Swipe Left, Swipe Right: Sitwasyon ng Male LGBT Online Dating sa Pilipinas

127 0 0
                                    

Sa panahon ng ika-21 siglo, mas naging mas mabilis ang lahat ng bagay katulad ng paghahanap ng magiging katuwang sa buhay. Kung noon, kailangan mo pang mangharana, sumuong sa mga blind date o kaya sa mga speed dating para lang mahanap kung sino ba ang magiging kapareha mo sa buhay, ngayon ay may mga tinatawag na online dating sites na-isa rito ang sikat na online dating site na Tinder.

Ang Tinder ay isang location-based dating app na inilunsad noong 2012 sa USA kung saan kapag kapag gusto mo ang isang tao ay isa-swipe right mo at kapag ayaw mo naman ay isa-swipe left mo lang ito. Dito sa Pilipinas, nauso rin ang Tinder dito lalo na sa mga kabataan at sa mga single para maghanap ng kaibigan, makaka-date at madalas ay makakalaro ng apoy kapag nababagot at tumataas ang libido ng katawan.

Isa sa mga video essay na inspired sa Tinder ay pinamagatang "A Letter To The Person I Met on Tinder" na isinapelikula ni James Allen Fajardo. Ipinalabas sa Cinemakulay 2018 ito kung saan ipinapakita ang realidad ng bidang lalaki ang kanyang karanasan sa nakilala niyang lalaki sa Tinder; dito rin tinatalakay ang gist ng nangyayari sa mga taong nagkakakilala sa online dating sites katulad ng Tinder at ang kanyang pangamba't takot kung ano ang possibleng mangyari kapag mas nakilala niya pa ito at kung mahulog man siya nang tuluyan sa taong nakilala lang niya mismo sa app.

Tanong ko sa sarili ko na kahit ba may mga online dating apps na nagsisisulputan ngayon, madali ba talagang makahanap ng pag-ibig ang isang lalaking LGBT kahit mayroon nito?

Mula sa artikulong "Wanted, True Love: An in-depth analysis of popular dating apps", nila Iggy Gan at Erica Sanidad ng GMA News-kanilang pinag-aralan kung mas madalas bang nakakakita ng pag-ibig o kamunduhan lamang sa mga online dating apps katulad ng Tinde. At dito, lumabas sa kanilang datos na mas mataas ang porsyento sa mga apps ay para sa lust o kamunduhan kumpara sa paghahanap mismo sa tunay na pag-ibig.

Kakaiba ang pagtingin ng ilan sa ilang dating apps na ito dahil sa persepsyon na ito'y instrumento mismo sa paghahanap ng casual sex, one night stand o kaya fucking buddy or tinatawag na FUBU. Gayunpaman, may naniniwala pa rin na may pag-asa para makahanap ng tunay na pag-ibig.

Pero, may mga nakaambang panganib rin ang paggamit ng mga apps na ito.

Nabanggit sa artikulo ni Lara Tan ng CNN Philippines na pinamagatang "Love at right swap: Dating at the Age of Tinder", tinalakay niya ang mga panganib at downdside ng paggamit mismo ng apps katulad ng Tinder na itinalakay ng isang sosyolohista na si Andoi Evangelista.

Ayon kay Evangelista, kailangan ng ibayong pag-iingat sa mga taong nakikilala natin sa online dating apps dahil karamihan sa mga tao rito'y pinapakita lang nila ang kanilang magandang bersyon ng kanilang sarili-simula sa magagandang litrato na ina-upload nila hanggang sa mga picture ng mga hilig nilang gawin.

Kailangan rin naman nating ipakita ang mga magagandang ginagawa nila para mas mapansin tayo ng gusto nating pormahan sa app, pero huwag lang i-oversell ang sarili dahil hindi siya makakahanap ng disenteng makakate. Hindi lang naman pag-ibig ang nahahanap sa loob ng mga apps dahil may mga tao rito mapa LGBT man o hindi ang naghahanap ng one night stand o kaya playmate para mapawi lang ang init sa katawan.

Sa isang artikulo sa Vox na "Tinder and Grindr don't want to talk about their role in rising STDs" na isinulat ni Julia Belluz, isa rin sa dahilan ang mga dating apps sa pag-akyat ng mga kaso ng Sexual Transmitted Diseases or tinatawag na ngayon na Sexual Transmitted Infections katulad ng tulo o gonorrhea, chlamydia, ang paggmit ng online dating sites sa pag-aarange ng casual sex at pakikipagtalik sa mga di kilalang tao dahil may mga tao na nahihilig mag-engage sa high-risk sex katulad ng hindi pagsusuot ng condom habang nakikipagtalik.

Puwede naman talagang makahanap ng taong mamahalin mo sa dating app katulad ng Tinder, pero kailangan lang ding mag-ingat sa mga taong nakikilala natin rito, dahil hindi pa nating lubusan na nakikilala ang mga taong nakakasalamuha natin doon sa mga apps na ginagamit natin. Lalo na't noong may parte na natatakot pa siya na mas makilala ang kanyang naka-meet sa labas ng app at unti-unting nahuhulog ang kanyang loob sa kanya lalo na't noong pagkatapos nilang magkita.

Kahit napakahirap maghanap ng pag-ibig sa isang lalaking LGBT, mayroon pa rin na posibleng nakalaan na "the one" na posibleng ma-meet online or offline. Kung pampawi lamang ng init sa katawan ang hanap, ibayong pag-iingat lamang para hindi magkaroon ng sakit at maging responsable sa mga hakbang na gagawin para hindi mapahamak sa huli.

Ika nga, true love waits and you will meet the right person at the right time and right place.

TALA:

• https://vimeo.com/262501633
• https://www.vox.com/science-and-health/2017/11/13/16620286/online-dating-stds-tinder-grindr
• http://www.gmanetwork.com/news/hashtag/content/384076/wanted-true-love-an-in-depth-analysis-of-popular-dating-apps/story
• http://cnnphilippines.com/lifestyle/2016/02/12/Dating-app-Tinder-Valentines-Day.html

|| Ang nasabing kolumn ay para sa "BAHAGHARI" ni Bryan Elijah Trajano-isa sa mga kolumnista ng Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik.

Kadlit Kolum: Koleksiyon ng mga KolumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon