"HoOoy! Anong paganap mo kanina?" tanong ni Kate sabay tawa nilang tatlo.
"Tssk. Umayos kayo diyan" pagtataray ko.
"Ehh mahalaga naman pala ang isa't - isa e. Yiiiiieeeee" - Joycean.
"Oo nga HAHAHAHA. Btw anong nangyari sayo bakit hindi ka nagsasabi samin?" - Lacey.
"Ahhh.. wag kayong magalit kung di ko nasabi pero kasi biglaan. Wala na akong time para maisip na pumunta kahit kanino man sa inyo, kahit nga kay Sniper. Pinalayas ako ni Daddy kasi may nagawa akong kasalanan at medyo mabigat yun. M-mas okay na din yun... para maging masaya na sila sa bahay" malungkot kong sagot.
"E si Tita? Okay lang sa kanya? Si Scott?" tanong ni Kate.
"Hindi pero ako na nagsabing okay lang at ipapakita ko sa kanila na okay lang ako" sabay ngiti ko. "Kumain na lang tayo sa Cafeteria. Tara na!".
Strike's POV
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang Cafeteria nakarinig ako ng away sa likod ng isang building. Mukang mga babae, hindi naman ako yung tipong nangingialam kaya di ko na ito pinansin. Hindi pa naman ako masyadong nakakalayo ng marinig ko ang pangalan ko dahilan para ma curious ako."Ano ha? Anong meron sa inyo ni Strike?" galit na sigaw ng babae.
Dahan - dahan akong lumapit sa likod ng building kung saan nagmumula ang away. Sinilip ko ito at nakita ang group nila Mitch (famous) at sila Scottie (Average). Saglit pa akong nanuod sa kanila at muka namang wala akong mapapala kaya umalis na ako at dumiretsyo sa Cafeteria. "Tss!"
Scottie's POV
Papunta na kami sa Cafeteria ng bigla kaming harangin nila Mitch (ang witch sa Campus) gusto daw nilang makipag usap. Pumunta kami sa likod ng Cafenr at doon nag - usap."Mitch? Ano ba talaga gusto mo sakin?" takang tanong ko.
"Hmmm... Simple lang I just want to ask, kayo ba ni Strike? Bakit humiling siya na ilagay siya sa section niyo?" taas kilay niyang tanong.
"Yun lang ba? HAHAHAHA... Hindi ah, sungit noon e, kakilala ko lang siya" tawang tawa kong sagot.
"Very good then (smirks) dahil akin lang siya HAHA" sambit niya sabay alis.
"How desperate" bulong ko sa sarili ko. Ano ba yan ang dami kong makakaaway pag nagpatuloy ang pagiging close namin ni Strike. Pano pa kaya pag nalaman ng mga babaeng patay na patay sa kanya na sa bahay niya ko tumitira.
"Hays mga babae talaga. Hayaan mo na yun Scottie, tara na" yaya nila Lacey.
Natapos ang break time kaya bumalik na kami sa classroom. Nagpatuloy ang buong araw.
[Sa bahay...]
"Bakit ngayon ka lang?" bungad sakin ni Strike habang nakaupo sa sofa.
"Ahh gumala pa kasi kami tsaka maaga pa naman ah. Teka nga ano bang pakialam mo? Boyfriend ba kita?" taas kilay kong tanong.
"Hindi pero ako lang naman ang may ari ng bahay na ito. Isa pa gutom na ko kaya magluto ka na, hindi libre ang pagtira mo dito tss" pagsusungit niya.
Napangiwi na lang ako sa inasal niya tsaka naglakad paakyat ng kwarto. "Teka magbibihis lang ako".
***
"Ooohh! Akala ko ba ako magluluto? Mukang tapos ka na e"."Gutom na ko at sobrang tagal mo. Kumain ka na nga lang dami mong satsat" sungit talaga neto kahit kailan.
Tahimik lang kaming kumakain ng bigla siyang magtanong ng "Bat ka nakikipag - away?" tiningnan ko naman siya ng masama.
"Pake mo ba? Tsaka di naman ako nakipag away, usap lang. Mga fans mo kasi e patay na patay sayo" sagot ko na ikinatawa niya. "Oh? Anong tinatawa tawa mo diyan? Sungit sungit mo tapos pagkakaguluhan ka? Mga walang taste".
"Anong?.. Kapal mo din, ako na tumulong sayo tapos ganyan ka" inis na sambit niya.
"Bakit? May kapalit naman to di ba? Maglilinis ako, magluluto at kung ano ano pa. Huh!" bumalik ako sa pagkain at di siya pinansin. Pagkatapos kumain at maghugas ng plato ay natulog na ko.
BINABASA MO ANG
My Dream is my Enemy!
Novela JuvenilThis is a sad love story. Hindi man nagkasama ng matagal pinatunayan pa rin nila na may FOREVER.