Sickness

1.9K 80 7
                                    

Strike's POV
It's Sunday in the evening and I'm still here at Cavite for the taping of my latest teleserye.

"Kamusta na kaya ang pasaway na si Scottie?". Kinapa ko sa bulsa ang phone ko at agad siyang tinawagan.


(Calling Scottie...)


"Hello?" she said.

"Ahhh... Ehhh... How's your day? Your work? My house?" sunod-sunod kong tanong.

"Uhmm okay naman. Kung yun lang naman ang tinawag mo..." di ko siya pinatapos at nagtanong ulit.

"Are you okay? Mukang matamlay ang boses mo? Asan ka ba?" I asked.

"Ahh naglalakad na pauwi sa may Saint Louis Street. Pagod lang siguro ak...."

"F*ck! Hello? Scottie what's happening?" pag aalala ko. Rinig na rinig ko sa kabilang linya ang tunog ng isang bagay na bumagsak.

"Mr. Alonte? Scene mo na po, ready?" sigaw ng assistant director. "Sige" sagot ko. Tumingin naman ako kay manager Kim at sinabing "kayo na kumausap sa kanya okay? Alamin mo kung anong nangyari. Saglit lang to" agad naman akong pumunta sa set.

"Ang scene ay magkakasalubong sa hallway tapos mababangga si Monette at matutumba. Sasaluhin mo naman siya Strike, okay? Ready! Yung mga backup stand by lang. Lights! Camera! Rolling... Action!" sigaw ng director.

Sobrang dami ng tao ngayon dito pero relax akong naglakad sa gitna ng hallway ng bigla kong nabangga si Monette. Muntik na siyang matumba buti na lang ay nasalo ko ang bewang niya. Ilang saglit kaming nagkatitigan at dahan-dahan ko siyang tinayo. "Paumanhin binibini" sabay yuko ko. "Nice shot! Perfect! next scene" sigaw ulit ni Direk.

"Excuse me, Strike" tawag sakin ni manager Kim. Lumapit naman ako sa kanya at sinabi niyang dinala daw sa Severino hospital si Scottie. Nawalan daw ito ng malay sa kalye at may concern citizen na sumagot ng phone nito at dinala siya sa hospital.

"Okay sige thank you" dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at pinaandar ang kotse. Sumisigaw lahat ng nasa set pero di ko sila pinansin at umalis agad.
6:54 pa lang at makakarating ako sa hospital ng 8. Minadali ko na ang pagpapatakbo sa kotse ko, paspas kung paspas.


***


I looked at my watch and it's 8:27 in the evening. Bumaba ako sa kotse ko at dumiretsyo sa front desk "Anong room si Ms. Scottie Villalobos?" tarantang tanong ko sa babaeng nakapwesto dito. "Room no. 175 po Sir", "Thank you" at dali dali naman akong sumakay sa elevator.

Nang marating ko ang room niya ay pumasok agad ako. Aang unang hinanap ng mata ko ay ang pasaway na babaeng yun. Kasalukuyan siyang nakahiga sa hospital bed at natutulog. "Woooh!".



Scottie's POV

"Aaahh" agad akong napahawak sa ulo ko sa sobrang sakit. 'Asan ba ko?' nilibot ko ang paningin ko sa buong silid. Nahagip nito ang imahe ng isang familiar na lalaki. Nakaupo siya sa chair sa right side ng kama ko at hawak niya ang right hand ko. Dahan - dahan kong hinila ang kamay ko pero bigla siyang nagising kaya nagtulog tulugan ako.

"Aaaahhh" sabay unat niya. "Di ka pa rin gising?" ramdam ko ang pag aalala sa boses niya. "Ang pasaway mo kasing bata ka. Masyado mong pinapagod sarili mo. Kung alam mo lang kung pano ako nag alala at iniwan ko pa yung taping namin para lang sayo. Wag mo ng ulitin ah!" he said as he kissed my hand.

"Uhmm.. S-strike?" tawag ko sa kanya. At kunyari ay kikisap kisap pa. Agad niyang binaba ang kamay ko at tumayo.

"How are you? Anong nararamdaman mo?" tanong niya. Di ko maexplain nararamdaman ko lalo na sayo. "Hey!".

"Aaahhh... masakit yung ulo ko" tipid kong sagot. Nagpaalam naman siya at tumawag ng doctor. Nang makarating ang doctor at nurse, chineck nila ako. "Well, base sa results nilalagnat lang po ang pasyente. Maaaring nakuha niya ito sa sobrang pagod at pagkabigla sa trabaho".

"Pwede na po ba siyang umuwi?" Strike asked the doctor. Tumingin lang ako sa kanila habang nag uusap. "Pwede na po pero dapat ay alagaan siya at continues ang pag inom ng gamot". Nagpasalamat naman kami sa doctor at tuluyan na siyang umalis. Inasikaso na rin ni Strike ang bills at papers para makauwi ako.


[Sa bahay...]


Binuhat niya ko mula main door hanggang dito sa kwarto ko. Inihiga niya ko sa kama at nagpaalam na mag aayos ng sarili niya.

Ilang saglit pa ay bumalik siya sa room ko at may dalang foods. Pinatong niya ang tray sa side table ng kama ko. "Kaya mo bang umupo?" tanong niya at inalalayan naman ako. Umupo siya sa gilid ko at akmang susubuan ako "ehem Strike ako na. Kaya ko naman e" tutol ko dahil nakakailang sa kanya.

"No. Susubuan kita" inangat niya ang spoon na may soup at isinubo sakin. Nagpatuloy ang pagsusubo niya hanggang sa maubos ko ang soup. Pinainom din niya ko ng gamot tsaka pinagpahinga. "Ibababa ko lang to", pagpapaalam niya pero di pa man siya tuluyang nakakaalis ng tawagin ko siya. "Thank you ah ansarap" tipid kong sabi tsaka humiga at tumalikod sa kanya.


***


Nagising ako ng may dumamping malamig na bagay sakin. Kasalukuyan pala akong pinupunasan ni Strike ng basang towel. "Sorry nagising kita" paghingi niya ng tawad. "Okay lang" sagot ko at pinagmasdan lang siya habang pinupunasan ako. 'Napakaswerte ko at sa dami dami ng naghahangad sa kanya e na experience kong alagaan niya. Mabait ka naman pala madalas nga lang suplado'

"Nga pala Strike. Akala ko sa tuesday pa uwi mo di ba?" takang tanong ko.

"Oo kung hindi ka nawalan ng malay at dinala sa hospital, Tss!" ani niya na mukang seryoso talaga.

"Ahh. Nag-alala ka ba?" nakayukong tanong ko. Alam ko naman na nag alala siya dahil sa mga narinig ko kanina sa hospital, pero gusto kong sabihin niya sakin ng diretsyo.

"Of course" bigla naman akong napangiti at "responsibility kita at kung may mangyayari sayo, ako ang mananagot sa parents mo" tumango naman ako. Oo nga naman may point siya. Baka yun nga ang dahilan kung bat siya nag alala sakin kanina. Hays! Oo inaamin kong medyo kumirot ang puso ko sa sagot niya. Hindi ko alam pero nadismaya ako. Isinawalang bahala ko na lang ito at humiga ng ayos.

"Hmmm... Balik ka na sa pagtulog mo babantayan lang kita" sambit niya. Umupo naman ako at dinipa ang kamay at braso ko.

"Ginagawamue?" nawi weirduhan siya sakin HAHAHAHAHAHA.

"HAHAH I want to hug you sobra pero bawal kasi baka mahawa ka. Air hug na lang. Thank yooooooou!" may papikit pa ko at feel na feel. "Cute haha" napamulat naman ako ng bigla niya kong yakapin. Ramdam na ramdam ko ang mga muscles niya at sobrang bango niya din. "Pwedeng ganto muna tayo" pagmamakaawa ko, "I feel safe when I'm with you". Mas hinigpitan naman niya ang yakap sa akin. Mga ilang segundo ay bumitaw na ako at nahiga na ulit. Umupo naman siya sa mini sofa sa room ko.

"Strike" mahinang tawag ko. Lumingon  naman siya sa pwesto ko. "Sorry pala ha? Sa lahat ng abala at sakit sa ulo" sincere na pagsosorry ko at "ssshhhh... Goodnight" sambit niya at lumapit sakin. He kiss my forehead "If you need anything just call me" pagpapaalam niya.

My Dream is my Enemy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon