Karamay

2K 60 1
                                    

Scott's POV
It's almost 1 week since Scottie left our house. I did all my best to find her but I failed. Then, I decided to go to her school.

Tinawagan ko ang secretary ko na malalate ako sa office dahil may importante akong gagawin. Nandito ako sa harap ng school niya at nagaantay sa kotse. "Asan ka na?" ani ko.
Isang magarang sasakyan ang nagpark sa harapan ng kotse ko, mukang pang celebrity. Napanganga naman ako ng makita ang bumaba rito "S-scottie?".


***


I excuse her to her class, at nandito kami ngayon sa Cafeteria para mag-usap.

"Ano bang ginagawa mo dito?" pagbasag niya sa katahimikan, halatang inis siya.

"Gusto kitang icheck. Kung ayos ka ba? Kung saan ka natira? Kung may nakakain ka ba? Concern ako sayo, kami ni Mommy dahil mahal ka namin".

"Thanks for your concern but look Scott (smirks) I don't need your help. I can live without you and without Daddy. Ano pa bang ginagawa mo dito?". Ang kaninang inis niyang expression ay napalitan ng lungkot. Halata sa mga mata niya ang sakit sa kabila ng pinapakita niyang tapang. "Happy Family na kayo di ba? Tangina tigilan niyo na ko! Puro na lang sakit! Ngayon lang ako naging malaya please lang" naaawa ako sa kapatid ko. Umiiyak siya ngayon pero wala akong magawa para gumaan ang pakiramdam niya, dahil ako mismo ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Bata pa lang kami mahal na mahal na kami ni Daddy, spoiled kami sa kahit anong bagay. Pinalaki kami ng dapat lahat nasa ayos, I mean we trained to be professional, kaya konting pagkakamali disappointed agad si Dad. Hanga ako kay Scottie dahil nagawa at pinaglaban niya ang totoong gusto niya kahit ang kapalit noon ay ang tiwala ni Daddy. "I wish I could be like you" mahinang sabi ko. "What?!" irritableng tanong niya. "Ah wala. Aalis na ko bumalik ka na sa klase mo. Ingat ka lagi, Hmmm... Miss ka na ni Mom" at tumango lang siya.

"I miss the old Scottie, the old us".



Scottie's POV
Gusto kong umuwi, gusto ko silang makasama pero ang hirap kasi natatakot akong masaktan ulit. Yes I am rude especially to Scott. Siya kasi ang dahilan kung bakit ko nararanasan na saktan ni Daddy, sabihan ng masasakit na salita at lagi na lang akong ikinukumpara sa kanya. Naaawa naman ako sa kanya minsan dahil nakikita kong mabait pa rin siya sakin kahit ipagtabuyan ko siya. Hindi ko alam pero basta naiinis pa rin ako sa kanya.

Wala ako sa sariling bumalik sa classroom. Gulong gulo ang isip ko, buti na lang at tahimik ang mga kaibigan ko dahil alam na nila na wala ako sa mood. "Hays! " buntong hininga ko.

"Lalim naman noon Haha" napatingin naman ako ng masama sa katabi kong si Strike. Ang panget na nga ng mood ko dumagdag pa tong bwisit na'to.

I tried to ignore him pero ang kulit niya. Yumuko siya sa desk sabay tingin sakin na tila nagpapacute. Pogi mo sana kaso nakakaasar ka. Pinilit kong magfocus sa lesson kaso pasaway talaga tong isang to. Dahan - dahan akong humarap sa kanya tsaka irritableng nagsalita, "Hoy mister! Ano ba talagang gusto mo? Pwede bang mamaya mo na lang ako kulitin sa bahay, wala ako sa mood!".

"Ehem.. Ms. Villalobos or should I say Mrs. Alonte? (napatingin kaming dalawa kay Ms. Ignacio at lahat ay nakatingin saming dalawa. Napayuko lang kami sa kahihiyan) Siguro naman makakaantay pa yang kakatihan niyo mamaya sa bahay niyo. Both of you, Out!" sigaw ni ma'am. Tanginang araw to.

Pagkalabas ay dumiretsyo ako sa gym para ibuhos ang galit ko sa mundo. Dali dali akong kumuha ng bola sa shelf at ibinato sa ring. Kumuha lang ako ng kumuha ng bola at paulit ulit itong hinahagis sa ring. Nang kumalma ako ay umupo ako sa sahig at umiyak dahil sa bigat ng pakiramdam ko. "Waaaaaahhhhh!!! What the fuck! I hate this life! Ano bang maling ginawa ko? Bakit ganto ang buhay ko? Ang daming naiinggit sa buhay ko without even knowing na ako sa sarili ko ayaw ko ng ganto. Hindi ko na kaya gusto ko ng sumuko, pagod na pagod na ko".

"Kaya mo yan, laban lang" sambit niya sabay ngiti. Sa sobrang iyak ko hindi ko na napansin na nakaupo na pala si Strike sa tabi ko. Inabot niya sakin ang isang panyo at nung kukuhanin ko na bigla niya kong niyakap. Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil pakiramdam ko may karamay ako.

"Sorry nga pala kanina kinulit pa kita hihi" nakatingin siya sa malayo pero ramdam ko yung sincere na sorry niya.

Nanatili akong tahimik ng magkwento siya. "Alam mo ang tapang mo (napatingin naman ako sa kanya) kasi pinapakita mo saming lahat na matatag ka kahit ang totoo durog na durog ka na. I used to be like that, after malaman ko na niloko kami ni Dad. Si Mom and Dad is in relationship pero may side chick si Dad at nabuntis niya yung babae. No choice, kaya pinakasalan niya yung babae kahit si Mom talaga yung girlfriend niya. Hindi niya alam na 5 months pregnant si mom. I was mad at him, naging rebelde akong anak. Inom doon inom dito hindi ko kasi matanggap lalo na nung iniwan niya kami. Gumuho ang mundo ko as in ayaw ko na mabuhay pero one time nakita ko si Mom na umiiyak sa kwarto niya. Siguro dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi ko nakitang nasasaktan din si Mom at kailangan niya ko, at that point nagbago na ako. Manager Kim helped me at nakapasok ako sa Showbiz Industry" ang saklap din pala ng buhay niya. Tumingin naman siya sakin na parang nag aantay ng kwento ko.

"Hmmm... Dalawa lang kaming magkapatid, si Scott at Ako. Spoiled kami sobra HAHAHAHA. Buhay prinsesa ako.
Ang saya saya. Looks, Intelligence, Yaman, at masayang pamilya lahat meron ako; not until I decided to take Sports Track. Gusto niyang maging professional kami ni kuya. Against siya sakin pero dito ako masaya, sa pangarap ko. Dun nagstart yung mga adjustment at problema. Para na lang akong hangin sa kanya. Si Mom at Scott na lang meron ako pero galit ako kay kuya. Siya na lang laging magaling para kay Dad. Tama na ang drama e HAHAHAHA".

"HAHAHAHAHAHAHAAH" tawa naming dalawa. Mabait naman pala to sarap lang talaga patayin minsan.

"Tutal ang boring naman ng klase ngayon tara laro basketball" napangiti naman ako sa kanya at tumango.

Naglaro kami hanggang sa magsawa. "Alam mo ba basketball is my life? Siya na lang nagpapasaya sakin" sambit ko.
Ngumiti naman siya sakin at nagpatuloy sa pag shoot ng bola.

My Dream is my Enemy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon