[Makalipas ang 2 linggo...]
"Bessywap!" tawag niya sakin dahilan para bumalik ako sa katinuan. Nakatambay kami sa field dahil tahimik at maaliwalas dito.
"Ha? Ano nga ulit yun?" tanong ko dito.
"Ano ba kasing iniisip mo? Nakakahalata na ko sayo ah. Di ka na nagsasabi sakin, tampo na ko. Btw, yung kuya mo nga kasi ilang araw na kong kinukulit kung saan ka natira e hindi mo naman nababanggit sakin e" napayuko na lang ako.
"Sorry Sniper ah, di kasi pwedeng sabihin tsaka para matahimik na tayong lahat. Basta pag nagtanong ulit siya sabihin mo okay lang ako" sabay ngiti. Hindi kasi pwedeng malaman ng iba na sa bahay ako ni Strike nakatira, oo alam kong alam na ng buong section namin pero sabi ni Sir hindi daw makakalabas yung sharing kaya safe ako.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nagsimulang maglakad ng biglang "Scottie nandito lang ako, mahal na mahal kita" sabay yakap niya sakin ng mahigpit. "Salamat Sniper I love you too" sagot ko at niyakap siya pabalik. Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon ng mapagdesisyonan naming bumalik sa kanya - kanyang classroom.
[Sa classroom...]
"Oh! Kumain ka na ba? Kanina ka pa namin hinahanap ah" sigaw ni Kate na kakapasok lang.
"Natatamad ako kumain" tipid na sagot ko at bumalik sa pagcecellphone.
"Ayan na si Ms. Soquilla" sigaw ni Matthew at agad namang nagsiayusan ang lahat.
"Good afternoon class!" bati nito.
"Good afternoon ma'am!" tugon namin.
Maglelecture lang daw kami ngayon kaya naman nilabas ko na ang akin notebook at ballpen."Shit! Bakit ngayon pa?" nakakainis wala ng ink yung ballpen ko. Napatingin naman ako sa katabi kong si Strike, Hays! No choice sige na nga "Ahh... S-strike? may extra ballpen ka pa?".
"Wala" tipid niyang sagot at hindi man lang nag abalang tumingin sakin. " Hehe sige salamat na lang" sagot ko sabay ngiti ng nakakailang.
"Scottie? Eto oh" alok naman ni Lyron. Agad akong nagpasalamat at kinuha ang ballpen niya dahil late na ko sa lecture.
(After a few minutes...)
"Hala wala nang ink yung pen ko" malungkot na ani ni Laurise (maganda at famous kong kaklase). "Pabebe" bulong ko sa sarili ko. Babalik na sana ako sa pagsusulat ng biglang "Laurise? I have extra pen, here" sambit ni Strike sabay abot at kinuha naman ito ni Laurise na parang kinikilig.
"Ehem! Akala ko wala kang extra?" taas kilay kong tanong kay Strike. "Nakalimutan ko meron pala" napanganga naman ako sa sagot niya. Waaaaahhhhh!!! Nakakainis! Kumukulo ang dugo ko sa kanya! Pag sakin wala pag kay Laurise meron? Sana all maganda di ba?! Bumalik na lang ako sa pagsusulat bago pa tuluyang masira araw ko.
"Ms. Villalobos may naghahanap sayo" napatingin naman ang lahat sa labas. Agad ko namang nakita si Sniper at kumakaway pa, napangiti lang ako. Tumayo na ako at naglakad palabas ng room. Sinalubong niya ko ng isang mahigpit na yakap, "Oooy? Grabe para saan yun? taka kong tanong. "Masaya lang ako para sayo kasi tanggap ka sa restaurant namin at pwede ka nang magsimula bukas. Congrats!" nakangiti niyang bati sakin. "Yiiiiieeeeee salamat alam ko namang di ako matatanggihan ni tito, pakisabi maraming salamat" napangiti na din ako.
***
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Ficção AdolescenteThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.