buong byahe pa rin kaming walang tigil sa pag uusap. Nakakatuwa nga dahil ang cool niya, magkavibe kami.
Minabuti kong hindi sa mismong bahay bumaba dahil sa privacy ni Strike, celebrity siya e. Nagpaalam naman ako kay Ares at inantay siyang makaalis.

Naglakad ako pauwi ng bahay tutal ilang lakad lang naman to. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, may duplicate ako ng susi. Ang dilim naman. Bubuksan ko na sana ang ilaw ng may nagsalita sa harap ko. "Bakit ngayon ka lang?" napatalon naman ako sa kaba.

"Shit! Ano ka ba? Wag kang manggulat, papatayin mo ba ako?" inis kong sigaw dito. Hindi ko na binuksan ang ilaw dahil alam ko na naman kung sino siya. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka binuksan ang flashlight nito. Dali-dali akong umakyat sa taas at sumunod naman siya.

"Bakit sobrang late naman ata ng work mo ngayon?" seryoso niyang tanong.

"Pake mo ba? May ginawa lang ako" iritang sagot ko. Pakialamero!

"Sa bagay buhay mo nga naman yan, anong pake ko. Pero sana sa susunod magsabi ka kung anong oras ka uuwi kasi baka may mangyaring masama sayo ako pa masisi ng parents mo" kalmado niyang sagot pero bakas ang galit sa tono nito. Padabog naman niyang sinara ang pinto ng kwarto niya. Nabigla naman ako don at naguilty.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil sa kagagahan ko, "Ang tanga-tanga ko". Pumasok na din ako sa kwarto at nagpahinga.


(Kinabukasan...)


Medyo late na kong nagising kaya't nagmadali akong pumasok. Oo, akong mag isa kasi nauna na si Strike sa school. Pagdating ko sa classroom ay nakita ko siyang nagbabasa ng libro as usual, ano bang bago? Mabagal akong naglakad papalapit sa upuan ko. Nakakahiya kasi yung kagabi ang gaga lang. Tahimik akong umupo sa tabi niya at wala naman siyang pake sakin.

Ginawa ko na lahat ng bagay para mapansin niya ko pero wala talaga. Iniiwasan niya ko girl. Ginawa kong magbuntong hininga ng malakas. Sinubukan ko ring manghiram ng kung ano-ano kay Travis na katapat namin para iabot sakin ni Strike pero walang effect, ako pa rin nag adjust para makuha yun. Sinubukan ko ring kausapin siya  pero everytime na gagawin ko yun nagbi busy busy-han siya. Anak ng....

Natapos ang klase namin ng ganun na lang. Walang pansinan at boring, nakaka guilty na mga ka-attitude. Bahala na work work work muna.


[Sa restaurant...]


"Scottie? May mga costumers na oh!" tawag sakin ni Bianca kasamahan ko. Nagmadali naman akong nag asikaso ng costumers. "Bakit absent minded ka?" pangungulit niya sakin. "Wala naman" tanggi ko at nagpatuloy na sa ginagawa ko.

Ilang saglit pa ay dumating naman si... si Ares. Ngumiti siya sakin tsaka dumiretsyo sa table. Agad ko siyang pinuntahan at kagaya ng ginagawa ko araw-araw ay kinuha ang order niya. "Kagaya ng kahapon yung favorite ko" napatawa lang ako sa kanya. "Ahh HAHA 1 cinnamon sugar waffle pretzel and 1 ice tea?" paglilinaw ko dito. "Hmmm... please add 1 bénédictine" dagdag niya. "Okay sir coming" sambit ko tsaka tuluyang umalis. Maya maya pa ay sinerve ko na ang order niya. Araw-araw talaga siyang pupunta dito para kumain? Wala ba siyang makain sa bahay? Sa bagay mayaman naman siya e HAHA.

Natapos ang shift ko ng 8. Wala naman kasi si Ares ngayon. Nagbihis na ako at nagpaalam sa mga kasama ko. "Uwi na ko, bye!" masiglang sambit ko. Lumabas na ako ng restaurant at napahinto ako ng makita sa harap ko ang isang magarang kotse. Dali-daling bumaba ang sakay nito at tama ako si Ares nga. Nakangiti siyang lumapit sakin at bumeso. "Hatid na kita" aya niya. "Naku wag na nakakahiya" tanggi ko pero pinilit niya ko kaya sumama na ko. Wala na naman kaming pinuntahang iba at hinatid niya lang ako.

My Dream is my Enemy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon